Chapter 25 (20 Chapters of Poetry)

9 1 0
                                    

Mart's POV

Mabilis ma dumaan ang mga araw at lunes na naman. Maaga akong pumasok as usual, naglalakad ako papasok ng makasabay ko si Jessica.

"Early as always Mr. Antonio" bungad nito na sinadya kong hindi pansinin.

Hindi naman sa pagiging mahangin pero hindi ko alam kung sino sa amin ni Aestine ang tinitira nito. Hindi naman na bago kung sasabihin kong malandi siya ever since umalis yung bestfriend niya ganito na ugali niya.

"Hindi ka ba magsasalita?" pagpapapansin nito.

Eksaktong nahagip ng mata ko si Chesna sa hindi kalayuan "Ches!" pagtawag ko dito, wala akong pake sa magiging reaksyon ni Jes.

Napalingon ito sa gawi ko, agad siyang ngumiti ng makita ako. Sa unang tingin mo sakanya napaka simple lang niya pero hubog talaga siya ng ganda, talento at talino.

"Goodmorning" napatitig ako sa makinis na mukha nito.

"Goodmorning" pagbawi ko "Ang aga mo pumasok"

"Nakisabay ako kay Daddy eh" rason nito, nakita ko si Jes na masama ang tingin samin habang nilalakihan ang mga hakbang papasok.

"Binalik na ba ni Aestine yung sketchpad mo?" pagbubukas ko ng usapan.

"Oo, may hiningi pang isa" at sabay kaming natawa sa kalokohan ng mokong nayun.

Habang nakatitig ako sa makislap na mga mata nito naaalala ko ang mahinhing pagsayaw ng puno. Asul ang langit at presko ang hangin. Para siyang bulaklak na namumukadkad sa hardin. Hindi ko alam kung paano ako nakipag-usap sakanya ng hindi nag-iisip basta't nakatitig lang ako sakanya.

Aestine's POV

Nakakainis ang aga-aga tumutulo na agad 'tong pawis ko hindi pa nga ako nakakapasok. Paano ba naman itong si Mama nagpapabuhat ng gamit, may meeting nga daw kasi at bawal lumiban. Dinig ko ay strikto ang bagong Principal kaunting away lang dito sa school magpapameeting agad.

Inilapag ko ang bitbit kong bag saka yumuko sa tuhod ko, eksatong paglingon ko ay ang nakangiting mukha ni Ches ang bumungad sakin kasama niya si Mart at nagtatawanan sila. Hindi ko ipagkakailang bagay sila para silang magkasintahan kapag magkasama. Tila may kislap ang mga mata nila habang nag-uusap, hindi man lang kami naging ganyan nung nagkasama kami.

"Ako na nga magbubuhat" nagulat ako sa biglaang pag-agaw ni Nath sa gamit ni Mama.

"Ako na" bawi ko.

"Sus selos siya, ohhhhh" pang-aasar nito.

"Woii hindi ah!" tanggi ko.

"Hindi daw" bulong nito.

Sabay kaming naglakad papunta sa kabilang building "Hindi nga diba" muling pagtanggi ko.

"Aestine Hale Ajero!" sigaw nito.

"Huwag mo ngang sinisigaw yang gwapo kong pangalan"

"Hindi ka nga ba nagseselos?"

"HIN.DE" matigas kong sambit.

"Habang tinititigan mo sila kanina eh parang nagpapaubaya ka" yan si Nath kahit na loko-loko may malakas ang pakiramdam.

Naaalala ko tuloy nung una ko siyang nakilala....

~Flasback~

"Pinalabas din ako" malungkot na sabi ng bago naming kaklase, sumandal din ito tulad ko.

Kung Wala Ka (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon