Chapter 15
I was never bored for this year's holiday but my friends are. They're always visiting me because of the twins and my Mom favors that, iniisip niyang malungkot ako at nabobored na buong araw sa bahay dahil wala si Manu.
"There's a firework display tonight and guess what?" nagtaas ako ng kilay kay Marica na may kinuha sa bag.
"Free tickets baby!" winagayway niya pa ang apat na ticket na nandoon. Tumigil ako sa pagbabasa at inagaw 'yun sakanya
It's a pyromusical competition in MOA and I can't believe Marica have these tickets! Gustong-gusto kong manuod kaso wala akong kasama dahil wala naman si Manu, hindi ko alam na interesado rin pala sina Marica dito
"I invited Owen but unfortunately, he's in New York to celebrate New Year and Manu's in Spain so we decided to invite Conor instead!" Marica clapped her hands out of excitement but I nearly digest the information she just said
"So it would be me, Echo, you and Conor. Double date!"
"What? I don't mind being a third wheel, Can. Baka busy si Conor."
"Pero tinanggap niya so ibigsabihin hindi siya busy!"
"Fine... but this is not a double date Can. Ayokong ma-awkward si Conor."
"Eh ano yung mga labas labas niyo? Joke time lang?" bumugtong hininga ako. Aware si Marica sa mga labas namin ni Conor kahit hindi ako nagkukwento masyado. It's just friendly hangouts because I enjoy his company and I don't like that they think of it as a date already.
"Okay fine... ang hilig mo talagang mag-friendzone." napasinghap ako at binato siya ng unan.
"Friendzone my ass!" binato ko pa ulit siya ng unan, hindi matanggap ang paratang nya sa akin
"Bakit! Totoo naman! First, si Elize l then now si Conor! We shouldn't forget Man-"
"Ewan ko sa'yo! I don't friendzone them!" bulyaw ko at pumasok na ng banyo para makaligo na.
Totoo naman kasing hindi ko sila ni-friendzone kahit na ilang beses nang pinilit sa akin ni Marica. First kay Elizel, oo nag-usap kami noon sa Zambales pero wala nang nasunod after nun. Kay Conor naman, he's really fun to be with. I treat him as a friend at ganoon din siya sa akin. And I'm sure we are not on that stage.
It was two days before New Year. After NY pa ang dating nina Manu galing Spain kaya hindi talaga siya makakasama sa amin. I texted Conor while preparing for the event.
Conor Hansen:
Shoot! I'm sorry I forgot! Akala ko kasi hindi na tuloy since hindi naman natin napag-uusapan. We are already in Cebu :(
Napatigil ako sa pagsuklay para magreply.
Ako:
It's okay! No pressure naman, sayang kasi ang ticket. Happy holidays, Con!
Mag gagabi na kaya minadali ko na ang pag-aayos, hindi ko na nasabihan si Marica sa pagmamadali ko at for sure nandoon na yung mga 'yun kaya nag-grab na lang ako papunta.
"Oh, si Conor?" bungad ni Marica na may nilalatak na popcorn. Nginitian ko si Echo na dala ang bag ni Marica. Umiling ako at kinuha ang ticket sa kamay niya para makapasok na kami.
"Nasa Cebu na, nakalimutan."
"EH??? Sayang naman! Gusto ko pa namang makita ang reaksyon ni Man-" natigilan si Marica sa pagsalita dahil siniko siya ni Echo. Nakatikom agad ang bibig ni Marica at tumalikod sa akin dahil turn na niyang pumasok at suotin ang bracelet
BINABASA MO ANG
SCSU: Cleo - Worth Fighting For
Teen FictionSCSU: Cleo Alouriz Gervacio A story of two best friends who always have each other's back no matter what's in between them. In the midst of college struggle and personal problems, Cleo and Manu always find themselves comforting each other. But some...