Chapter 34 (20 Chapters of Poetry)

9 0 0
                                    

Aestine's POV

"Maaaaa" malakas na pagtawag ni Ate, at syempre abot hanggang sa kwarto ko ang ingay.

"Ano ba yan Aedine kahit kailan ang bunganga mo!" narinig kong sagot ni Mama, maya-maya pa ay yapak pababa ng hagdan ang naririnig ko kaya naisipan ko na ding bumaba.

Paglabad ko ng kwarto ko ay... "Maaaaa Girlfriend ni Estiiii" kinikilig na bulong ni Ate

Dudungaw na sana ako pero isang pamilyar na boses ang pumigil sa akin "Ahh hindi po" nahihiyak tugon nito.

"Nako iha ang ganda mo" papuri ni Mama.

"Goodmorning po Tita" boses ni Mart

"Goodmorning Mommy" boses ni Nath!!!

Agad akong dumungaw at nakita kong nagkukumpulan sila sa sala agad naman akong napansin ni Nath "Happy Birthday Brothaaaaaa!!" malakas na bati niya. Kung hindi ko lang kapatid si Ate Aedine baka sila na talaga ang magkamag-anak, mga madadaldal.

Napangiti ako ng makita din si Mart na kampanteng nakaupo sa single sofa, sina Mama at Ate naman walang pigil sa papuri kay Ches.

"Ang kinis mo beh anong sabon at lotion mo?" si Ate

"Ah, hindi po ako naglolotion at body wash po ang ginagamit ko" nahihiya niyang tugon.

"May lahi ka ano, may pagkasingkit ang mga mata mo" hinawakan ni Mama ang magkabilang pisngi niya.

"Japanese po ang Lola ko sa Father's side" magalang naman niyang sagot.

Dahil mukha na siyang nanginginig sa pinaghalong kaba at hiya bumaba na ako. Inismiran ako ni Ate ng makalapit ako "Hindi mo naman pala girlfriend" mataray niyang sabi.

"Dalhin mo muna sila sa itaas anak" hinarap ako ni Mama.

"Sige po" napakamot ako "Narinig niyo si Mama sa taas daw" bulyaw ko dun sa dalawang nang-aasar na naman, habang sina Mama at Ate pumunta na sa kusina"Tara" syempre iba ang pagtrato sa prinsesa, kahit na tango lang ang nagung tugon niya.

"Ah sandale" nagulat ako ng lumapit siya sa dalawa "Paano toh" lumapit ako sakanila at nakita ko ang isang may pagkalaking box.

"Ako na magbubuhat" pagboboluntaryo ko.

"Eh..." nahihiya siyang tumingin samin.

"Regalo niya sayo kapatid" bulong ni Nath "Kami nagbuhat nyan ah may share kami" dagdag pa niya dahilan para batukan ko siya.

"Gift mo naman pala saken ako na magbubuhat" hindi ko napigilang mangiti, apakathoughtfuuuuul!

"Pacool" pigil ni Mart nung bubuhatin ko na sana

"Tignan nga natin lakas mo maknae" napalingon ako sa kanilang dalawa at nag-apir pa ang mga hangal.

Napalunok ako tatlo silang nakaabang sa balak kong gawin, dahan-dahan kong iniangat ang box at HEEEEEHHHHH?!!!! Magaan naman pala mahaba lang "Sus ang gaan" pagyayabang ko nakita ko naman silang matawa.

Binuhat ko iyon paakyat sa hagdan narinig ko ang yapak nila papalapit kaya alam kong nakasunod sila sakin "Mauna na kayo" utos ko sakanila, agad naman silang naghabulan paakyat. Doon ko lang napagtanto na iniwan pala nila ako buhat tong box, mga taksil.

Pag-akuat ko pa lang ay ramdam ko na ang ngalay sa braso ko, nagpatuloy ako ng dahan-dahan hanggang sa mas lalo pa akong mangalay. Pagdating ko sa taas ay maingat kong ibinaba ang box saka naupo. Habol ang hininga kong nilingon yung tatlo sa kwarto ko malamang madami na naman silang pinapakeelaman don.

Kung Wala Ka (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon