Chapter 21
"You sure you'll sleep there?" tinuro ko ang couch na ngayon ay hinigaan na niya. I find it absurd because I have another spare room yet he keeps on insisting to sleep in his "favorite" couch.
"This is right in front of your room."
"So what?"
"I can't monitor you if I'll sleep in your guest room, Cleo." he emphasized every word that seems like I'm a big idiot for not knowing. I just rolled my eyes and went inside my room.
Hindi ko talaga alam bakit ginagawang big deal ito ni Manu. Yes, I don't know the guy but what if he's harmless? Nakakahiya pa at mukhang papapuntahin pa niya si Sir Tony dito bukas o baka nga nandito na siya, hindi lang pinapaalam sa akin.
"Dito ka lang?" tanong ni Marica nang nag wwaarm up ang both teams para sa semi-finals. Gusto niya kasing bumili ng pagkain at ako ang niyaya.
Kakatapos lang ng laro ng institute nina Conor kalaban ang mga Archi institute at nanalo sila so ibigsabihin kung sino ang mananalo ngayon ay makakalaban nila sa finals.
Hinanap ko si Manu sa baba, abala siyang kausap ang coach kaya alam kong hindi ko siya pwedeng basta-bastang tawagin at magpaalam. Iniwan niya rin sa akin ang phone niya kaya nonsense din kung itext ko siya.
"Come on, wala na siguro yang Mr. Stalker mo. It's been been three days already!" bulyaw ni Marica nang nag-aalinlangan pa akong sumama sakanya
Bumugtong hininga ako at wala nang nagawa nang hilain niya ako palabas ng gymnasium. Nagpaiwan na lang sina Allan at Kristin para ma-save ang mga upuan namin at kami na lang ang bibili ng pagkain na gusto nila.
As for Owen, ang hirap niyang makausap lalo na't panay ang labas nila ni Erika. Dumaan lang sila dito kanina at nang nalaman na laro nina Conor ay umalis din kaagad, sinabing babalik kapag game na ng institute namin.
"We have to corner Owen, ilang araw na syang umiiwas sa atin."
"That's his way of coping up, he's nowhere to be found and always up to meeting new people but yeah let's set an overnight."
"Can, malapit na raw mag start!" sigaw ko kay Marica nang nakapila palang kami sa pizza stand. We still need to buy mango graham shake kaya humiwalay na ako sakanya at pumila doon.
Hindi katulad sa pizza stand ay kaunti lang ang tao sa bilihan ng shake kaya agad akong nakabili at tinext na lang si Marica na hihintayin ko siya sa may plantbox.
Panay ang bati sa akin ng mga blockmates at tinatanong si Marica, hindi sanay na hindi kami nakikita magkasama.
"Start na yung game ng jowa nya ah?" tanong ng kaklase naming si Nicole, mukhang papunta silang magkakaibigan sa gym
"Ah yeah, hinihintay ko lang siya dito." tumango siya at aalis na sana nang may naalala
"By the way, may something ba sainyo ni Rivero?"
"Huh?"
"I mean, we always see you together or dahil kaibigan ni Echo kaya nagsasama-sama kayo?"
This caught me off-guard. Oo nga pala, hindi alam ng lahat ang history namin ni Manu. Like Nicole, they assume that we became close because of the people around us and now they think that there's something going on between us.
BINABASA MO ANG
SCSU: Cleo - Worth Fighting For
Teen FictionSCSU: Cleo Alouriz Gervacio A story of two best friends who always have each other's back no matter what's in between them. In the midst of college struggle and personal problems, Cleo and Manu always find themselves comforting each other. But some...