Chapter 19

740 38 11
                                    


I'm sorry for being MIA hehe. Here's the update, happy reading!


Chapter 19



Sa awa ng Diyos, nakauwi kami nang hindi nagsusuka si Owen sa likod. Kanina pa kasi niya sinasabing nasusuka siya kaya binilisan ni Manu ang pagmamaneho at tinulungan pa ako hanggang sa pagpasok kay Owen sa guest room.



Dala-dala ko ang bag ni Owen na nakita ko sa backseat. May laman na mga damit kaya naisip ko na dalhin ito para bihisan siya.



"Ikaw ang magbibihis sakanya?" nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa kamay kong may hawak ng bag



"Kung hindi siya magigising, oo." sabi ko at tinanggal ang sapatos at medyas ni Owen nang walang pasabi niya akong tinulak palabas ng guest room at kinuha ang bag sa kamay ko.



"Ako na mag papalit sakanya. Call Marica and ask her where they are." Tumango ako at hinayaan na siya sa gusto niya.



I scoffed as I looked at the guest's room door, I know Owen is still a guy but he's my friend and he needs my help. Lumulitaw nanaman si Kuya Manuel tss.



"You want me to sleep here?" tanong niya nang pumasok ulit ako para icheck si Owen na may bagong shirt na.



Akmang tatanggalin na sana niya ang kanyang relo kaso piningilan ko



"Huwag na, matutulog si Echo sa condo mo diba?" tumango siya



"Baka nga magpasalamat pa siya kung sila ni Marica ang nando-" hindi ko pa siya pinatapos magsalita ay hinampas ko na sya sa braso



"You perv, umakyat ka na nga doon!" pinagtulakan ko na siya palabas ng condo dahil baka seryosohin nya pa na dito nga siya matutulog. Heck, tabi sila ni Owen kung ganoon!



Nagising si Owen at nagyaya pang uminom kaya napuyat kami ni Marica sa kakaawat at pamimilit na matulog siya. Kahit sobrang pagod at medyo tipsy na ay naligo muna ako dahil ayokong natutulog na feel ko ang dumi-dumi ko.



"Your phone keeps on ringing." Umungol si Marica at halatang gusto nang matulog kaso naiingayan sa phone ko.



"Sorry, tulog kana Can."



Kinuha ko ang phone at medyo nagulat pa nang makitang tumatawag si Conor. Nagdadalawang-isip pa ako kung sasagutin ko o hindi, pwede naman kasing magdahilan akong tulog na ako dahil 4am na rin.

SCSU: Cleo - Worth Fighting ForTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon