Chapter 8 (Purpose 4)

17 4 2
                                    

Aestine's POV

"Mama anjan na siya!" Nakakairitang boses ni Ate ang sumalubong sa akin "Oh, ano? Akala ko nilibing kana eh" dagdag pa niya, nakaupo siya sa teresita sa labas ng bahay namin habang hawak ang kaniyang libro

"Ikaw kaya mauna" sarkastiko kong sabi saka naupo para tanggalin ang sapatos ko

"Suuuuuuuuus! Oh asan pasalubong ko?" tanong pa niya

"Pasalubong?!"napapamaang kong sabi "A-ano, PASALUBONG? Akala mo naman nanggaling ako sa abroad ano!" Sigaw ko sa mismong mukha niya, ginagawa naman niyang panangga ang libro niya "Oh"

*PUUUUUUUUK*

"Pasalubong mo" tinapon ko sa kanya ang binili kong braceclet

"Ang cheap, pero salamat" malandi niyang sabi

"Tch! Atleast di katulad nung ex mong---

"Ahyyy nakooooo! Nakoooooo! Kakain na mamaya, patapos ng magluto si Mama" pigil niya sa sinasabi ko, iiling-iling akong pumasok saka nagmano kay Mama, wala pa si Papa ng makapasok ako

Ipinaliwanag ko kay Mama kung saan ako nanggaling at wala namang naging problema, ayos lang naman daw sakanya, ibinigay ko rin ang pinamili ko para sakanya at sa amin. Eksakto namang dating ni Papa ay bumati lang ako sakanya saka nagpaunang umakyat para muling maligo, pasan ang masasayang alaala ng kanina.

"Mama, yung anak mo ngumingiti mag-isa" sumbong ni Ate habang ngumunguya, kasalukuyan na kaming kumakain

Nilunok ko pagkain sa aking bunganga saka nagsalita "Papa yung anak mo sadgirl" pagsusumbong ko naman kay Papa

"Mama oh, hindi toh nag-aaral"

"Papa si Ate nanghihingi ng pera sakin" sandaling nanahimik si Ate, umawang ang labi niya, halatang hindi makapaniwala, tinawanan ko naman siya

"Alam mo apaka sadista mo"

"Alam mo Ate ang pangit mo" pang-aasar ko

"Alam mo!" Sabay naming sigaw pero agad ding natigil dahil pareho kaming binatukan ni Mama

"Aso't pusa, ala na! Magsikain na kayo!" Bumuntong hininga nalang si Papa sa inasta namin, sanay na kasi siya sa aming magkapatid, habang si Mama ay galit pading nakatingin sa amin

Tahimik naming tinapos ang aming pagkain saka isa-isang umakyat para abalain ang aming sarili. Inayos ko ang ilang gamit ko sa aking cabinet, nakahanap ako ng bakanteng frame kaya inilagay ko doon ang painting na ibinigay ni Chesna sa akin saka isinabit iyon sa pader ng aking kwarto.

"Wow, may painting astig" tinangkang hawakn ni Ate ang frame ngunit pinalo ko ang kamay niya dahilan para hindi iyon matuloy, hindi ko man lang namalayang pumasok na pala siya

"Para kang multo Ate!"sinigawan ko siya

"Oo kasi, maputi ako"

"Oo teh, mukha lang. Mukha lang"

"Aba, aba!" Irap niya

"Ano ba kasing ginagawa mo dito?" Tanong ko

Pinagkrus niya ang kaniyang braso, namewang naman ako "Sabi ni Mama sasamahan daw kitang mamili ng gamit mo sa school bukas" taas kilay niyang paliwanag

"Kaya ko namang mag-isa eh. Kokontra kalang sa gusto ko" reklamo ko

"Utos ni Mama at yon ang mangyayari, tuldok!" Pagtatapos niya ng usapan saka lumabas sa kwarto, bumuntong hininga nalang ako sa kawalan ng masasabi

Pinaulit-ulit ko sa aking isip ang lahat ng nangyari kanina, saka inisip kung saan kaya siya mag-aaral sa pasukan. Maraming tanong ang nabuo sa aking isip hanggang sa makatulugan ko na iyon.

KINABUKASAN

^_^

"BANSOOOOOOOT!" Nagising ako sa malakas na sigaw ni Ate sa mismong tenga ko

"Wooooohhhh!!! Letse!!!" Sigaw ko habang hawak ang aking kaliwang tainga, hanep talaga manggising ang bruha "Gising na ako, GISING NA!" sigaw ko, hindi ko maimulat ng maiigi ang mata ko kaya kinusot-kusot ko iyon, saka ako nag-angat ng tingin sakanya

"Alas nuebe na, kanina pa nakaalis sila Mama at Papa tulog ka pa. Ala! Bangon!"utos niya saka umalis

Bumangon naman na ako dahil sobra talagang lakas ng sigaw niya, at halos lahat ng dugo ko nagising. Naligo ako saka bumaba, tinakpan nila ang tirang ulam para sa akin, itlog iyon at saka bacon, may sandwich din at gatas. Kumain ako saka hinugasan ang aking pinagkainan, bumaba si Ate at talaga namang handang-handa na.

"Dalian mo, baka pagpawisan ako habang fresh pa ang make up" maarte niyang sabi habang inaayos ang maskara niya

Iiling-iling akong umakyat saka kinuha ang gamit ko, ngunit pagbaba ko ay wala na si Ate doon. Tinignan ko siya sa labas ngunit wala din.

"Woiiii Ate!" Pagtawag ko, naalala kong mahilig nga palang magselfie ang bruhang iyon kaya pumunta ako sa garden sa likod ng aming bahay, hindi nga ako nagkamali, hawak-hawak niya ang kaniyang cellphone habang paiba-iba siya ng pose. Nakapamewang akong lumapit sakanya saka pinitik ang tenga niya

"Araaaaay!" Maarte niyang sigaw "Ano ba?!" Bulgaw niya pa

"Kanina pa kita hinahanap!"

"Oo na, oo na sandali lang naman!"

"Antagal!" Sigaw ko

"Eto na!" Inayos niya ang sarili niya saka binitbit ang kaniyang bag at nagpaunang maglakad palabas, sumunod naman ako pero hindi pa kami nakakalabas ng gate ay "Aray ko naman! Ahhhh! Ang sama mo talaga Satanas, ngayon pa talaga!"  Nasasaktang sigaw niya, dahil kinagat siya ng langgam, inilingan ko lang siya saka naunang lumabas. Ang bruha nagtakong at dress pa akala mo naman may date

Nagpunta kami sa malls, bookstores at saka nagpagpasiyahang kumain. Nakakainis man ang ugali ni Ate marami kang matututunang bagay sakanya kapag nagsalita siya ng seryoso at hindi nang-aasar. Matalino ang Ate ko katunayan ay isa siya sa Dean Lister sa St. Paul kung saan siya pumapasok. Maganda siya, katunayan ay madaming nanliligaw sakanya, samantalang nainlove lang siya sa koryanong hindi naman mapapasakanya.

"Oiii dugyot! May langaw sa pagkain mo" saway niya sa akin dahil nakatitig nanaman ako sa kawalan

"Ambaho kasi ng hininga mo Ate"

"Sinisi mo pa ako bansot!" sigaw niya

Nanahimik nalang ako dahil sa kahihiyan, nasa labas kami at maraming tao sa paligid. Ang pangut naman kung mag-aaway kami dito, parang hindi anak ng guro. Naging nakakapagod ang araw na iyon, sa wakas ay kumpleto na ang gamit ko, handa na para sa pasukan. Namili kami isang linggo bago magpasukan dahil kung papatagalin namin ay dadami ang mamimili at maari kaming mauubusan.

Nakaupo ako ngayon dito sa aking silid, sa harap ko ay ang mga libro kong nabasa at binabasa. Sa silyang kinauupuan ko ngayon ay napanood kong dumaan ang mga araw na hindi man lang nakikita si Chesna. Sa tuwing pupunta ako sa park ay wala siya, naisip ko tuloy kung kamusta na siya, kinabukasan ay pasukan na, may pagbabago kaya? O katulad padin ng dati na inaantay kita?

I've hated myself for being unworthy, but what I hated the most is that, I thought you'll always be with me.

To be continued...



Kung Wala Ka (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon