Chapter 9 (You Have Me)

23 5 2
                                    

Aestine's POV

Unang araw na ng pasukan, maaga akong naghanda dahil sabik na sabik na akong pumasok uli. Masyado na akong naiinip kaantay ng takdang oras. Kaninang ala sais pa ako handa, maaga pa ngayon kaya naman.....

"Bruhaaaaaaaa!! GISING NA!!" malakas na sigaw ko kay Ate na mahimbing na natutulog, naalimputangan naman siya ng gising, napabalikwas pa ng tayo

"Anak ka ni Papa Aestine! HALIMAW KA!" inis na sigaw niya sa akin, hinagis niya pa ang unan na yakap niya kanina na agad ko namang nailagan, akala mo naman sobrang saki eh no!

"Gumising ka na Ate kakain na!"

"Gising na nga ako diba? Eto na oh, eto na!" Inis na bulalas niya, tinawanan ko naman siya dahil may muta pa siya

"Maghilamos ka na dugyot!" pagbabalik ko sakanya ng mga pang-asar niya, ngumuwi ako na naging dahilan para samaan niya ako ng tingin saka pumasok sa banyo niya oara maghilamos

Matagal gumalaw si Ate kaya nauna na akong bumaba, naghahanda na si Mama ng makakain, nginitian niya ako, gumati naman ako ng mas matamis pa.

"Aestine" pagtawag sa akin ni Papa sa kalagitnaan ng pakain namin, katulad ng palagi naming posisyon nasa tabi ko si Ate habang kaharap niya si Mama habang ako naman kay Papa

"Ano po yun?" Mahinhin kong tugon

"Inaasahan kong pagbubutihin mo uli ang iyong pag-aaral" seryosong sabi niya

"Opo" tango ko

Mabilis natapos ang aming agahan at puro pangaral at habilin ang nakain ko, hindi ko sila masisisi kahit pa noon ay ganito na sila sa akin. Magkaroon ka ba naman ng nag-iisang gwapong anak, talagang iingatan mo.

"Ate" pigil ko ng tangkang tatayo si Ate para umakyat na uli sa kanyang kwarto, tinaasan naman niya ako ng kilay "Alam mo kung bakit hindi ka muna pwedeng umakyat pagkatapos mong kumain?" Tanong ko, naghahanda na sa pagpasok si Mama habang inaayos ni Papa ang sasakyan

"At bakit?"mataray na balik niya sa akin ng tanong

"Dahil aayusin mo pa amg pinagkainan at maghuhugas ka pa ng pinggan" natatawa kong sabi, umawang naman ang labi niya halatang hindi makapaniwalanh inuutusan ko siya

"Woiiii--

"Eeeep!" Pigil ko sa sinasabi niya, bahagya ko pang hinarang ang dalawang kamay ko "Ate, kita mo nakapalit na ako at papasok na. Kailangan fresh padin ako pagdating dun. First day of school, haggard?"paliwanag ko, umangat naman ang gilid ng labi niya "At ikaw" turo ko sakanya "Wala ka pang ligo, HEHEHE" unti-unting namuo ang galit sa mukha ni Ate "Bakit, nung bakasyon ko din naman at pumapasok ka pa ako yung naghuhugas ng---

"Oo na, Aestine Hale ako na gagawa. Nahiya ako sa kagwapuhan mo!" Galit niyang sabi, ang pangit niya kapag inaasar nakakatawa siya tignan.

Kung kanina'y nakaupo ako sa harap ng aming mesa, hindi ko namalayang nasa loob na ako ng aming kotse habang nakatunghay sa bintana. Ngayon ay magsisimula na naman ako sa una na wala siya. Pinangako ko sa aking sarili na makakaya ko.

Inihakbang ko pababa ang aking paa, saka tiningala ang asul na asul na langit. Bumaba ang aking paningin sa napakalaking gate ng aming eskwela. Nangiti ako ng makita ang isang taong matagal ko ring hindi nakita nakangiti ito sa akin habang papalit nang papalapit.

"Dreee!" Sabik nitong sigaw, handang-handa ang kaniyang mga bisig na bigyan ako ng yakap

"Dre!" Pagtawag ko, lumapit ako at nagyakap kami

Kung Wala Ka (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon