Allura Ballestra
Halos hindi ko na nagagamit phone ko dahil sa hell week. Kahit na nakapag-prepare na ako noong weekends ay nahirapan pa rin ako sa actual exams. Lalo na si Marica na todo mag-cram, tambay na tuloy kami sa Tim Horton's hanggang mag-closing.
"Sasama ba ulit si Manu sa atin?" tanong ni Marica nang nag-break kami sa pag-aaral
I sipped my iced coffee and nod, kahapon din ay sumama siya. He really needs to improve his grades or else mawawala siya sa varsity. That's their rule - kapag may bagsak, hindi makakasama sa mga game.
I think he's doing good, base sa mga kinukwento niya sa aking mga results sa previous exam. Sadyang may galit lang ata ang isang professor sakanya dahil palaging wala sa klase.
Speaking of Manu, I don't know what's keeping him late, nag-text ako sakanya kung nasaan siya at agad akong sinuway ni Marica dahil sa policy naming "no phones allowed while studying" kaya agad ko na ring tinago sa bag ko.
Nang dumating si Manu ay agad siyang tinanong ni Marica kung saan siya galing, simpleng "date" lang ang sagot niya at ngumisi bago pumunta sa counter para mag-order.
Again, nilibre nanaman niya kami ng fries kaya nanahimik na si Marica habang ako ay nakatingin sakanya. Nagtaas siya ng kilay sa akin pagkabukas ng Macbook niya.
I know I "suggested" him to date "more girls" pero hindi ko alam na dalawang araw palang ay meron na siya!
Just as I expected, madaming lumapit para i-confirm ang chismis na narinig nila na ako ang bagong dinidiskartehan ni Manu, agad ko ring dineny iyon at sinabing magkaibigan lang kami.
I know they don't believe it. Matic naman na ganoon kahit na anong deny ko, sa utak ng mga 'yan sinasabihan na akong sinungaling.
"Mga tao nga naman oh, si Manu ata ang course nila at mukhang wala silang pake sa exam." Sinadya talaga ni Marica na lakasan iyon para marinig ng mga babae na nakatambay sa hallway.
Tinapik ko siya sa braso at tumawa. Dumaan kami ng classroom nina Maddy, kahit na kaklase namin si Llyra ay tumatambay siya dito habang wala pa ang mga prof. Nang nakita ako ay agad niya akong tinuro kay Maddy.
"Oh akala ko sa Zambales lang ang pagkalandi niya hanggang dito pala?" pagpaparinig niya
Parang gusto kong sumagot at barahin siya but I know better. Mas mahalaga pang pigilan ko si Marica na mukhang susugod na kaso pinigilan ko.
"Hayaan mo silang tumahol, Can." I made sure they hear it
"Oh right, ugaling aso kasi." Tumawa si Marica ng malakas, I smirked. I heard the "oh..." from the guy group na nakatambay din sa corridor.
As the madaldal Marica, mabilis niyang kinalat iyon sa mga kaklase namin, nakisali pa ang mga lalaki. They all laughed and compliment me for my statement.
"Iba rin pala bumanat si Gervacio, aso raw!" tumawa nang malakas si Kian
"Crush ko pa naman yun kaso tumatahol pala."
"Ewan ko sa inyo! Mag-aral nga kayo!" Hindi sila nadala sa suway ko kaya hinayaan ko na lang sila.
Apparently, madaming haters si Maddy pero marami rin ang takot kasi nga bitchesa kaya manghang-mangha sila sa ginawa ko.
Manu texted me na may "ka-date" ulit siya kaya hindi siya makakasama sa amin sa pag-aaral. Hinayaan ko na dahil wala kaming exam bukas, sa Thursday ulit, hindi ko lang alam sa course nila. Basta ang alam ko ay Wednesday ay no-exam day.
"I heard from Echo na sa ibang school yung dine-date ni Manu ngayon." Sa condo kami ngayon tatambay dahil chill lang ang review session namin at may buong araw kami bukas para mag-aral sa mga exams sa Thursday and Friday.
BINABASA MO ANG
SCSU: Cleo - Worth Fighting For
Teen FictionSCSU: Cleo Alouriz Gervacio A story of two best friends who always have each other's back no matter what's in between them. In the midst of college struggle and personal problems, Cleo and Manu always find themselves comforting each other. But some...