Hi! Long time no update hehe, namiss ko kayo! Please vote and leave a comment below, nakakamiss palang magbasa at magsulat ng story. Sana magtuloy-tuloy 'tong kasipagan ko hehe.
Anyway, enjoy reading!
First Kiss
"Nice meeting you po again Mr. Andraste." sabi ko nang sinamahan nya palabas ng hotel/restaurant. Medyo natigilan pa siya at umubo bago ibigay sa valet ang kanyang susi."Nice meeting you too darling, next time baka kasama na ang mga kapatid mo, if that's okay with you of course." tumango ako at napangiti sa sinabi niya.
I used to cry as a child kasi wala akong kapatid at tinitiis si Manu kasi wala akong choice noon but now I have a twins, a kuya and a sister.
"Are you really sure hindi na kita ihahatid? Where is your boyfriend anyway?"
"Po? Boyfriend?"
"Ah hindi ba boyfriend mo yung susundo sayo?"
"Ah! Si Manu po, he's a... uhm... friend?" I bit my tongue because of the awkwardness, he laughed and tapped my head before hugging me sideways.
I-de-defend ko pa sana ang sarili ko dahil mukhang hindi kumbinsido si Mr. Andraste kaso nasa harap na kaagad ang sasakyan ni Manu kaya nagpaalam na lang ako at dumiretso na kay Manu habang si Mr. Andraste ay pumunta na sa sasakyan nyang nasa likuran lang namin.
Naabutan ko syang titig na titig sa sasakyan ni Mr. Andraste at nakakunot ang noo, I have to wave my hand in front of him to get his attention.
"Is that your Dad? He seems familiar."
"Yeah... why? Magkamukha ba kami?"
"Hmm... mas gwapo siya sayo." nakangising sabi niya habang inaayos ang aircon ko.
"Che! Ewan ko sayo!"
It was the start of midterm at panay ang aya ng mga kaibigan kong umalis dahil hindi na raw nila magagawa 'yun kapag nag-finals na, panay naman ang tanggi ko sa mga nakaraang aya dahil umuuwi ako tuwing weekends pero may isang araw na pumunta talaga sa bahay si Marica para ipagpaalam ako kay Tita.
Manu and I both think na nag-away ang dalawa dahil pareho silang nag-ayang uminom, isa rin sa dahilan kung bakit sumama ako kahit wala ako sa mood uminom at makisama.
Manu Rivero: which club are you guys going?
Ako: idk, somewhere in BGC?
Manu Rivero: alright, see you around. don't mingle too much.
Napairap ako at hindi na siya nireplayan, dapat ako ang magsabi sakanya nyan? Knowing him, kahit nasa sulok lang siya ay kusang lalapit na ang mga tao sakanya.
"Nakalabas na rin ang prinsesa natin!" sigaw ni Owen na siyang nagpa-reserve ng table, halos lahat ng mga kaibigan namin ay nandito.
They all stand up to hug us habang si Marica naman ay dumireto na sa table at tumagay na agad ng dalawang shot at nakalahati na ang beer.
"Woah... dahan-dahan lang sis! May problema ka ba?" tanong ni Erika pero sumabay pa rin sa ayang shot ni Marica. Medyo nasamid si Marica at hindi pinansin ang tanong ni Erika. Nahuli niya akong nakatitig sakanya, agad naman siyang nag-iwas ng tingin at may pinuntahan sa kabilang table.
BINABASA MO ANG
SCSU: Cleo - Worth Fighting For
Teen FictionSCSU: Cleo Alouriz Gervacio A story of two best friends who always have each other's back no matter what's in between them. In the midst of college struggle and personal problems, Cleo and Manu always find themselves comforting each other. But some...