Chapter 34

134 7 0
                                    


Aloof 


"Ako na bahala sakanya sa loob." sabi ni Marica nang nasa tapat na kami ng unit. 


"What do you guys want? Bibili ako ng pagkain." Nagtinginan kami ni Marica habang hinihintay ni Manu ang sagot namin.


"Huwag na, itutulog ko na lang 'to." Kita ko ang pag-igting ng panga nya pero tinalikuran ko na sila at binuksan ang pintuan. 


Micah is out today pero nakakalat pa rin ang mga boxes at mga pinaggamitan sa sala at kusina.


"Ang kalat naman dito." puna ni Marica at pinagsama ang mga boxes.


"You don't need to be with me Can, itutulog ko lang naman 'to." Umiling sya habang pinapagpag ang sofa bago binuksan ang TV at umupo.


"I'll stay, wala rin kasi ako sa mood mag party. Hindi deserve ng celebration yung mga sagot ko kanina." 


With that, we recalled the exams again. Very comprehensive talaga ng mga problems at ngayon lang ako nahirapan ng ganoon, hindi pa nakatulong na na mental block ako sa unang subject kanina tapos sa pangalawang subject ay nahihilo ako. 


"I might fail this sem." kinagat ko ang labi ko at tinabihan si Marica sa sofa. I comfort her by hugging her, gusto ko rin sanang sabihin na baka bumagsak din ako kaso ayoko nang idagdag pa iyon sa problema nya. 


I just hope na tama iyong mga hinulaan ko sa dulong part ng last subject. I-aaverage naman iyon so I hope I pass it kahit pasang awa lang.


Ilang sandali pa ay may kumatok sa pintuan at alam naming si Manu iyon. Tumayo si Marica at pinagbuksan si Mamu, umupo ako ng maayos at hindi maiwasang ma-ilang dahil ngayon lang kami hindi nag-usap ng ganitong katagal at ngayon ay nasa harap ko na sya, inaayos ang pagkain sa coffee table. 


"Eat this porridge I brought you before you go to sleep." 


"Thanks." saglit kaming nagtinginan bago niya pinagmasdan ang kalat sa paligid.


"Someone moved in?" tumango ako bago sinubo ang lugaw. "Tito Lester's niece moved in last Sunday, she's staying here for the mean time." nagtinginan kami at mukhang pareho kami ng iniisip. 


Meaning, he can't suddenly barge in like the old times pero alam ko namang hindi mamasamain nina Tito Lester at Mama ang pagbisita ni Manu sa condo especially na nasa top floor lang naman sya. 


Wait, I thought we were on a break? Bakit ba parang nag eexpect ako ng bibisita pa rin sya? 


 "You're staying?" tanong ni Manu kay Marica. 


"Oo, ikaw ba?" Nilingon ako ni Manu, mukhang naghahanap ng sagot sa akin pero nag-iwas ako ng tingin.


"Hindi na but you can call me if you need anything. Sa taas lang ako." he was looking at me kahit na si Marica naman ang kausap nya.

SCSU: Cleo - Worth Fighting ForTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon