Chapter 16
I sighed and look at my schedule, ang gandang bungad naman ng bagong taon. Hindi ako napunta sa gustong block na parehas kami ni Marica.
"At least pareho tayo ng schedule sa NSTP."
"Gaga, pare-parehas tayong lahat ng NSTP!" mas frustrated pa si Marica sa akin at hinagis ang phone.
Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na kaklase ko si Kristin sa top section habang sila ni Marica, Allan at Owen naman ang magkaklase.
"Either magpapakalunod ako sa acads or ikaw mag-adjust." biro ni Marica
"We can still have our group study before exams." lalo niya akong sinamangutan, magkaiba rin kasi kami ng break time at uwian.
She still can't get over the fact that we will be separated for months, aniya'y pagsisikapin niya raw mag-aral para magkasama na kami next semester. Kaya first day na first day ay nagyaya siyang mag-breakfast sa Mcdonald's, kumpleto kami at pati si Erika ay kasama namin. Maingay ang lahat at naghahabulan magkwento.
"May nananahimik oh." nginuso ako ni Owen at lahat sila ay napatingin sa akin.
"What? Alam niyo namang busy kami sa kambal kaya hindi kami nakapagbakasyon, sige iv-vlog ko kapag meron."
"Tell us the tea about Manu." si Erika
Natigilan ako sa pag-inom ng iced coffee, ganoon din si Marica sa pagkain niya.
"What about him?"
"Ang tahimik niya kasi, no sign of dating. Balita ko rin umuwi siya before New Year, you think he scored with someone?"
"Ano yun? Unang paputok sa bagong taon?" tumawa ng malakas si Owen, halos masamid naman si Kristin sa narinig, to the rescue naman agad si Allan sa pagbigay ng tissue.
"Wala naman siyang nakukwento pero kayo pa ba? Parang mas may alam pa kayo kay Manu kaysa sakin eh."
"Sabagay, hindi lang siguro kami sanay na walang nakikitang babae si Manu." kibitbalikat niya at may tinanong kay Owen, nagtagal ang tingin sa akin ni Owen bago ibaling ang buong atensyon kay Erika. Nagtinginan kami ni Marica, alam ko na agad ang iniisip niya.
Manuel Rivero:
Wala ka na sa unit mo?
Naglalakad na kami papasok sa SCSU nang nireplayan ko si Manu, alam ko mamayang hapon pa ang first class niya at hindi naman niya yun papasukan kaya hindi ko siya sinabihan.
I changed his name on my contacts few days ago, ayaw kasi niyang tinatawag siya ng Manuel.
Manuel Rivero:
Paano yung pinalagay kong tocino sa ref mo? Lulutuin sana natin ngayon.
Ngumuso ako at mabilis na nagreply
Ako:
Hindi ko naman alam na almusal mo pala yan, edi sana kinuha mo kagabi.
Manuel Rivero:
K. Mamayang dinner na lang. SCSU ka na?
Nag-reply ako ng "oo" at kahit na mabilis na nag-beep iyon para sa panibagong reply niya ay mas tinuon ko ng pansin ang titig ni Erika sa akin. Ngumiti ako at tinaasan siya ng kilay, umiling siya at kinausap ulit si Marica.
BINABASA MO ANG
SCSU: Cleo - Worth Fighting For
Teen FictionSCSU: Cleo Alouriz Gervacio A story of two best friends who always have each other's back no matter what's in between them. In the midst of college struggle and personal problems, Cleo and Manu always find themselves comforting each other. But some...