Chapter 27

393 20 4
                                    

Chapter 27

Flipped


Tinatawanan na lang namin iyon ni Kristin habang si Marica naman ay napipikon na at gustong isa-isahin ang mga nagtatanong sa akin sa Instagram at Messenger.


Wala kasi kaming pasok ni Kristin kahapon at mayroon sina Marica kaya alam niyang kalat na sa buong campus na nabuntis "daw" ako. Hindi ko naman alam na ganoon pala kalala ang sitwasyon, may nagtanong pa nga kung si Klaus ba ang ama na agad ko namang sinagot.


"At hindi ako nabuntis, those are my siblings." habol ko at pinakita ang photo ni Mama buhat ang kambal pagka-anak niya, nilakasan ko na ang pagsagot sa kaklase para marinig sa buong classroom.


I guess that will solve the problem.


Lumabas na si Marica sa classroom nang dumating ang lecturer namin. May post-test kami sa major subject ngayong araw at nagsimula na ang pressure para sa Qualification Exam ng mga Accountancy students.


"Balita ko madami raw bumagsak dito last year at lumipat ng course?" stress na si Marica nang magkita kami after class. Hindi na ako umimik dahil alam kong nangyari nga 'yan last year at sinabi rin ni Vincent na ganoon talaga ang program ng school dahil sa CPA Licensure Exam.


Nakikinig lang ako sa mga chismis nila sa exam nang mapansin kong napapalingon ang mga ibang estudyante sa amin at magbubulungan kapag nakikita ako. Nag phone na lang ako at binalewala 'yun.


"I think the spotlight loves you." bulong ni Kristin nang ilang araw na ang lumipas ay hindi pa rin humuhupa ang usapan.


Tambay kami ngayon sa library habang hinihintay na matapos ang klase nina Marica, napag-usapan na mag coffee shop after class para magsimula nang mag-aral ng mga topics sa exam.


Lumipat ako sa couch ng library, malapit lang sa table namin ni Kristin nang biglang may umupo sa tabi ko. Susungitan ko na sana at tatayo na nang makitang si Conor iyon. Medyo gulat pa ako dahil ang tagal na naming hindi nagkikita, madalas puro chat at kamustahan lang.


"Nag-aaral din kayo for the battery exam?"


"Quali ang tawag sa amin pero sa ngayon, tambay muna kami. Hinihintay sina Marica."


"Oh right, hindi pala kayo magkaklase." medyo may napalingon sa amin, siguro naingayan kaya lalong lumapit sa akin si Conor at bumulong.


"How are you, by the way? I heard the rumor and I tried my best to explain it to my friends."


"Absurd, right? Pregnant without the belly bump at sino naman ang ama?" natatawa kong sabi at umiling na lang.


"Huh? Iba naman ang nalaman ko, there's also rumors circulating about you and Manu, which I think are true?" nagtaas ng kilay sa akin si Conor, hindi ko alam kung seryoso ba siya dahil sa ngisi niya.


"Rumors of?"


"You guys are a thing? Some girls knew that I was courting you but they know that you're sleeping in his condo."


"What?" Hindi ko alam kung saan ako mas magugulat. Conor is courting me? When did he say that? Or kailangan pa bang sabihin? But we are not seeing each other for weeks and he knows that I'm not ready for a relationship.


"I corrected her that we are just friends. Yes, gusto kita kaso alam kong hindi ka pa handa but I don't think I can vouch you on the latter part, knowing your friendship with him." tumango ako, I am amazed how Conor managed the situation. He's open minded and didn't conclude any maliciousness on the situation.


SCSU: Cleo - Worth Fighting ForTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon