Chesna's POV
Walang pasok ngayon, pero kailangan ko pading gumising ng medyo maaga para maglinis pero laking gulat ko ng.....
"Magandang umaga po, magandang binibini" bungad ng isang medyo may pagkatandang babae sa akin.
"A-Ah..... ano pong----" tatanungin ko sana siya kung anong ginagawa nila dito ng biglang magsalita si Daddy.
"I hired some maids, the 3 of them will stay in with us" sambit nito, na siyang nakapagpabago sa akin.
Dati kasi ay kami-kami ang gumagawa ng gawaing bahay. Ngunit madalas itong naiiwan sa akin, pero ngayon may mga katulong na.
"Dad, you dont have to" bulong na sagot ko dito. "Kaya ko naman eh" sumimangot ako.
"I know" naawa niya akong tinitigan sa mata "Pero mas maiigi ng magfocus ka muna sa studies mo mas mahalaga yon" pagpapaintindi niya.
Nginitian ko ito upang mapawi ang pagod niya, alam kong kagagaling itong ospital at hindi pa nagpapahinga. Nagpaalam akong bababa na para kumain, agad naman akong sinalubong ng isang katulong.
Kung dati'y magluluto pa ako nakahanda na ang lahat ngayon. Nakakapanibago tuloy dahil kahit na nag-iisa ako dati, nagagawa kong maging masaya. Pagkatapos kumain ay deretso na akong naligo tsaka nagbihis.
Katulad ng nakasanayan ay magpipinta ako, wala naman akong ibang ginawa tuwing bored ako kundi magpinta, gumuhit o magbasa. Pero minsan nakakasawang pauulit-ulit nalang na ganoon, bukod din sa panonood ng Anime o pakikipaglaro sa aso namin nakahilatay nalang ako.
Iyon na nga, natapos na ang painting ko. Masaya kong tinitigan ang napakagandang dagat dito, naiisip kong nandito ako ngayon at naglalakad. Humilatay ako dahil nararamdaman kong sumasakit na ang likod ko, sino ba namang nagpapainting ng nakahiga?
Now Playing: Love you Like a Love Song by Selena Gomez
Napapikit ako habang kinakanta sa isip ang mga liriko nito. Ang huli ng kanta ay ang paborito ko. No one compares, you stand alone, tunay ngang wala ng mas hihigit sa'yo. To every record I own, kauna-unahan at nag-iisa. Music to my heart, that's what you are, music defines life that's why our hearts have beats. A song that goes on and on, my heart keeps on repeating your name.
Agad akong tumayo upang kunin ang gitarang regalo sa akin ni Lolo. Kinabisado ko ang mga nota na mabilis ko namang nagawa. Ngayon ko lang uli napagtanto ang saya sa musika, magmula ng mawalan ako ng pag-asa sa lahat ay puro nalang ako pagpipinta. Masaya kong pinaulit-ulit ang pagkanta upang maperpekto ko ito. Hindi ko man lang namalayan na....
*Cring*Cring*Cring*
Tinatawagan ko na pala siya "Aestine may ipapa---" natigilan ako ng hindi boses niya ang bumungad sa akin.
:"Hello, its me Topher" tugon nito sa kabilang linya, halatang bata pa lamang at napaka cute ng boses nito.
:"A-Ah si Aestine?" nagpacute voice ako sa pakikiusap dito. Alangan namang sigawan ko edi natakot.
:"Ah! You mean uya esti" bulol na sagot nito "Uya is here, I asked uya to get me chuckie" hindi ko man lang maimagine na inuutusan ang isang Aestine Hale ng bata. "Woii sino namang nagsabing kunin mo yan, akin na nga!" galit ang tono ng pananalita ni Aestine, narinig kong naipasa ang telepono "Hello" pagtawag nito.
:"Daddy duty si Papa Aestine" pangaasar ko dito, naiisip kong napaka cute nilang tignan na magkasama.
:"Oo nga eh napatawag ka?"
:"May ipaparinig lang sana ako, ok lang ba?" napapikit ako ng sabihin iyon.
:"Oo naman nanonood naman tong bata" kalmado ang boses niya at napakalalim non "I'm not bata I'm a... I'm a grown man!" singit nung bata, napabungisngis ako dahil sa kakulitan nito.
:"Apaka bibo parang si uya" muling pang aasar ko.
:"Pasensya ka na siya unang nakausap mo--" hindi niya natapos ang sasabihin sa muling pagsingit ng bata "She has a sweet voice" kasunod nito ay ang pagpapatahimik ni Aestine sakanya.
Nakarinig ako ng pagkalabog sa tingin ko ay pinag-aagawan nila ang selpon. Narinig ko silang nagtatalo at hindi ko mapigilang bumungisngis.
:"Uya dalawa daw kasi kayo" pag-awat ko sakanila.
:"Ok Topher that's enough, halika na dito" sa isang iglap ay nanahimik ang bata, naks naman "Anong ipaparinig mo?"
:"Ito sandali" inabot ko ang aking gitara saka nagsimulang magtipa.
Nakapikit kong sinimulang kumanta, dinama ko ang bawat liriko. Kaunti lang ito at saglit lang ngunit parang mahabang panahon ang lumipas bago ito matapos. Naalala ko nung una niya akong makilala, binigyan ko siya ng pera na siyang kinainis niya. Hanggang sa maging kaklase ko siya at makilala ko ang mga kaibigan niya. Simula ng mga ara wna iyon, nagbago na ako ng tuluyan hindi na ako nahihiyang makupag-usap sa ibang tao o makisalamuha. Dahil iyon... dahil sa... nakilala kita.
Inimulat ko ang mga mata ko, akala ko pinatayan niya na ako pero, nasa kabilang linya pa siya. Naiisip ko tuloy na hindi niya nagustuhan at nairita siya sakin. Kinagat ko ang ibabang labi ko, tatawagin ko na sana siya ng pumalakpak at humiyaw si Topher.
"Wow amazing!" rinig ko ang pagtawa at pagpalakpak nito sa kabilang linya.
"Thank you baby!" nakangiti kong saad.
"H-Huh, ba-baby?" boses ni Aestine.
"She was talking to me jerk" si Topher ang sumagot.
"A-Ah" utal na sagot nito sa bata.
"Do you like it uya?" kinabahan ako ng marinig ang tanong ni Topher.
"Ah, no" inaamin kong nalungkot ako sa isinagot niya "Cause I loved it, ang galing mo Ches mas ok ka pa sakin eh" mabilis na nawala ang lungkot sa loob ko at napalitan ng galak sa katotohanang nagustuhan niya iyon.
"Thank you!" magiliw kong pasasalamat.
Nakipagkulitan ako sandali sa kanila saka nagpaalam, they made my day. Nakangiti akong bumaba para kumain. Wala akong ginawa buong magdamag kundi ang maggitara at kumanta. Natutuwa ako sa tuwing nakakabisado ko ang tono ng kanta, mukhang hindi ko ito pagsasawaan, salamat sa inspirasyon.... Aestine.
Marami akong natutunan sayo, una na doon ay ang magtiwala at pagtitiwala. Ikaw ang unang kaibigan ko, unang taong pinagkatiwalaan, unang taong nagparamdam ng kahalagahan ng pagkakaroon ng kasama at kahit minsan nagiging wirdo ako nagagawa mo padin akong pakisamahan. Hindi sapat ang salita sa pasasalamat na gusto kong iparating sayo.
Even if it all ends in the way we didn't expect, I will make a way for you to be with me.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Kung Wala Ka (Ongoing)
RomansaMalalabanan natin ang ating damdamin ngunit hindi ang tadhana na siyang sa huli'y nasusunod. Mahal kita ngunit paano kung hindi ko na kaya? Magpapatuloy pa ba kung puso'y napapagod na? Handa akong danasin ang lahat, pero paano kung ako lang ang lala...