Chesna's POV
"Goodmorning baby" nakangiting bati sa akin ni Daddy, araw ng linggo ngayon at inaasahan ko na ang pagpasok niya dito sa aking kwarto para yayain ako sa kung anong maisip niyang gawin.
"Goodmorning din Dad" bati ko rin habang tinutuyo ang buhok ko gamit ang tuwalya.
"Let me do it for you" pag-aako naman ni Dad na agad kong pinayagan.
"Thanks" pasasalamat ko.
"This is nothing, I remember doing this to your Mom when we were still young HAHAHAHAHA" natatawa niyang kuwento.
"Your so sweet, I wish I'll have someone like you in the future" wala sa sariling sambit ko.
"B-Baby what... what did you say?" nagugulat niyang sabi.
"Nothing that was nothing" tanggi ko.
"I heard it"
"And why are you still asking?"
"Baby, you have a crush na?" nanlalaki ang mga matang tanong niya.
Natigilan naman ako naramdaman ko ang pamumula ko "NO!" mariin kong sagot "It's not a crush it was not like that I mean... before, that I.. I-I just like the way he-"
"Wala pa akong binabanggit na pangalan bat nagdedefense kana?" natigilan ako sa pagsasalita sa biglaang asar niya.
"Dad are you.... teasing me?"
"No" sagot niya patuloy pa rin sa pagpupunas ng buhok ko "I owe that man"
"Owe him what?" pang-uusisa ko
"Wala pa akong binabanggit na name" muli niyang pang-aasar saka kinuha ang suklay at nagsimula ng suklayin ang buhok ko.
"Come on its obviously Aestine Dad" paghuhuli ko sakanya
"AHAHAHAHA nabanggit ko lang yung crush namula ka and nailang" nanunuksong sagot niya, pero bat parang ako pa tong hinuhuli?
"Dad" nagmamaktol kong pagtawag.
"Ok fine, I'll stop" natatawa niyang tugon.
"Nandito ka po ba para asarin ako?" sarkastiko kong tanong
"Well baby of course not, I came here to invite you" sabi niya habang patuloy sa pagsusuklay sa buhok ko.
"Hmm, where?" tanong ko.
"You know that every month may program ang hospital namin to help sa mga charity" panimula niya, at mukhang alam ko na ang ibig sabihin niyabg ito "I want you to go with us kasi we need help para mag-asikaso sa kids"
"KIDS?" nasasabik kong tanong saka humarap sakanya
"Yeah" natatawa niyang tugon, itinalikod niya uli mula sa kanyang harap ang buhok ko upang ipagpatuloy ang pagsusuklay sa akin.
Magmula ng mawala ang nakababata kong kapatid nahiligan ko na ang pag-aasikaso sa mga bata kahit sino pa o kaninong anak iyon.
"I'll go with you" nakangiti kong sang-ayon
"Nice, handle also the documentation para maikalat din sa ibang hospitals and companies. I'm giving you the task dahil alam kong mahahandle mo"
"Yes Dad"
"Good, prepare now and magpapalit na ako" paalam niya bago itinigil ang pagsusuklay niya sa buhok ko.
Pinili kong magjumper na pinaresan ko ng puting top, nagdala ako ng mga gamit pansarili ko at camera. Pagkalabas ko ay inaantay na ako ni Daddy sa sala, inalalayan niya ako palabas at pasakay ng sasayan. Ilang minuto ang lumipas at nakarating kami sa isang bahay ampunan, hindi lamang basta bahay ampunan ito madami sa mga nandito ay may sakit na bata at may kapansanan. Awa ang unang ekspresyong nailabas ko, pero ng makita ko kung paano asikasuhin ni Daddy ang mga batang narito ngayon walang alinlangan na din akong tumulong kasabay ng pagkuha ng ilang mga litrato.
"Oh, halika dito" isang pamilyar na tinig ang umagaw ng atensyon ko habang kumukuha ng litrato.
Agad akong nangiti sa nakita ko ngunit pagkatapos din non ay namuo ang lungkot sa kabuuan ng mukha ko at napalitan ng inggit ang nararamdaman ko.
SI MOMMY
Nakangiti niyang kinakausap ang isang pilay na dalaga na sa tingin ko ay kapareha ko lang sa edad. Nakaupo ito sa wheelchair kaya naman si Mommy pa ang nagtutulak sa kinauupuan nito, nakatayo lang ako sa puwesto ko magmula pa kanina habang pinapakinggan ang usapan nila, nakatagilid sila mula sakin kaya hindi ako napapansin. Walang sampung metro ang layo nila sa akin at kahit na may salaming nakaharang ay hindi iyon alintana para marinig ko ng malinaw ang usapan nila.
"Maayos kung ganon, nakakaproud naman" nakangiti niyang papuri.
Unti-unti umakyat ang malamig na pakiramdam sa buong katawan ko hanggang sa nakaramdam ako ng kirot sa bandang dibdib ko.
"Opo, at dahil po ito sa inyo maraming salamat po" magiliw na sabi ng dalaga at tila may kislap sa mga mata niya habang kinakausap si Mom.
Lumuhod si Mom para magpantay sila ng tingin "Nako anak wala iyon, you deserve the best" dahan-dahang hinawakan ni Mommy ang magkabilang pisngi ng dalaga saka niya ito niyakap.
BAGAY NA HINDI NIYA MAGAWA SA AKIN
Imbes na YOU DESERVE THE BEST ang palagi niyang sinasabi sa akin ay BE BETTER. Mas nakakapanlumo pa ang ginawa niyang pagtawag ng anak sa dalaga, habang sa akin.... kahit sa pangalan ko, hindi niya ako matawag.
Mom ako yung anak mo, pero bakit mas magagandang salita ang sinasabi mo sakanya na tinutulungan mo lang, ako yung anak mo pero bakit siya ang tinatawag mo na anak? Sa lahat ng bagay na hindi ko kaya... yung mga taong nandiyan dapat para sa akin... sila pa yung, nawawala... sila pa yung bumibitaw... sila pa yung nagpapabaya.
If I can't make you proud, how am I supposed to be the daughter you wanted to have? Malas mo na nga siguro dahil ako pa yung naging anak mo.
Mabigat ang dibdib akong lumisan sa lugar na iyon at tumungo sa play ground kung saan ako naupo sa isang swing at doon umiyak nang umiyak. I feel like my heart is tearing apart.
I will never be good enough for her.... Kung ganon mas proud siya sa iba, well ano pa nga ba magkabit nga ng medal ko noong grumaduate ako sa homeschooling kahit nandoon siya iniutos niya pa sa teacher ko na siya nalang magkabit ng medals ko.
"Ches baby?" natigilan ako sa pag-iyak ng marinig ang boses ni Daddy mula sa likuran ko.
Agad kong inilabas ang panyo ko saka nagpunas bago humarap sakanya "I'm sorry napagod lang po ako" hindi nawala ang panginginig sa boses ko.
Nakita kong nag-aalala siya pero ngumiti lang ako, unti-unti siyang lumapit at wala akong nagawa kundi yumuko. Ilang sandali pa ay ramdma ko ang napakainit niyang bisig sa palid ng katawan ko.
"I saw what happened" lmalungkot niyang panimula at ayaun na naman iyong mga luha kong nag-uunahang tumulo "Don't worry baby, Dad is with you and he's so handsome" natawa ako sa kalagitnaan ng pag-iyak dahil sa biro ni Dad.
Sa buhay ko ay parang wala akong ina, at kahit na bastos ako sakanya... may pakeelam padin ako saknya at umaasa padin akong magkaka-ayos kami. Pero kung gaano ako naging malas kay Mom ganoon naman ako naging swerte dahil sa Daddy na meron ako.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Kung Wala Ka (Ongoing)
RomansaMalalabanan natin ang ating damdamin ngunit hindi ang tadhana na siyang sa huli'y nasusunod. Mahal kita ngunit paano kung hindi ko na kaya? Magpapatuloy pa ba kung puso'y napapagod na? Handa akong danasin ang lahat, pero paano kung ako lang ang lala...