Chapter 6
Dare or double shot
"You can take a nap, gisingin ka na lang namin kapag kainan na." hanggang ngayon ay nakasunod pa rin si Manu sa amin, saglit lang niya akong iniwan kanina para puntahan sina Maddy pero agad ding bumalik at nakisama na sa inuman nina Echo.
Nakabalik na kami at nasa kanya-kanyang kwarto na para magpahinga saglit. Magkakaroon kasi ng boodle fight mamaya at magpre-prepare ang lahat.
Gusto ko sanang sumama kaso pinipilit ako ni Manu na matulog na lang, umirap ako at tinignan ang mga kaibigan ko ay nagkukunwareng walang naririnig sa bangayan namin at kanya-kanya sa mga phone pero alam kong nakikinig sila at nagtitinginan.
"Fine, I'll take a nap pero gisingin niyo ko kapag lalabas na kayo." hinarap ko si Marica na bagong ligo. Ngumisi siya at tinignan si Manu na nakaupo sa tabi ko
"Ang kulit mo talaga. As if naman may maitutulong ka doon." singit ni Manu kahit hindi siya ang kausap ko. Umirap na lang ako at tinalikuran siya.
I am indeed tired. Nakatulog kaagad ako kahit na maingay sila.
"Assholes." bulong ko sa sarili nang nagising akong mag-isa na sa kwarto, hindi ako ginising ng mga walang hiya!
I am wearing black high-waist shorts and white halter top. Tinali ko ang buhok ko ng bun at minura muna si Marica sa text bago bumaba.
"Oh? Akala ko mamaya ka pa magigising?" lumabas si Elizel ng kwarto nila at mabilis na naglakad para mahabol ako
"Dapat kanina pa nga eh."
"Okay ka na ba? I was about to help you kaso pinigilan ako ni Marica." tumango ako, isa si Elizel sa nag-akyat sa akin sa yate noong nahulog ako
"Oo, okay na ako... Thank you pala." ngumiti ako. I can see him staring at me until we went outside the resthouse, where our friends at.
May mga naghiyawan nang nakita kaming papunta. Kumunot ang noo ko sa mga kaibigan kong may ibigsabihin ang ngisi.
"Problema nyo?" umiling lang sila pero nakangisi parin
"Nakakarami ka ata ngayon ah." pang-asar ni Owen at sumigaw sila ng sana all kaya napatingin ang lahat sa amin.
"Para kayong mga tanga. Baka gusto niyo munang sabihin kung anong meron?"
"We won't spill it."
"Basta ako, gusto ko yang beauty mo!" kinurot pa ni Owen ang braso ko.
Mabuti naman at nanahimik din sila nang nasa lamesa na kami. Bigla akong nagutom sa mga pagkaing nasa harap.
Puro malalaking hipon, talangka at inihaw na isda ang nasa banana leaf. Punong-puno iyon at may mga side dish pa like talong at kamatis. Topless ang iilang mga lalaki kaya enjoy na enjoy si Owen sumusubo ng kanin.
We are laughing so hard at Owen, nanliliit kasi ang mga mata niya sa mga lalaki sa harap habang sumusubo ng pagkain with matching pagdila pa ng labi. Sumabay din si Marica sabay tingin kay Echo kaya todo ang asaran sa hapag.
May nilagay na hipon si Elizel sa harap ko, he gestured me to eat it. Nginitian ko siya at tinignan ang hipon.
Allergic ako sa hipon pero hindi ko alam paano iyon sasabihin.
Nagtinginan kami ni Manu na mukhang nakita niya ata ang nangyari. I smiled at him to let him know that I won't eat it. Ayokong mamantal ang katawan ko lalo na't wala akong dalang gamot.
"Oh ayaw mo ng hipon?" puna ni Elizen nang sumubo ako at hindi pinansin ang hipon.
Ngumunguya pa ako nang umiling sakanya, sasabihin sana na allergic ako sa hipon nang biglang tumayo si Manu. Pinagmasdan ko siyang pumunta sa likod ko at kinuha ang hipon.
BINABASA MO ANG
SCSU: Cleo - Worth Fighting For
Teen FictionSCSU: Cleo Alouriz Gervacio A story of two best friends who always have each other's back no matter what's in between them. In the midst of college struggle and personal problems, Cleo and Manu always find themselves comforting each other. But some...