Chapter 3
Not Invited
Mabuti naman at tinawag si Conor ng mga kaibigan niya, siguro naisip niyang wala siyang mapapala sa akin at pumunta na sa mga kaibigan niya na mukhang may nakitang kakilala.
Pagkaalis na pagkaalis ni Conor ay parang magnet na lumapit sa akin ang mga kaibigan ko at mabilis na pinag-usapan ang tatlong engineering students.
"Crush 'yun ng pinsan ko! Iyong Conor? Daming may gusto dyan!" si Owen at may pasilip pa kay Conor. Umiling na lang ako at hinila si Marica para lumapit sakin. Nagsimula nanaman sila sa shots nila at hindi ulit ako nakalagpas doon.
Medyo nahihilo na ako at na-out of balance pa kanina dahil sa likot ng mga kaibigan ko pero nagtawanan lang kami. Lagi naman akong nililingon ni Marica at tinatanong kung okay pa ba ako, tumango ako kahit gusto ko na maupo ulit ay sunod-sunod ang mga magagandang kanta galing sa DJ.
We are the center of the dancefloor, medyo tipsy na siguro dahil naubos na namin ang bagong bote na dinala ni Owen. May mga lalaking gustong makisayaw pero tinatalikuran ko pero si Llyra ay enjoy na enjoy.
I can't believe this is my first time experiencing this. I was not a big fan of party because of the stories I've heard, siguro ang nagpapawala lang ng galit ko sa party ay etong mga kaibigan ko. It is truly an escape, a temporary happiness.
Hinila ni Marica ang braso ko palapit sakanya at doon ko lang napansin na dumidikit na ang lalaki sa akin.
Umiling siya doon, ngumisi ako at sumayaw ulit. Medyo wala na sa tamang pag-iisip at gusto na lang sumayaw kaya nang sinabi ni Marica na magpahinga muna kami sa couch ay umangal ang lahat.
"It's getting crowded, ayokong may mawawala bigla sa atin ah." banta ni Marica nang nakaupo na kami sa couch.
May lumapit sakanya na bouncer para magtanong kung okay lang ba kami, may sinabi si Marica na hindi ko na nasundan dahil abala na ako sa pagkukumbinsing hindi pa ako lasing.
Apparently, Owen has a high tolerance of alcohol and ordered a bunch of beers and a bottle of whiskey.
"Owen! Pwede namang beer na lang." si Marica nang nalista na nung waiter at umalis na. Umiling si Owen at tinuro ako
"We need Cleo to blackout!" ngumuso ako at kumain na lang ng sisig. Not sure kung sinong lasing sa aming dalawa
Medyo napapapikit na rin ako kaya nang nagyaya sila mag comfort room ay tinanggihan ko pero hindi sila pumayag! Hinila nila ako patayo at hinila sa comfort room.
Medyo hindi na straight ang lakad ko at tawa-tawa pa ako nang pumasok sa cubicle habang inaalalayan ni Marica.
"Tell me if you need something." sabi niya sa kabilang pintuan, ngumisi na lang ako at umiling.
BINABASA MO ANG
SCSU: Cleo - Worth Fighting For
Teen FictionSCSU: Cleo Alouriz Gervacio A story of two best friends who always have each other's back no matter what's in between them. In the midst of college struggle and personal problems, Cleo and Manu always find themselves comforting each other. But some...