Peppermint
"What?"
"I know you heard me, Clei. I want to court you again." akmang lalapit sana siya kaso pinigilan ko.
"And my answer is no, Klaus. We broke up a year ago, I moved on and I have my own life now. Hindi pwedeng babalik ka pagkatapos mong magloko at magkunwaring parang wala lang."
"That's why I want to make up to you. Be faithful, this time." agad ko siyang inilingan at natawa.
"My answer is no, Klaus. Stop messing up with me and delete your stories." sabi ko at tumayo para lumipat ng table ulit. I saw Manu from my peripheral vision, sitting just three tables away from us. Enough to see us but I doubt if he can hear our conversation.
I felt Klaus' hand on my arm, pinipigilan akong umalis. Agad ko namang binawi at inayos ang bag kong nahulog sa balikat ko pero pinigilan niya ulit ako. This time, hinigit pa palapit sakanya.
"Get your filthy hand off her, dude." I felt Manu's presence behind me, ako na mismo ang nagtanggal sa kamay ni Klaus at hinarap si Manu para ilayo sila sa isa't-isa.
We're in the library for Pete's sake and I know how hotheaded these guys are, kahit sina Marica ay napatayo na rin para tignan kung ano na ang nangyayari.
"Tapang mo, Rivero ah? Naubusan ka na ba ng babae sa SCSU at si Cleo naman ang target mo?" napasinghap ako sa bilis ng nangyari. Mabilis akong nilagpasan ni Manu at ngayon ay mahigpit ang hawak sa kwelyo ni Klaus at akmang susuntukin nang hinawakan ko ang nakababang kamay ni Manu na nanginginig sa galit.
"Please Manu..." bulong ko sa takot, sa nangyayari at pati na rin sa galit niya ngayon.
Hindi ko rin alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob para pigilan siya. His vein in his arms are showing, madilim din ang kanyang titig at umiigting ang panga.
"Please... I want us to go." I tried to intertwine our fingers to calm him. I saw his jaw clenched one more time before pushing Klaus.
"Please Manu..." agad ko na siyang hinila paalis doon. Nagkatinginan kami ni Marica at agad naman siyang tumango, tila alam kung saan kami pupunta.
Mahigpit ang kamay ni Manu sa akin, tila bato na ayaw kumawala sa hawak ko kaya kahit na ang dami naming nadadaanang tao at nakakakita sa amin ay hinayaan ko na. Besides, I don't think Manu's anger will subside immediately kaya dinala ko siya sa may puno ng acacia. Hoping that the view will somehow reduce his anger.
"Let's just stay here for a while." sabi ko at binaba ang bag sa tabi ng malaking ugat. I gasped when I heard a sudden thud, agad ko namang dinaluhan si Manu na pumunta pala sa likod ng puno.
There's a huge mark on the tree's trunk, pula rin ang kamao ni Manu sa pagsuntok sa puno. Itatago sana niya sa akin kaso nakita ko na.
"What the hell are you doing?" bulyaw ko nang hinawakan ko ang kamay niya. His knuckles are red and sore, agad ko siyang tinignan ng masama.
"Sorry for losing my cool back there. I know you don't want me to interfere your relationship with him, but I can't help it." umiling ako. Sinubukan kong hilahin siya paupo na agad naman akong sinunod.
"I understand your anger, kahit sino naman ma-o-offend kapag sinabihan ng ganoon."
"I got mad because it's not true. You always come first, Cleo." umihip ang malakas na hangin, inayos niya ang mga takas na buhok sa mukha ko at nilagay iyon sa likod ng tainga ko. "Always." he whispered like a prayer before he positions himself behind me.
BINABASA MO ANG
SCSU: Cleo - Worth Fighting For
Teen FictionSCSU: Cleo Alouriz Gervacio A story of two best friends who always have each other's back no matter what's in between them. In the midst of college struggle and personal problems, Cleo and Manu always find themselves comforting each other. But some...