Aestine's POV
"Pwede ba kitabg ligawan?...... o, Can I court you?" nag-aalangan kong tanong sa kaharap.
"CUUUUUUT!!!!" malakas na sigaw ni Nath "Bakit may pa O kapa, ano ba naman yan Ajero umayos ka" saway niya sa akin sabay ayos ng polo ko.
"HAHAHAHA, you look funny while talking" mas malakas na tawa ni Mart, siya ang kausap ko.
"Bakit ba kasi may pa praktis praktis ka pang nalalaman,kung kinakabahan ka eh mas di ka sasagutin, engot!" muling bulyaw ni Nath, ngumuso lang ang ginawa ko.
Psh, kaya ko naman eh hindi ko ba alam basta sakanya lang ako nagkaganto. Kaya ko kaso.... kabado... ano ba?!
"Kaasar" tugon ko sa kanina pa nilang pang-aasar sa katorpehan ko.
"Hoy! Makinig ka, kaoag ako ikaw eh wala, panis yang O mo" pagyayabang ni Nath na kahapon lang napasagot ng Oo ang kasalukuyan niya ng nililigawan.
Naging motibosyon sa akin yun para manligaw na din, pero bakit ba toh?!
"Kung sakanya yari ka, mas lalo sa tatay!" sabad naman ni Mart na nakabawi na mula sa walang katapusang pagtawa.
Palibahasa walang love life, psh!
"Oo na, oo na... k-kaya ko nga eh" utal kong tugon.
Hindi mawala sa isip ko kung paano ako naging matapang nung araw na iyon. Matapos ang birthday ko nasalubong ko sa gate ng village nila Ches ang Daddy niya.
Flashback
Nagmamaneho na ako pauwi dahil lumalalim na ang gabi, pero natigilan ako ng makitang may nakaparadang sasakyan sa mismong dadaanan ko. Bumusina ako pero parang walang tao sa kotse kaya lumabas ako.
Narinig kong may kausap yung guard kaya diko napigilang makinig "Ibig sabihin manong ay may naghatid sakanya?" ani lalaking kausao nito, pamilyar ang boses niya kaya lumaoit ako.
"Opo Doc, mukhang may kaya nakakotse HAHAHAHA baka nobyo niya" rinig kong tugon ng guard at sabay silang natawa.
"Aba loko yung lalakeng iyon, inaagaw sakin ang anak ko" natatawang sagot ng lalaki.
Uurong pa sana ako paharap pero sa hindi inaasahan natabig ko ang paso ng isang halaman na hindi ko man lang nakitang nandoon. Inayos ko ito ngunit huli na para di nila ako makita. Nagtataka silang pareho na tumingin sa akin, agad akong tumayo ng ayos para matapos ayusin ang paso.
"Goodevening po" bati ko kasabay ng mababaw na yuko.
"Oh, ito nga iyon Doc siya yung nakita kong naghatid kay Ma'am Blythe" turo sa akin ng guard, ngumiti naman ako ng may alinlangan.
"Ahh ganon ba, sige manong salamat" tango ng lalaki sa guard, hindi na ako nagulat ng tama ang hinala ko.
DADDY NGA NI CHES! WAHHHH LORD SANA HINDI NIYA AKO PATAYIN.
"Goodevening din iho" nakangiting bati nito sakin.
Hanep sa kagwapuhan lods, nakakabakla.
"Hello po" muling bati ko
"Hello po" natatawa niyang panggagaya sa boses at sinabi ko.
Daddy ka nga po ni Ches
"Nakaharang po kasi yung sasakyan niyo kayo po hindi po ako makadaan" napakamot ako sa itinugon ko.
Talaga naman eh.
BINABASA MO ANG
Kung Wala Ka (Ongoing)
RomantizmMalalabanan natin ang ating damdamin ngunit hindi ang tadhana na siyang sa huli'y nasusunod. Mahal kita ngunit paano kung hindi ko na kaya? Magpapatuloy pa ba kung puso'y napapagod na? Handa akong danasin ang lahat, pero paano kung ako lang ang lala...