Chapter 5

725 28 6
                                    

Chapter 5

Drown


"Hello good morning!!" bungad ni Marica nang binaba kami ni Tita sa McDonald's kung saan ang meeting place namin.


Inasar kaagad siya kay Echo na kinuha ang gym bag niya at pinaupo kami sa malaking lamesa nila.


Ngumisi ako at tahimik na lang na umupo, tinignan ko ang mga makakasama namin. Mukhang madaming ma-le-late ah.


Humikab ako at ginawang unan ang gym bag na pinatong ko sa table, it's eight AM at mas excited pa akong matulog ulit kesa sa outing.


Hinayaan kong lumandi si Marica sa tabi ko, hinihintay sina Allan at Owen para sabay-sabay kaming sisigaw ng "sana all".


Hindi pinayagan si Kristin dahil uuwing province kaya ako, Marica, Allan at Owen ang sumama. Sapilitan pa si Allan dahil hindi naman niya gaanong ka-close yung mga kasama.


"KJ ka talaga ng dekada!" angal ni Owen nang nagkita-kita kami kahapon sa cottage, ayaw pa kasi ni Allan sumama. Bakit daw kay Kristin, hinayaan namin na huwag sumama pero kapag siya pinipilit pa namin.


"Kasi alam naming tinatamad ka lang!"


Gusto rin kasi naming mag-unwind at i-enjoy ang long weekend dahil bugbog nanaman kami sa finals! Iyon din ang dahilan kung bakit sumama si Allan with matching death threats namin of course.


"Cleo, breakfast?" I groaned and just gave a thumbs up to whoever that person is. I'm too sleepy to eat, tska na lang sa Zambales.


Nagising ako sa ingay ni Owen at Allan. Apparently, iniimpluwensyahan ni Owen si Allan pagdating sa mga lalaki but I think Allan is not interested. Hinahayaan na lang ni Allan si Owen mag nguso-nguso ng mga makakasama naming lalaki.


Mas madami nga ang mga lalaki kesa sa babae, I think we are more than twenty or more.


Dala ng mga lalaki ang kanya-kanyang sasakyan, Echo offered us a ride kaya hindi nagdala si Owen. Aniya'y mas enjoy kung sama-sama kami.


Malapit na raw ang mga na-late kaya lumabas na kami nag-aayos sa trunk ng SUV ni Echo.


Ako ang unang pumasok dahil gusto kong tabi ako ng bintana nang nakita ko ang Subaru ni Manu na paparating.


"Matagal sigurong kumilos yang si Maddy." puna ni Owen nang tumabi sa akin, tinitignan din sina Maddy, Syril at Llyra na lumabas sa Subaru ni Manu.


"Feel na feel ni Lola mo!" sigaw ni Owen at nanggigil sa kaartehan ni Maddy makipagbeso sa mga kasama naming babae.


"Feel niya ata first lady siya kasi kasama si Manu?" Marica scoffed and Echo just laughed at our judgements towards Maddy and her group


"As if! I bet she would just last a week with him." tinampal ko ang braso ni Marica para manahimik. Nakakahiya kay Echo baka sabihin na pangit ugali namin.


Gusto ng lahat na sabay sabay kaming aalis at mukhang bibili pa ata sila ng pagkain sa Mcdo, umangal ulit si Owen na late na nga sila, magpapahintay pa lalo.


Ngumisi ako at sinuot na lang ang airpods ko, may balak na matulog sa dalawang oras na byahe.


Maya-maya ay kinalabit ako ni Owen, hindi ko siya pinansin kaya tinanggal niya ang isang airpods ko.


"Is Cleo here?" rinig ko ang boses ni Manu kaya nagpakita ako sakanya. Nagtaas ako ng kilay at may inabot siya sa aking breakfast meal.


"Uh thanks?" tumango lang siya at bumalik na sa Subaru niya kung saan naghihintay si Megan sa labas.


SCSU: Cleo - Worth Fighting ForTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon