Chapter 7

739 29 12
                                    

Chapter 7

Start noticing

"Ang OA! Ang OA!" naghihisterikal na si Marica sa tabi ko habang sinusulat sa planner niya ang mag quizzes namin next week.

"May mga incentives ba ang mga prof kapag madami silang binibigay na quiz? Ang OA talaga!" bumugtong hininga ako at nagpatuloy sa ginagawa naming presentation. Nasa pavilion kami, madaming table and chairs dito kaya dito namin piniling tumambay.

Pagkatapos ng trip sa Zambales ay naging busy agad kami, kakatapos lang din ng long week dahil sa Undas pero madaming pinauwing readings. Kaya matic na may pre-test kami kahit hindi pa na-didiscuss ng prof.

Today's friday pero hindi ako makakauwi sa dami ng quizzes next week, nakisali pa ang mga recitation sa minors. Nakapagpaalam na rin ako kay Mama, ayoko kasing inuuwi ang schoolworks. Malaking scam lang iyon dahil hindi ako makakapag-aral sa bahay.

"How about your allowance darling? Deposit ko na lang sa account mo?" tanong ni Mama noong pinaalam kong hindi ako makakauwi

"Huwag na Ma, sobra-sobra nga po yung binibigay nyo and may groceries pa naman po ako." Nag-aalala kasi siya kung anong kakainin ko sa condo for the weekend.

"Okay honey, tell us if you need something."

It would be nice to study in a coffee shop kaso ayaw ko namang gastusin ang natitirang allowance for a two hundred pesos coffee kung meron naman ako sa condo ng instant coffee.

Habang nagbabasa sa law ay biglang sumagi sa utak ko na eto ang unang linggo kong hindi umuwi, it's not that bad o dahil lang busy ako?

Bumili ako ng chicken meal sa mini-stop at kinain sa condo. This is normal in college life, fast food at instant coffee.

I felt exhausted from my readings the whole morning kaya tinulog ko iyon pagkatapos ng lunch. I woke up a bit refreshed so I decided to start my review at my balcony. May maliit na table sa labas at dalawang upuan, hinila ko ang isa at pinatong ang paa sa railing.

I took my phone out and decided to take an aesthetic picture of the blue and purple sunset with my book on my lap, I posted it on my instragram story.

I also looked at my friends' stories. They are either from a party last night or at mall with their family and friends. I saw Manu's story, it's a view of the moon from his room. Umuwi siya, wala siyang ganap kagabi?

Hindi agad ako nag-aral syempre, lalo na sa mga reply ng mga kaibigan kong nagrereklamo bakit daw ako nag-aaral ng ganito kaaga.

maricadomingo: Please, oo maganda ang sunset pero wag kang mag guilty trip! Bukas pa ako mag-aaral!

krxstxn: Anong section mo na?

owenthequeen: Enge kasipagan!

Ngumiwi ako nang biglang nag-pop out ang pangalan ni Manu, agad ko iyon binuksan at mabilis din nagsisi.

riveromanu: Flex lang ng mabahong paa?

Etong Manu na 'to! Wala talagang magandang sasabihin! Binalikan ko tuloy yung story ko, kita ang paa ko pero naka pedicure naman! At never naging mabaho ang paa ko, baka siya!

Nag-reply ako ng "ang epal mo talaga!" at kahit typing siya ay pinatay ko na ang phone ko para makapag-aral na.

It was eight when I finished my law readings and I forgot to eat dinner, naligo ako at nakabihis na ng pambahay nang naisipan kong buksan na ang phone ko after ng ilang oras na naka-airplane mode.

I screamed when I saw Manu's chat, iyon ang after ng reply ko sakanya kanina

riveromanu: Stop that, let's watch End Game.

SCSU: Cleo - Worth Fighting ForTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon