Chapter 15 (The Art Of Us 3)

8 3 0
                                    

Aestine's POV

Dahan-dahan akong lumingon sa aking tagiliran ng mapamilyaran ang isang mahinang tawa, at nagtama ang paningin namin ni Chesna.

Lumingon uli ako sa inaakala kong siya at si....  "Aestine,  di ako si Chesna " garalgal ang boses ni Klhoe

"Ah,  pansin ko nga " napapahiya kong sabi "Bakit ka nga pala nasa pwesto niya?" tanong ko

"Nilipat kami ni Ma'am kanina " tugon niya

"Lutang ka dre" bulong sakin ni Nath,  mahina namang tumatawa yung dalawa

"So, Chesna pinapabigay ni Nath" baling ko sakanya, grabe sira araw ko ah

Tatawa siyang hunarap sa akin "Pwede namang si Nath magbigay bat ikaw pa? "

"Inutusan niya ako eh" palusot ko

"Hoy! Inagaw mo kaya sa akin" sigaw ni Nath

Madiin akong napapikit "Umayos ka" bulong ko sakanya, nagpipigil naman ng tawa si Mart

"Ah, nahihiya kasi ako. Nung una ayaw niyang kunin tapos ayun sabi ko liligawan kita pag di niya kinuha. Dali-daling kinuha ng mokong" dahan-dahan akong napalingon kay Nath ng deretso niya yung sabihin, sabay silang nagpakawala ng malakas na tawa ni Mart,  ogags lugi ako don ah

"Mmm, seloso ka pala" asar sakin ni Chesna habang nakangisi, akala ko ba kaibigan ko kayo taksil!

"Hoy! Kunin mo na nga!" sigaw ko sakanya

"Napaka defensive mo pa" dagdag pa nito, nalintikan na humanda ka Nathaniel ipapakita ko sayo tong sungay ko

"Oh, no what a dumb" si Mart, habang tumatawa padin, aiisshh

Nanatili akong nakatayo habang nahihiyang pinapanood ang mga reaksyon nila.

"Thank you Nath" hinarap ni Chesna si Nath "And thank you also,  for delivering it to me" malambing na sabi niya sa akin sabay kuha ng pinabibigay ni Nath.

Tatalikod na sana ako ng "Tsk tsk tsk" iling ni Jessica, isa ka pa. "Too early" dagdag pa nito saka ako nilampasan

"Oii dre gawa ka naman ng mad matinong banat" hinarap ko si Nath ng bigla siyang magsalita sakto namang nahagip ng mata ko si Mart at Ches
"So you're a blink,  that's nice" malambing at malamig ang boses na sabi ni Mart sabay....

"Hoy!" duro ko sakanya agad naman siyang nag-angat ng tingin sa akin habang nakangisi "Ang landi mo ah!" may diin kong sabi

"Inakbayan ko lang OA mo naman" duro niya din sa akin, aba!

"Eeep!" pumagitna si Nath samin "Chill, ang init ng ulo eh, dika nagbabago" kunwaring pinagpag naman niya yung polo ko, wala na talaga akong kakampi.

"Aestine, tignan mo oh!" nakangiting tumakbo papalapit sakin si Chesna habang nilalaro ang stuff toy na binigay sakanya ni Nath "Ang cute" naniningkit ang kaniyang mga mata sa sobrang pagngiti na siyang pumawi sa inis at init ng ulo ko

"Yeah, just for you" si Nath sabay kindat, aba yawa.

Tinapunan lang siya ng tingin ni Ches saka agad na bumalik sa upuan nito, nanatili naman akong tulala.

"Ayun nalutang" dinig kong bulong ni Mart kay Nath

Hinarap ko siya "Huwag mo akong kinakalaban ah!" sinabi ko iron sa mismong mukha niya

"Dre, friendly akbay lang yon" paliwanag pa niya

"Friendly kindat naman yong aken" sabat ni Nath, saka sila nag-apir

Bumuntong hininga ako saka bumalik sa aking upuan saka malayo ang tingin na nag-isip. Hindi ko na maintindihan, biglang nawala yung init ng ulo ko nakita kolang yung ngiti niya? Baka sinabay lang ng hangin yung inis ko kaya nawala. Tapos inakbayan lang siya ni Mart nagalit na ako? Ano yun hindi naman ganun ang Aestine na ako, ah.

Chesna's POV

Naglalakad ako ngayon papasok ng aming village, natapos na ang ikalawang araw ng klase. Bitbit ko sa kanang kamay ko ang binigay ni Nath. Ngayon lang ako nakatanggap ng regalo mula sa di kilalang tao, bukod sa pamilya ko at ni  Aestine na unang kaibigan ko.

Binuksan ko ang gate, nakabukas ang pintuan ng aming bahay at maliwanag na. Mukhang nandito na si Mommy o Daddy.

Tumuloy ako at nasalubong si Mommy na nagluluto "Sana wala kang problemang inuwi" yun agad ang bati sa akin ni Mommy, nawalan ako ng ganang galangin siya kaya basta nalang akong umakyat ng hindi man lang nagmamano. "Napaka bastos" dagdag pa nito, kaya napatigil ako sa pag-akyat

Bumaba uli ako at saka inabot ang kamay niya ngunit lumayo siya agad sa akin. Bumuntong hininga ako "Kaya ayaw kong hinaharap ka eh" bulong ko ngunit imposibleng hindi niya iyon narinig

"Aba, edi nagpatuloy ka nalang sana sa pag-akyat, pabigat" masyadong mabigat iyon at halos pasan ko ang problema ng buong mundo sa bigat nito

Pabigat

"Ano, maayos ba ang eskwela?" walang gana niyang tanong "Kung sana ay naipasa mo ang exam sa Science Highschool ay baka mas maayos ang lahat, pareho kayo ng Daddy mong pasimple" pinigilan ko ang mga luha kong pumatak, palagi nalang

"Hindi ko po inayos ang pagkuha ko ng exam, wala nga po akong binasa eh" sarkastiko kong sabi, agad niya akong hinarap

"Ano?!" bulyaw niya, nanatili akong nakayuko "Mas maganda ang magiging hinaharap mo kung naipasa mo iyon!" mas malakas niya pang sigaw

"Wala po sa school ang basehan ng hinaharap nasa tao po" walang emosyon kong tugon

"Wala kang mararating! Pakatatandaan mo iyan!" sinabi niya iyon na parang ibang tao ang kaharap niya, na para bang sigurado siya sa sinasabi niya, anak mo ako at ikaw ang lumuwal sa akin napakasakit

"Bakit po si Daddy pareho po kayo ng trabaho at parehong nakapasa kahit magka-ibang school kayong grumaduate"

"Huwag mo akong iginagaya sa ama mo! Kung sana ikaw nalang ang namatay at hindi ang kapatid mo! Kasalanan mo lahat ng ito!" hindi lang isa o isandaang beses niya na iyong nasabi sa akin, sanay na ako

Nag-angat ako ng tingin sakanya, nagtama ang paningin namin "Hindi ko rin naman pinangarap o hiniling na ipanganak niyo ako! Desisyon niyo iyon, kung pabigat ako ay sana pinatay niyo nalang ako!" madamdamin kong sigaw, pilit inilalabas ang sama ng loob

"Kung nalaman ko lang agad, ay baka nga yun na ang ginawa ko!" inis niyang sigaw

"Kung ganon nag-anak kalang pala para manakit at hindi bumuhay, ikaw ang walang kwentang ina!" balik ko sa mga pagsigaw niya sa akin

*PAAAAAAK! *

Sinampal niya ang kanang pisngi ko, ramdam ko ang pamamanhid non. Kaya hawak-hawak ang pisngi ko siyang hinarap "Malapit na" madiin kong sabi "Malapit na, at sa araw na iyon ay sana maging grande ang pagsasaya at selebrasyon mo!" nilampasan ko siya matapos iwan ang mga katagang iyon

Hindi ko din ginustong mabuhay sa mundong walang patas at lahat ay kakompitensya ang tingin sa iba. Gusto kong mamuhay sa lugar na ako lang.

I'd rather be a slave of my sadness,  than experience happiness by paying it.

To be continued.....



Kung Wala Ka (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon