Chapter 32

162 8 5
                                    




"Ikaw lang etong blooming ngayong finals." puna ni Marica nang magkita kami pagkatapos ng klase. Sabay-sabay naman akong inilingon ng mga kaibigan namin at inusisa ako.


"Ano? Nadiligan na ba?" sa gulat ko ay naibato ko sakanya ang hawak ng eraser, pati si Kristin ay nagulat din pero etong si Marica ay tumawa lang at umiling.


"Gaga! Hindi!"


"Hindi pa? Ikaw Cleo ah... Sabagay, nineteen na rin naman tayo. Normal lang pag-usapan huy!" umiling na lang ako at hindi na ginatungan pa ang mga hirit nya.


I know his expenditures on clubs and boys at sina Erika ang madalas nyang nakakausap sa mga ganyan. I had my fair share of experience, especially recently, pero hindi ko na need ikwento yun sakanila.


Mabilis na dinner at catch up lang pagkatapos ay umuwi na rin ako para habulin ang mga lectures na hindi ko napasukan sa mga minors. Eto yung mga inalay ko na subjects para makapag focus sa mga major subjects.


Gabi-gabi ring bumibisita si Manu dito kahit gaano man sya kabusy o kapagod sa training para ibigay sakin ang biniling fries o takoyaki.


"Para na tayong mag-asawa dito ah." sabi ko nung inabot nya ang iced coffee sa akin.


"That's my goal." ngumisi sya at tinaas-tass pa ang kilay sa akin. Inirapan ko sya at pinapasok, may dala syang laptop at libro kaya alam kong sasamahan nya akong mag all nighter ulit.


Nasa sahig ako at nag-aaral sa center table habang sya naman ay nakaupo sa sofa sa likod ko, nasa gitna ako ng hita nya at paminsan-minsan ay pinaglalaruan ang buhok ko.


Nasa kalagitnaan ako ng pag-aaral nang biglang tumawag si Papa, nagkatinginan muna kami ni Manu bago ako tumayo at sinagot ang tawag sa kwarto.


"Good evening po." I cautiously greeted, medyo kinakabahan dahil hindi naman tumatawag basta basta si Papa.


"Good evening, how are you? I heard from your kuya that it's the end of your term."


"Ah yes po, final weeks na po namin next week. Currently studying din po para hindi mag-cram."


"That's good to hear. I'll be sending you your allowance." I pressed my lips together, wanting to be careful on my next words.


"I have extra naman po Pa, no need to give me allowance."


"It's okay, I insist. You can reward yourself after with your friends."


"Okay po, thank you po. How are you po?" I asked and he answered me about his endless meetings and he's currently in Malaysia now. He talked about business which I can relate that's why I ask him about the status of the company.


"It's good that you're interested in our company, Clei. It's good that your kuya Arran will have a partner in the future. Ang younger sister mo kasi, iba ang gusto."


"Ohh how is she po?"


"She's almost eighteen and wants to take a fashion design course, naglalambing na nga yun para ma enroll ko sya sa dream school nya." he chuckled, and I smile. "You'll meet her probably on your summer vacation. You have a passport, right?"


"Yes po."


"That's good. I plan to clear my whole month next month so I can spend it with you, I want you to see our house in Germany, if that's okay with you of course."


"Of course naman po Pa, I don't have anything to do naman this summer."


"Okay, I'll ask your Mom's approval. I'll let my secretary contact you for the details."


SCSU: Cleo - Worth Fighting ForTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon