Chesna's POV
"Ang sinasabi ko lang naman ay masyado mo siyang sinisisi sa lahat!"sigaw at galit na tinig ni Daddy ang sumalubong sa akin nag-aaway na naman sila ni Mommy, katulad ng lagi nilang pinag-aawayan, AKO, dahil sakin.
Kabubukas ko palang ng gate eto na agad pano pa kaya kapag nakapasok na ako? 9:00 na kasi akong nakauwi.
"Well, because she desereve my words!"mariin at inis na inis na sagot ni Mommy
"But, this is enough! ENOUGH! sigaw ni Dad kay Mom, nawawalan na ata siya ng pasensya
"So? What can you do to your nuisance daughter, huh?! hindi nagpatinag si Mom
"Paano kung hindi na siya umuwi? Paano kung mawala pati siya?! Paano kung lumayas siya? Magpakamatay?! Ano?! Hindi ko na kakayaning mawalan pa, Blaire! Hindi ko na kakayaning tumayo kung pati siya pa! Kaya kung pwede lang ay tama na! Hind ka naman dating ganito ano't eto ka na?! wala na yatang magbabago
Kaya ako umalis kanina ay dahil walang ibang sinabi si Mom sakin kundi ang kasalanan ko, hindi ko siya masisisi dahil kahit ako ay sinsisi ang sarili ko sa LAHAT!
Natahimik sila kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad, pagbukas ko ng pinto ay tila nawala ang pag-aalala ni Dad.
"My goodness where have you been?" pabuntong hininga ani Dad, saka niya ako nagmamadaling nilapitan
"San pa ba, sa lugar kung saan maaalala niya LAHAT ng kasalanan niya" may bahid na sarkasmong sabi ni Mom
"Blaire!" tiim bagang na tugon ni Dad sa sinabi ni Mom
"I went out to paint Dad" singit ko dahil baka mag-away nanaman sila
"Hmp" singhal ni Mom "Sana hindi ka patayin niyan ano?"
"Hindi naman po,hindi ko po kasi kayang padaainin ang araw at oras ng hindi nagpipinta, art is my--
"Well, sana may hindi ka nakakalimutan" pigil niya sa aking sinasabi
"Enough!" inis na sabi ni Dad kay Mom "Please tell us kung lalabas ka, okay?" nagmamakaawa ang tinig ni Dad, hinawakan pa ang magkabila kong balikat
"Yes Dad, I'm sorry" nahihiya kong sabi
"It's fine... well.. it's just...umm.. I was so worried---
"Hindi na bata ang anak mo Cargosin!" sabat ni Mom kaya naman hinarap siya ni Dad
"I said ENOUGH! Will you just shut up!"sigaw ni Dad kay Mom habang sapo ang noo at nakapamewang, inirapan naman siya ni Mom
Umakyat na si Mom para magpahinga, kaya naman napagpasiyahan kong magpaalam na din kay Dad.
"Dad aakyat na po ako, goodnight po" nakayuko kong panimula sa kabila ng matinding katahimikan. Hinarap naman niya ako saka ako hinawakan sa balikat na tila inaalo.
"Yeah, goodnight darling." bumuntong hininga siya "Hindi mo ba ipapakita kay Dad yung painting mo?" tanong niya
"Bukas nalang po, hindi ko pa po kasi tapos eh" palusot ko kahit alam kong tapos na tapos ko na iyon, hindi ko na kasi mapigilan ang mga luha ko at ayaw ko iyong ipakita kay Dad.
"Okay, I know your tired" pabuntong hininga niyang sabi, saka ako umakyat para magpahinga.
Pero oo, iiyak talaga ako. Dali-dali kong isinara ang pinto ng aking kwarto saka ko nilapag nalang ng basta ang aking mga gamit at napapaupong umiyak sa gilid ng aking kama dahil nanlalambot ang buong katawan ko. Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa butil ng mga luhang unti-unting tumutulo. Saka ako nag-angat ng tingin sa picture frame sa side table ko. Humihikbi ko iyong kinuha saka tinitigan.
BINABASA MO ANG
Kung Wala Ka (Ongoing)
RomanceMalalabanan natin ang ating damdamin ngunit hindi ang tadhana na siyang sa huli'y nasusunod. Mahal kita ngunit paano kung hindi ko na kaya? Magpapatuloy pa ba kung puso'y napapagod na? Handa akong danasin ang lahat, pero paano kung ako lang ang lala...