Chapter 35
Nahihiyang tumango si Micah sa mga bati ng mga lalaki at pumasok sa kwarto.
"Natakot mo ata, bro." natatawang sinabi ni Echo na inilingan naman ni Manu. Natawa na lang din ako dahil mukhang ganoon nga ang nangyari, naka itim na sando pa kasi si Manu at mukhang taga-dito kung umasta.
"Bought you an ice cream, baka kasi may hangover ka." Inabot sa akin ni Manu ang oreo ice cream na kinuha nya sa refrigerator. Rinig ko ang simpleng pag-ubo ni Marica at paghila nya kay Echo para lumabas sa balcony.
"Thanks?" sabi ko habang sinusundan ng tingin sina Marica na palabas.
"Look." tumabi sya sa akin kaya medyo lumayo ako sakanya, to give him space but he stopped midway but still continued his talk. "I've been thinking a lot these past few days." Tumango ako, hence the no chat or text.
"There's a special clinic that offers prenatal paternity test, the result will be in a month." tumango ako, hindi ko alam na may ganoon palang process. I thought we have to wait for the baby to come out to get the result.
"I reached out to Allura about it, she said she's available next weekend."
"Ganoon ba sya ka-busy para patagalin yung test?" Nagkibitbalikat sya sa tanong ko.
"I don't want to know her whatabouts and I'm also saving." aniya at humilatay na sa sofa.
For sure mahal ang exam and in case man, mahal ang magka-anak. Can he handle it?
"Daddy Manu..." Tinignan nya ako ng masama, halatang hindi natutuwa sa pang-aasar ko sakanya.
"Oh wala sa mood si Daddy?" Lalong lumaki ang ngisi ko.
"Stop it. I'm having dirty thoughts." Kumunot ang noo ko, ngayon sya naman ang malaki ang ngisi habang ako naman ang nagtataka.
Napasinghap ako at tinampal sya sa braso nang naisip kung bakit nya nasabi yon.
"Then don't call me that unless you want to be scolded by Daddy..." Hinigit nya ako palapit sakanya at niyakap ako.
"Manu, ano ba..." Inalis ko ang kamay nya sa bewang ko kaso humilig sya at lalo akong niyakap.
"Let's stay like this for a moment, I missed you..." Kinagat ko ang labi ko at nagpaubaya na lang. I also missed him, hindi na ako sanay na hindi sya nakakasama araw-araw. These past few days have been hard for the both of us.
"You smell good." he said after resting his chin on my shoulder.
"No, I don't." Sinubukan kong lumayo sakanya, biglang na-conscious na ganito sya kalapit sakin.
"Please stay." he look drunk and helpless beside me that I remained still and turn the TV on to watch something.
BINABASA MO ANG
SCSU: Cleo - Worth Fighting For
Teen FictionSCSU: Cleo Alouriz Gervacio A story of two best friends who always have each other's back no matter what's in between them. In the midst of college struggle and personal problems, Cleo and Manu always find themselves comforting each other. But some...