Chapter 4

675 31 1
                                    

Chapter 4





Anemic





Klaus texted me the place, it's a coffee shop near my condo. Hindi ko na nireplayan dahil naging busy na rin sa mga kwento ni Mama nang bumisita siya sa kwarto ko.





I woke up earlier than usual dahil may pasok at sasabay ako kay Tito Lester. Dadaan muna ako sa condo para ibaba ang mga gamit at nilutong ulam ni Mama.





I wore a red fitted longsleeves, denim disco pants and a pair of white shoes, naalala kong magkikita pala kami ni Klaus after class at ayokong gawing special ang suot ko.





"Marica, kina Maddy na muna ako sasabay ngayong lunch ha?" paalam ni Llyra nang nasa hallway kami.





Busy si Marica magkwento sa akin tungkol sa lalaking nakakachat niya nang umalis na si Llyra, hindi na hinintay ang isasagot ni Marica.





"Who's Maddy?"





"One of her new friends?" kibitbalikat ni Marica at masayang nagkwento ulit sa akin tungkol sa basketball player





Hindi ko maalala kung close ba kami ni Llyra pero simula noon ay hindi na siya sumasama sa amin.





Nakakasama na niya iyong grupo nina Maddy, na kilala bilang partygoer at laging na-ddresscode sa iksi at revealing na mga damit.





The dinner Klaus and I have was casual, isa sa kinagulat ko.





Akala ko makikipag-away siya sa akin at nag-isip na ako ng sasabihin sa klase pa lamang pero kalmado siya at panay ang tanong sa buhay ko.





Nagkwento ako, about sa due date ng Mama ko, sa grades, organization na sinalihan ko at kung sasama ba ako sa trip ng mga varsity players.





"I'm not a player, Klaus."





"I know pero resthouse iyon ni Echo, imbitado halos lahat. He kinda has a crush on Marica kaya siguradong iimbitahan iyon, alam ko namang magkadikit kayo ni Marica."





"Let's see, matagal pa naman iyon. Next month pa."





Iyon na siguro ang closure naming dalawa. Mukhang guilty siya kaya nakikipag-usap ngayon at pinatawad ko na siya.





He wants us to remain the same pero alam kong imposible, magkaiba na kami ng daang tinatahak and I'm glad he's matured to accept it.





"Natanggap niya ba talaga? Baka umaasa pa 'yan!"





alam ni Marica ang tungkol sa pagkikita namin ni Klaus kaya pagkapasok ko palang ng condo ay tumawag na siya agad para makibalita





"Sabi ko we can be friends, um-agree naman agad."





"Sus! I have a feeling na makikipagbalikan ulit 'yan. Alalahanin mo na lang yung mga pinagdaanan mo noong kayo!" tumango ako kahit na hindi kita ni Marica





Alam na alam ko naman.





I've sacrificed a lot in our relationship. Lagi ko siyang iniintindi to the point na naiinis na sa akin sina Marica sa pagiging martyr ko. I embraced the toxicity that it became normal to me.





Umiling ako, it was hard to find a valid reason to break up with him.





Blessing in disguise na iyong pag-cheat niya at nag trigger sa akin na i-end yung relationship namin.





SCSU: Cleo - Worth Fighting ForTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon