How to pronounce:
Aestine Hale Ajero=Eystin Heyl Ahero
Chesna Blythe De Dios= Chesna Blayt De Diyos
Aedine Hilary Ajero= Eydin Hilary AheroChesna's POV
"Saan tayo pupunta?" tanong ko kay Aestine, patuloy padin kami sa paglalakad papunta sa kung saan
"Hmm" nag-iisip niyang usal, bahagya pang tiningala ang ulap "Linggo ngayon diba?" tanong niya tumango naman ako bilang tugon "Tara sa Piat" pag-aaya niya
"Malayo ba yon?"
"Huh? Hindi ka pa ba nakakapunta don?" tanong niya
"Ako yung nagtatanong, bat binalik mo ule saken?" may bahid ng sarkasmong tanong ko
"Medyo, pero kung van eh malapit lang higit isang oras na biyahe" tugon niya
Umawang ang labi ko sa sinabi niya, pinagtakhan naman niya ako ng tingin "Medyo malayo sa'yo yon? Tapos isang oras yung biyahe?! sigaw ko, dahilan para magsilingunan ang mga taong nadadaanan namin. Naitikom ko ang bibig ko sa pagkapahiya "Ang layo naman" humina ang boses ko, tinawanan naman niya ang pagka-ignorante ko
"Kasama mo naman ako, tsaka simbahan yon. Nandun tayo para sumamba sa diyos" paliwanang niya
"Oo nga pero---
"Shhh" pigil niya sa sinasabi ko, tinakip pa niya ang hintuturo niya sa bibig ko "Akong bahala" hinila niya ang kamay ko matapos sabihin iyon, halos madapa naman ako kasusunod sakanya
Pumara siya ng masasakyan saka ako pinaunang sumakay, saka siya tumabi sa akin, may sinabi siyang address sa driver, tumango naman ito saka muling pinaandar ang tricycle. Sa daan, tinatandaan ko ang bawat lugar at tanawin na aming nadadaanan, tsaka ko naalala na isang oras pala ang biyahe.....
"Teka, isang oras tayo dito?" ignorante kong tanong
Bumungisngis naman siya "Siyempre hinde, magva-van tayo, ihahatid tayo nito sa terminal"
"Terminal? Dun na ba yung Payat?" takang tanong ko
Tumawa naman siya ng malakas, napangisi nalang ako sa kawalan ng ideya "Hinde" sabi niya habang tawa padin nang tawa "Tsaka ano?.....PAYAT?! HAHAHAHAHA" tawa pa ng loko, as if namang alam ko
•___•
"Taga Tuguegarao ka ba talaga?" tawang-tawa niya nanamang tanong, hindi na yata siya titigil, binaling ko nalang ang paningin ko sa daan, kumalma naman na siya saka niya ako iniharap sakanya "Saan uli tayo pupunta?" Nanghahamon niyang tanong, pinagkrus ko naman ang braso ko saka nanliliit ang mga matang tinitigan siya
"PA-YAT" sambit ko
"Guukk------HAHAHAHAHAHAHAHAHA" tawa niya habang hawak ang tiyan, ang engot hinahampas payung hawakan ng tricy, abnormal.
"Tch!" singhal ko saka nag-iwas ng tingin, tumigil naman na siya sa pagtawa
"Pi-yat, Piat" pagtatama niya, nilingon ko naman siya
"Mmmmm..... PIAT...pala" tatango kong sabi, ang abnormal nakitango naman na parang bata hawak-hawak pa ang magkabilang braso ko
"Ang bulol mo" pang-aasar niya pa, madiin akong napapikit saka sumeryoso
"Eh, sa may lahi akong Japanese eh, bakit ba?" sarkastiko kong sabi
"Dahil ba sa lahi mo kaya ka nabulol, o dahil.... mali ang pagkakarinig mo?" nang-aasar ang tingin at tinig niya
"E-Eh ano naman?" pagpapalusot ko, mali talaga pagkakarinig ko
"Mmm" kunwaring nakumbinsi naman niyang tango
Binaling ko ang buong atensyon ko sa daan, ngunit makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa terminal. Bumaba ako at saka ko naintindihan ang lahat, ang terminal pala ay sakayan ng van, kung alam ko lang sana baka di na ako inasar.
"Dito ang terminal ng Piat, sakayan dito ng va----
"Oo na oo na, alam kona" pigil ko sa sinasabi niya, tila naasar naman siya
"Tara na nga" aya niya, sumunod naman ako
Bumili siya ng makakain sa isang naglalako, tinignan ko ang pinamili niya. May biskwit, candy, titsirya, juice, at tubig.
Sumakay kami sa van na may nakapaskil na Piat sa harap. Sa likod ng driver kami umupo, nasa tabi ako ng bintana habang nasa tabi ko naman siya, sakto lang ang inupuan namin sa dalawa kaya naman wala na kaming ibang nakatabi. Makalipas ang ilang minuto ay nasa biyahe na kami. Ignorante akong napabangon sa pagkakaupo saka tinanaw ang isang pula at mahabang tulay na aming dadaanan, sa mismong harap kung saan nakikita ng driver ang daanan, naramdaman kong nagulat si Aestine sa inasta ko ngunit hindi niya ako pinigilan, batid kong alam niyang ito ang unang beses ko ngunit mayroon sa aking nagsasabing nakita ko na ito noon."Yan ang Buntun Bridge" sabi niya, "Isa iyan sa pinakamahabang tulay" dagdag niya pa, nanatili naman akong nakatitig dito, lulan na ng tulay ang van na aming sinasakyan, napahawak ako sa kamay ni Aestine at madiin ko iyong hinigpitan, nakita komg nagulat siya pero hindi iyon naging alintana mas pinagkadiinan ko pa ang pagkakahawak sakanya "Bakit?" Tanong niya, hinawak ko naman ang isa ko pang kamay sa braso niya saka kumapit doon "Takot ka?" sinalubong ko ang nagtataka niyang tingin, kung may salamin mang nakaharap sa akin ay makikita ko doon ang natatakot kong itsura, mahina siyang tumawa saka ako sinandal sakanya "Ayos lang yan, hindi tayo mahuhulog" pang-aalo niya, kumalma naman ako
"Sa tingin ko, hindi ito ang unang beses na nakapunta ako dito" pagtukoy ko sa tulay, lulan padin kami nito
"Kung ganon huwag kang matakot"
"Hindi ko mapigilan eh" rason ko
"Walang lugar na nakakatakot kung may tiwala ka sa kasama mo" muling sambit niya, dahilan para mag-angat ako ng tingin sakanya at nagtama ang aming paningin, nginitian niya ako gumanti naman ako ng tipid na ngiti may bahid padin ng takot. Iniyakap niya ang mga braso ko sakanya, nahihiya man ay nagpaubaya ako dahil sa takot.
Makalipas ang ilang minutong takot, ay sa wakas nalampasan na namin ang tulay, napakahaba talaga niyon. Biglaan kong binawi ang braso kong nakahawi sa kaniyang tiyan, nagulat man siya sa inasta ko ay agad naman siyang nakabawi.
"Matulog ka muna kung gusto mo" alok niya, nagugulat ko naman siyang tinignan, hanggang ngayon ay hindi ko alam kung bakit ako sumama sa lalakeng toh, kahit alam kong mabuti naman siyang tao. "Sige na, hindi naman kita iiwan at pababayaan eh" sabi niya sabay kamot sa pisngi, nagulat naman ako at ganun na din siya ng mapagtantong dalawa pala ang maaring maging kahulugan ng kaniyang sinabi
"Ah, ayos lang" nahihiya kong sabi saka binaling ang paningin sa daan
Lumipas ang mga minuto at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagpaubaya ako sa taong hindi ko lubos nakakasama, pero sa tuwing kasama ko siya ay hindi ko kailangang matakot, ramdam kong ligtas ako sakanya.
I thought the outside world is such a dangerous place, but it's not as long as I'm with you.
To be continued....
Buntun Bridge Everyone
Photo Credits to: Tidz|VidPhoGraphy
BINABASA MO ANG
Kung Wala Ka (Ongoing)
RomanceMalalabanan natin ang ating damdamin ngunit hindi ang tadhana na siyang sa huli'y nasusunod. Mahal kita ngunit paano kung hindi ko na kaya? Magpapatuloy pa ba kung puso'y napapagod na? Handa akong danasin ang lahat, pero paano kung ako lang ang lala...