Chapter 22

627 29 9
                                    




Chapter 22





"Uhm... Kuya is she mute?" bulong noong babae kay Arran pero narinig ko dahil sobrang lapit niya sa akin. Umiling siya at inayos ang damit nang nakabawi na.





"Sorry, she's mistaken you for someone. We must go now, Kalli..." Arran put his hand on the girl's back to guide her away from us habang kami ni Marica ay nagkatinginan.





"He's hitting on you." Marica declared and started to walk towards our friends.





Akala ko magaling si Marica magbasa ng mga tao kasi pakiramdam ko hindi talaga ganoon ang sadya ni Arran Andraste and I remember the girl who's also with him earlier at school, she introduced herself to me as a what? Cousin?





Sumunod ako sakanya nang napansin kong I'm phasing out too much at naabutan sa couch na hinihila si Manu ng dalawang babae para tumayo.





Umiiling si Manu at pinapakita ang kanyang inumin sa mga babae, tumikhim ako at nakipagbeso sa mga bagong dating na mga kakilala. Tahimik akong umupo sa tabi ni Marica at nakinig na lang sa mga usapan nila nang nagkatinginan kami ni Manu, mukhang nakuha ni Thane ang atensyon ng mga babae kaya nakatakas si Manu at lumapit sa akin.





"Having fun?" he asked as he sipped his drink. I asked for one glass from his friend and he gave it to me.





"Okay lang naman, hindi lang namin makausap si Owen." malungkot na sabi ko pagkatapos ay inubos ang baso ng jack coke.





"So they'll sleepover at your place later?" tumango ako at namangha na alam niya agad ang plano namin kahit na hindi ko pa nasasabi sakanya.





"Then I'll be sleeping at my place tonight." napaahon ako ng upo at nilingon siya, ngumisi lang siya at tinaas ang baso sa akin bago ubusin.





Napairap ako. Baka nakakalimutan niyang may unit din siya kasi halos pagliligo at bihis lang ang pakay niya sa unit niya.





May tumabi sa kabilang side niya para mangamusta at i-congratulate siya sa game kanina habang ako naman ay naagaw ng pansin nina Owen.





They started hyping our crowd with their shots and screams, I tried so hard to resist them but Owen is persistent but Manu immediately grabbed my shot as he still talks with his friends.





"Dito ka nga, Cleo. Sabing wala munang clingy eh!" pagpaparinig ni Owen sa kawalan pero alam kong si Manu ang pinapatamaan niya. Hinila niya kaming dalawa ni Marica palayo sa mga boys at pinaupo sa kabilang side ng sofa.





Dahan-dahan kong inuubos ang binigay na cocktail para hindi nila ako bigyan ulit habang si Marica at Owen naman ay nag-uunahan sa mga shots.





Napatalon ako nang biglang pumalakpak si Marica na parang may naalala.





"Sis! We met Arran and he's obviously hitting on our friend here." Marica put her hands infront of me and waves her finger, umiling ako at binaba iyon. Owen started screaming and intrigued about Arran Andraste.





"Oh tama na, masama na yung tingin ng isa doon." puna ni Kristin at nginuso ang katapat namin. Hindi na ako nag-effort na tumingin pa doon dahil alam ko namang si Manu ang tinutukoy niya.





"You want me to help with your drink?" biglang lumitaw si Conor sa likod ko, nakasandal sa couch at sobrang lapit ng mukha sa akin.





SCSU: Cleo - Worth Fighting ForTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon