Chapter 28 (20 Chapters Of Poetry)

11 1 0
                                    

Aestine's POV

Nakatitig sa isang puno, sa hindi kalayuan. Bahagyang sumasayaw ang sanga nito, kasabay ng paghulog ng ilang tuyong dahon. Palubog na ang araw at dumidilim na ang paligid. Ng walang anu-ano'y napangiti ako, kusang may lumalabas na musika sa isip ko. Hanggang sa.....

"I've seen you smiled like that before, while thinking so deeply" bungad ni Ate, nakahiga siya sa sofa ko. Masyadong maganda ang pakiramdam ko para bulyawan siya kaya nakangiti nalang akong lumingon sakanya.

"Yeah, it's been a while" agad ko ring inalis ang paningin ko sakanya.

"I'm happy for you" matamis ang boses niyang sabi, minuto ang lumipas bago siya muling magsalita "Losing someone is better than losing yourself, know your worth" agad siyang tumayo matapos sabihin iyon. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalabas siya ng kwarto.

Napabuntong-hininga nalang ako, alam ko ang ibig-sabihin ng sinab.i niya. Pero meron sa loob kong ayaw iyong tanggapin at naiinis ako sa sarili ko. Mabilis na lumipas ang oras, lutang ako hanggang sa makakain. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon, dahil ba iyon sa pag-amin ko o bumabagabag parin ang nakaraan ko sakin? Maraming beses ko ng sinabi sa sarili ko na dapat maging handa ako sa mga mangyayari sa akin. Kailangan ay alam ko kung ano ang bunga ng mga desisyon at ginagawa ko, upang mapaghandaan iyon. Nagpatuloy sa paglalayag ang isip ko hanggang sa makatulugan ko na iyon.

KINABUKASAN

"Aestine, DJ, anak" pagtawag ni Papa. Sanay na ako sa pagtawag nito sa akin, dahil kinahiligan ko na ang musika simula pagkabata ay tinatawag na niya akong DJ.

"Ano po iyon?" tanong ko, mahihimigan ang kaba sa tono ng aking boses. Patuloy lang siya sa pagpupunas ng kaniyang sapatos habang ako naman ay naghahanda na sa pagpasok.

Tumingin siya sa hagdan, saka muling ibinalik ng paningin sa akin. Sinenyasan niya akong lumapit na agad ko naman sinunod. Laking gulat ko ng abutin niya ang buhok ko at ayusin iyon katulad ng palaging ayos ng buhok ko. Palihim akong napangiti habang nakatitig sa leeg niya, parang kailan lang nung siya ang gumagawa sa akin nito noon.

"Salamat po" giit ko ng makuntento siya sa pag-aayos. Ngumiti ako sakanya at ganoon na din siya sa akin.

"Napakagwapo mo, anak ko" sabay kaming natawa ng sabihin niya iyon. Tuwing titignan ko siya sa mata matapos akong purihin ay wala akong ibang nakikita kundi paghanga "Ngunit hindi lamang ang pagiging maganda sa labas ang iisipin natin. Dahil ang malinis na puso ang siyang magtatakda ng buo nating katauhan" dagdag niya na siyang nakapagpatigil sa akin, napatitig ako sakanya ngunit ang ngiti at tila kinang sa kaniyang mata ay agad na naalis sa paningin ko.

Ginulo niya ang buhok ko saka ako nilampasan. Lutang akong sumakay sa sasakyan at halos hindi ko marinig ang mga habilin ni Mama habang nasa byahe kami, nabingi ako ng katotohanang halos ang lahat ay ginagabayan ako. Pagkababa ko ay agad na nahagilap ng mata ko ang likod ni Mart at Nath, nag-uusap sila at mukhang nagng-aasar si Nath dahil sa paulit-ulit na iling ng kausap nito. Pumaroon ako sa likod nila para sana gulatin sila ng marinig ko ang pinag-uusapan nila.

"Alam mo dre, halata ka naman na" buntong-hininga ni Nath, iling naman ang isinagot ni Mart "Come on you like Chesna" naestatwa ako sa narinig ko, kung ganoon ay iisa lang ang babaeng hinahangaan namin?

"Hindi sa ganon" mariing napapikit si Mart sa kakulitan ng isa "Nath, hinahangaan ko lang siya. I only like her.... as a friend hindi katulad yon ng feelings ni Aest kay Ches" paliwanag nito at nakahinga naman ako ng maluwag dahil don.

"Eh, paano mo nalaman na ganun nga yung nararamdaman mo? Dahil nasa isip mo na may gusto rin sakanya si Aest?" mahinahong tanong ni Nath.

Kung Wala Ka (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon