Chapter 2
Cleo's First
Start na ng prelim exam week at mas naka-adjust pa si Manu sa college kaysa sa akin. He's always seen everywhere. Halos lahat ata ng babae dito ay kung hindi man may gusto ay interesado o naagaw ang pansin ng isang Manuel Rivero.
Mabuti nga't ka-close na niya lahat ng teammates niya, I was afraid na baka mayabangan sakanya pero nagkakamali ako. Unang linggo palang niya ay niyaya na agad siya sa inuman, niyaya ako kahit na alam niya ang isasagot ko.
Sobrang naririndi na nga ako lalo na't nangunguna sina Marica at Llyra pag tungkol kay Manu. Hindi rin lumulusot sakanila kung sino ang mga nakakausap ni Manu, nakaka date man sa labas o nakakasamang kumain tuwing lunch.
"I told you, laking ibang bansa kasi." binigyan ni Marica ang information ang mga babaeng taga-kabilang block. Tumingin siya sa akin at kinindatan.
Umirap na lang ako at nagpatuloy sa pagrereview sa hallway dahil maingay sa classroom pero mukhang pati sa labas ay ganoon din at dahil iyon sa rumored new girlfriend ni Manu.
Ang mga kaibigan ko lang ang may alam na childhood friend ko si Manu, hindi na rin kami masyadong nag-uusap sa campus dahil busy ako sa pag-aaral at siya naman ay laging pinapalibutan ng mga kaibigan.
Madalas ay niyayaya akong kumain tuwing lunch break pero dahil nauuna ang break namin ay hindi napagbibigyan. At ayaw ko ring masama pa sa mga usapan ng mga babae tungkol sa mga nagiging babae ni Manu, alam iyon ni Marica kaya hindi niya pinagkakalat na magkaibigan at kakilala ko si Manu.
"Noong friday niya nakasama yang si Trix, diba? Sa High Rave?" tanong ng kaklase namin kanikanina lang ay nag-aaral pero nasama na sa grupo nina Marica
"Oo, every friday sila doon. Sana all may time!" sigaw ni Marica at hinagis ang kanyang reviewer na para bang iyon ang dahilan kung bakit hindi siya nakakaparty.
"Alam ko na! How about pagkatapos ng hell week na 'to ay mag-party tayo? Sinong game?" at naging mabilis ang balita. Sa kurso namin, sobrang limited lang ang oras para sumaya kaya ginawa nilang opportunity iyon at bukambibig ng lahat.
"Excited na ako! Ready na ba ang outfit nyo girls?" may kulot sa tono ni Owen kaya natawa ako. Isa siya sa sampung sasama para bukas, tahimik lang ako na nag-rereview para sa next na exam nang bigla akong lingunin ni Marica pagkatapos pag-usapan kung anong isusuot nila para bukas.
"Sa inyo tayo mag-aayos ha?" nagtaas ako ng kilay. Sinong may sabing sasama ako?
"Hindi ka sasama?" si Owen
"Hindi naman ako um-oo." sabi ko at tinalikuran sila para mag-aral ulit
"Anong hindi? Matic na kasama. It would be your first party!"
"Oo nga, Cleo. Huwag kang KJ, madaming boys doon!" si Llyra
"Si Kristin din naman, hindi kasama pero bakit hindi ganito reaksyon nyo?"
"Cleo naman... Tapos na ako, may valid reason ako." si Kristin na ngayon lang nagsalita kasi seryosong nag-aaral
"Ako rin naman may rason ah? Hmm... Umuuwi ako tuwing friday night diba?"
BINABASA MO ANG
SCSU: Cleo - Worth Fighting For
Teen FictionSCSU: Cleo Alouriz Gervacio A story of two best friends who always have each other's back no matter what's in between them. In the midst of college struggle and personal problems, Cleo and Manu always find themselves comforting each other. But some...