Aestine's POV
"KAYA NGA DI BA TUTULUNGAN KA NAMIN!" bulyaw sakin ni Nath.
"Oo na, oo na!" sigaw ko naman dahil sa mismong tenga ko pa talaga siya sumigaw. Sisigaw na nga lang kailangan sa tenga pa mismo?
Yes, I'm now finally willing ang preparing myself to make her fall in love with me. Wews english, pake mo.
"Eh, ano bang una kong dapat gawin?" tanong ko sa dalawang kasama ko.
"Hmm" ungot ni Mart "First you have to be true" suhestiyon niya.
1st MOVE TO BE TRUE
"Say whatever you wanna say and be with her at her lowest and basta everytime, everyday samahan mo na din kapag tatae siya" polosipong sabi ni Nath.
Na agad namang binayukan ni Mart. Wow, feeling ko nung una magiging successful ito kaso parang hindi na ngayon ah.
1st MOVE TO BE TRUE (OPERATION START)
"Goodmorning Ches!" masayang bati ko kay Ches habang papasok siya sa classroom namin.
Parang nagulat pa siya dahil sa biglaang pagsulpot ko.
"Hindi ka pa ba nakakaihi? Ang asim ng itsura mo ang aga aga" naiinis niyang sabi saka ako nilampasan
1st Move (FAILED)
"1st move failed, proceed to our next mission" utos ni Nath nang mag-usap kaming tatlo nang umagang iyon.
Paanong failed eh unang move ko palang nag-init agad ulo niya.
2nd MOVE (OPERATION GIVE HER SOMETHING SHE LIKES)
Recess non at sinadya kong lumabas pa ng school para lang makabili ng paboritong tinapay ni Ches. Fuwa Fuwa Chocolate Bun. Nakikita ko kasing palagi niya itong kinakain at apat sa isang upuan ang kaya niyang kainin na ganito, kaya bumili ako ng lima para sweet.
Ha? Anong konek?
"Ches" pagtawag ko sakanya, nakaupo siya mag-isa dito sa library habang nagiisketch.
"Hmm?" ungot niya.
Inabot ko ang binili ko "Para sayo, hindi ka pa kasi nagmemeryenda" mahinang sabi ko dahil nga nasa library kami.
Nilingon naman niya ako "Thank you" bulong niya at tumango naman ako "Oh no" medyo malakas niyang sabi gulat ako napalingon at....
PAKTAY!
Nailapag ko sa isang hindi pa tuyong painting niya ang tinapay!
"Sorry, sorry" mahinang sabi ko.
"Ok lang labas ka na susunod ako" tugon niya sa tonong parang magagalit na.
2nd MOVE (MEDYO SUCCESSFUL?)
"Haysst, ok na eh bobo mo!" sermon sa akin ni Nath.
"Bakit kasi hindi mo muna tinignan yung mesa yan tuloy, kailangan pamandin niya yun para sa project" dagdag pa ni Mart.
3rd MOVE (OPERATION ACCOMPANY HER)
Sinadya kong paunahin sina Nath at Mart dahil aantayin ko pa si Chesna. Dalawang malalaking canvas at isang malaking bag ang dala niya dahil kailangan niyang magpractice para sa darating na art contest at siya ang napiling representative ng school namin.
"Sige po Sir, I'll see you tomorrow po" dinig kong sabi niya saka ako nakarinig ng yabag papalapit sa kinaroroonan ko.
Nakayuko ako habang nag-aantay kaya namab hindi ko napansing nakalapit na siya.
"Oh, Aest late na ah bakit nandito ka pa?" salubong niya.
Tinignan ko ang bitbit niya "Nasaan yung malaking canvas at isang bag na bitbit mo?" tanong ko habang nakaturo sa kamay niya na walang hawak.
BINABASA MO ANG
Kung Wala Ka (Ongoing)
RomanceMalalabanan natin ang ating damdamin ngunit hindi ang tadhana na siyang sa huli'y nasusunod. Mahal kita ngunit paano kung hindi ko na kaya? Magpapatuloy pa ba kung puso'y napapagod na? Handa akong danasin ang lahat, pero paano kung ako lang ang lala...