Chapter 20 (20 Chapters of Poetry)

6 2 0
                                    

Aestine's POV

Isang halik sa pisngi ang gumising sa aking diwa. Pagmulat ng mga mata ko'y hindi ako mapakaniwala sa nakikita ko. Isa ba itong imahe lamang o katotohanan?

Dati, naalala ko pa sa tuwing makikita kita napapatigil ako sa kahit na anong gawain matitigan ka lang. Kakatwang kahit parang ewan na akong tignan sa harap mo kinakausap mo pa din ako. Kahit na, tinitigan lang kita habang tinuturuan mo ako sa Matematika naiintindihan ko pa din lahat ng naituturo mo, kabisado ko pa din ang mga ito. Nadala ko ang mga aral mo kahit nasa malayo ka at nandito ako.

Kaso, hindi ko maintindihan kung paano, bakit bigla kang nagbago. Sabi mo aalis ka lang, na katawan mo lang ngunit ang puso natin ay iisa pa din. Naniwala at nagtiwala ako pero kung hindi na, gisingin nawa ako ng kung sino.

Bakit? Bakit siya agad ang pumasok sa isip ko? Nakakatawa lang kasi sabi ko pampalipas lang siya pero kapag nasasaktan ako siya yung unang pumapasok sa isip ko.

"Aestine..... Aestine anak gising na" nagising ako sa pag-alog ni Mama buti hindi si Ate ano.

Kusot-kusot ang matang bumangon ako saka yumakap sakanya, nagulat pa siya pero sa sitwasyon na ito sa tingin ko naiintimdihan niya ako. Pinigilan kong maiyak, alam kong nandito siya para siguraduhin niyang gigising ako ng maaga ngayon, sabihan niya ba naman ako "Ang haba mo matulog payat ka pa din naman" at siyempre natawa yung Ate kong unggoy.

"Ayusin mo na ang sarili mo't kakain na anak" sinabi niya iyon habang yakap niya ako "Hayaan mo't bibilhan kita ng Manga mamaya" sana all noh? Oo kahit ako nasasana all amp.

"Talaga Ma?" kumalas ako sa pagkakayakap sakanya.

"Aba, sabado naman bukas ayos lang naman na lumabas tayo" tugon nito

"YEEEEEEES!!" parang batang sigaw ko

Mahinang natawa sa akin si Mama, "Isasama natin ang Ate mo" lumukot ang mukha ko ng isunod niya iyon, magsasama kami ng unggoy sa Mall? Kailangan ata namin ng kadena.

"Kailangan nating magdala ng kadena Ma" bulong ko.

"Ano?!"

"Ahh, wala po mag-aayos na po ako" pag-iiba ko ng usapan.

"Osige, bata ka amoy bagong gising ng hininga at katawan mo. O siya sige na galaw na" tumayo na siya saka lumabas.

Ang baho ko grabe AHEHEHEHE, digyot na ba ako?

༎ຶ‿༎ຶ

Ligo, plus toothbrush plus suklay, uniform, I.D, pabango at pose! PERFECT POGI NA ULI!

Parang modelo akong bumaba sa hagdan namin, "Goodmorning po Pa" nakangiti kong bati

"Goodmorning handsome" baka erpats ko yan.

"Goodmorning Ma"

"Wow, nakaligo na. Sige kain na" alok nito, nakaligo lang? Wala man lang "Ang pogi naman at ang bango" ganon? Mama naman dugtungan mo!

"HAAAAYYY!!" hikab ni Ate, as usual wala pang ligo.

"Andiyan na yung pangit" bulong ko.

"ANO?!" sigaw niya sa likod ko.

"Ang sarap ng bacon kako" may laman ang bunganga kong sabi, kumagat pa ako sa bacon para cool. ENDORSEMENT EHM EHM EHM.

Pagkatapos kumain, naiwan lahat ng plato at mesa kay Ate. Siya na bahala dun. Habang nasa sasakyan kami hinabilinan ako ni Mama, parang sermon pero para sa ikabubuti ko ganun ba. Tapos inabutan na din ako ni Papa ng baon, nalimutan niya daw kasi kahapon kaya dinagdagan niya nalang. Inihatid ko si Mama sa Room for Subject Teachers na katulad niya ding nagtuturo ng Filipino.

Kung Wala Ka (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon