Chapter 9

614 27 14
                                    




Chapter 9

Suspicions


I think Marica really want me to get drunk, followed by Owen who continuously pouring the tequila into my mouth. I slightly pushed him when I had enough, I held on to Conor's arm when I lost my balance.

"Woah! Tama na, Owen." I laughed at Owen who I think is tipsy. Kinuha ni Conor ang Cuervo kay Owen, he protested but he ended up on Conor's arm.

"Dalhin muna natin 'to sa couch, Cleo." he reached for my hand while his other hand is busy guiding Owen.

Tinignan ko si Marica, she gave me a go sign and proceeded dancing with Erika.

"Oh, anong nangyari?" si Kristin na bumalik pala sa couch kasama si Allan. They both looked at Owen who keeps on protesting that he's not drunk pero natisod sa couch.

"Mabuti pa mag-yosi na lang tayo Con para mawala amats ko." uupo na sana ako kina Kristin pero hinila ako ni Owen

"Halika dito, sama ka. Baka selosa ka eh." tumawa siya ng malakas habang nakayakap sa braso namin ni Conor.

"Dapat hindi mo na siya sinama, Owen." sabi ni Conor nang nakita akong nakakunot noo sa tabi nila.

"It's okay, doon na lang ako maghihintay." turo ko sa malapit sa entrance

"This will be quick." aniya

Tumango ako at hindi na ginawang big deal ang pag-yoyosi nila. Nasanay na ako kay Manu though I gave him a solution to use vape instead. Hindi ko lang alam kung sinunod niya.

I'm looking at a box of cigarette Owen gave me, kumunot ako sa bothering image. If I were them hindi na ako mag-yoyosi kung eto lang din makikita ko sa box.

Lumabas ang dalawang kaibigan ni Conor at tinatanong kung nasaan siya. Tinuro ko siya pero bago sila pumunta doon ay humingi muna sila sa akin ng stick.

"Cleo!" sabay-sabay kaming tatlong lumingon sa tumawag. It was Echo in the backseat of Manu's Subaru.

Mabilis niyang tinaas ang bintana at lumabas para puntahan ako

"Puntahan lang namin si Owen." tumango ako sa dalawa at hinarap si Echo na sinundan ng tingin iyong dalawang lalaki

"Kilala mo?" tanong niya, nakatingin pa rin.

"Uh yeah, naging kaibigan ni Owen." tumango siya at tinignan ang hawak kong sigarilyo. Tinago ko iyon sa likod ko at nag-iwas ng tingin.

"Nasa loob si Marica, iniwan ko muna saglit sa dancefloor kasi tipsy na si Owen." pagpapaliwanag ko kahit na hindi naman siya nagtatanong. Nahagip ng mata ko ang Subaru na kakapatay lang ng ilaw, lumabas si Manu doon na naka-white short sleeve button down shirt at black shorts.

Umikot siya pero ang mata niya ay nakatitig padin sa akin. I didn't expect him to be here. Si Echo, oo dahil nandito si Marica.

I thought he's busy with his Allura?

"Oh..." nakita ko palang ang heels na lumabas sa Subaru niya ay alam kong kasama nila si Allura. Binalik ko ulit ang mata kay Manu, nagkatinginan kami.

I smirked to tease him. Ipapakilala niya ba sa akin si Allura?

"Let's go?" napalingon ako kay Conor, tumango ako at inasar si Owen na mukhang nahimasmasan na

"Girl, aminin mo sa akin. May nilagay ka sa inumin ko no? Kaya ako nahilo?"

"Ang sabihin mo lang, mas malakas ako sayo." nagtawanan kami ni Conor kay Owen na mukhang na-offend

"Uh Echo, nasa may gitna yung table namin." natigil kasi sila sa entrance, may kausap si Manu sa counter

SCSU: Cleo - Worth Fighting ForTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon