Chapter 12 (You Have Me 4)

11 2 0
                                    

Aestine's POV

Tapos na ang pang umagang klase, naglalakad ako ngayon kasama ang dalawang mokong kong kaibigan na kanina pa kami inaasar ni Chesna. Magkatabi kami habang nasa likod naman yung dalawang maharot, nag-aya akong maglunch sa Greenwich at siyempre libre ko.

"Oii Dre" biglang akbay sa akin ni Nath "Pizza ah" bulong nito

"Oo, basta ikaw magbayad" pang-aasar ko, umasim naman ang mukha niya

"Kuripot!" biglang sigaw niya dahilan para mapalingon si Chesna at Mart

"Manahimik ka nga, OO NA!"sigaw ko din sakanya, napailing nalang si Mart sa pagka-isip bata namin, nanatili namang tahimik itong katabi ko

"Chesna, madalas pala kayong lumabas nitong si Aestine nung bakasyon" biglang baling niya kay Chesna, siniko pa ako ng loko, sadista!

"Oo" tugon lang nito

"Ah eh, sa tingin ko ikaw laging nanlilibre"  sinamaan naman ko siya ng tingin, mas lumapad ang ngiti ng unggoy

"Hindi naman, katunayan siya nga lagi eh" nakangiti niyang tugon

"Wow, the most kuripot? Manlilibre? Impossible!" sabat ni Mart, sinalubong ko ang tingin niya saka nanlilisik ang mga matang tinitigan siya, tatawa-tawa naman siyang nag-iwas ng tingin

Nagkalesa kami papunta doon, ramdam ko ang kaba ni Chesna habang katabi ko siya dito sa loob, habang nasa harap naman yung dalawang ignorante naming kasama.

"A-Aestine" garalgal ang boses na pagtawag ni Chesna

"Ano yon?" tanong ko

"Ayos lang bang sumasama ako sa inyo? I mean, wala bang issue ganon" kabado ang boses niya

"Ayos lang samin, kinausap ko na yung dalawa, siyempre di nila ako tatanggihan at kung may issue man, sabihin mo lang kami bahala sayo" pangungumbinsi ko

"Salamat" tugon naman niya, nakahinga ng maluwag

"Bakit, may nang-aaway ba sayo?"

"Huh? Ah! Wala ah!" nagtaas siya ng boses

Nagulat ako dahil ramdam kong may tinatago siya "Mm" tango ko

Nakarating din kami sa wakas, inalalayan ko pababa si Chesna saka sinalubong ang nang-aasar na tingin ng aking mga kaibigan. Kami ni Nath ang pumuntang nag-order, bitbit ko ngayon ang pagkain namin at kay Nath naman ang drinks hanggang sa.....

"WOIII!" Napalakas ang pagtawag ko kay Nath ng mahulog niya ang isang drink

"Aaiiishhh" buntong hininga ni Mart

"A-AHAHAHAHAHA ang bobo ko!"sigaw ni Nath sa sarili, natawa sa sariling katangahan ang bonak

"Huwag kang mag-alala dre, hindi ka bobo tanga ka lang" akbay ko sakanya sabay-sabay kaming natawa, naupo na kami saka nagsimulang kumain

Hindi katulad kanina, hindi na masyadong nahihiya si Chesna sa amin. Madalas siya kung tumawa at palagi na ding umiimik, masaya ako dahil may nadagdag sa amin, kahit na may umalis. Hindi ko tuloy maiwasang isiping siya si

Chesna's POV

Katatapos naming maglunch kanina lang. Inutusan sila Aestine kaya mag-isa lang ako, nandito ako ngayon sa canteen na pinuntahan namin kanina, napatigil ako sa paglalakad ng mahulog ko ang baryang hawak ko

"Get out of my way, idiot!" biglang sigaw sa akin ng isang pamilyar na tinig, ang mga bruha

Umayos ako ng tayo saka sila hinarap at nagtama ang paningin namin ni Jessica, himala mag-isa lang siya ngayon, "It's my way, so your supposed to say, GET OUT OF YOUR WAY" mataray kong sabi, kung mayabang siya mas mayabang ako

Kung Wala Ka (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon