Note:
Jeanette "Jean" Gervacio - Cleo's Mom
Lyana Rivero - Manu's younger sister
Sorry for the confusion hehe. Enjoy reading!
Chapter 14
Dating
We stayed in that position for a minute, siya nakayuko sa harap ko at ako naman na pinaglalaruan ang buhok niya. I want to be brave and ask him what the hell is he talking about but I'm scared of his answer. Hindi rin siya nagsasalita kaya lalo akong natakot na basagin ang katahimikan.
Three knocks on his door before it opened, revealing Lyana, his younger sister. I immediately pulled myself from Manu's hold and went to Lyana.
"You're really here!" pumasok siya at mabilis akong niyakap. She became really tall . 5'7'' ako pero hanggang balikat ko na siya and she's just fifteen years old! Sabagay, magkapatid sila ni Manu kaya no wonder kung matangkad din itong si Lyana.
Hinila niya ako palabas ng kwarto dahil gusto niyang sa kwarto niya kami mag-usap tulad ng nakasanayan. Nilingon ko si Manu na tahimik na nakaupo parin sa kama at pinagmamasdan ang mga kamay, ni hindi na kami tinignan na paalis sa kwarto niya.
Tinawag kami ng kasambahay nila dahil malapit nang mag twelve noon. Nasa hallway kami ni Lyana nang saktong palabas si Manu ng kwarto niya. Nagkatinginan kami saglit bago ako nag-iwas ng tingin. It was a glimpse second but he looks weary, parang ang laki-laki ng problema niya.
I've been close to the Naval, Tita Leah's family name, for more than a decade so I know almost all of their relatives but all of them are in Pampanga kaya tuwing summer break lang sila nakakasama.
Their cousins are all shocked when they saw me beside Lyana. Halos lahat sila ay lumapit at niyakap ako.
"Woah, may igaganda ka pa pala." Kael said after hugging me, umirap ako sakanya at tumawa. Partner sila ni Manu sa pag-asar sa akin noong mga bata kami but Manu would eventually stop and protect me from Kael if he's getting out of the line.
Compare kay Manu, mas aggressive kasi itong si Kael. He's also competitive and hotheaded kaya madalas silang mag-away ni Manu noon.
Tita Leah's insisted me to seat beside her as we gather to have a light meal to celebrate Christmas. Nagtext ako kanina kay Mama na nakina Manu ako at ngayon ay nagreply na siya. I replied with a Christmas greeting, ganoon din ang ginawa ko kay Tito Lester at kina Marica na advance akong binati.
"Oh nandito na si lover boy!" pag-aasar ni Kael kay Manu. Alam ko magkasunod lang kami ah pero bakit natagalan siya?
Ngumisi siya kay Kael at nag-apir silang dalawa bago umupo sa tabi ko. Napanguso ako sa naamoy kong pabango galing sakanya, kanina na sobrang lapit namin ay hindi siya ganito kabango.
Don't tell me he wants to smell this good for Jesus' birthday?
Napangisi ako kaya napatingin siya sa akin nang nakataas ang kilay. Umiling ako pero abot-abot ang ngiti ko.
"What's funny?" umiling ulit ako at tinignan ang mga tao sa lamesa. They are all busy talking about something and here we are, having our own world like what we used to do when we were younger.
Alam niyang hindi ko siya sasagutin kaya ambang kikilitin niya ako pero agad kong nahuli ang kamay niya. He paused so I paused too, nagkatinginan kami at doon ko lang napagtantong sobrang lapit pala namin sa isa't-isa.
Medyo naka-forward siya sa akin kaya madali siyang na-out of balance at nang naramdaman ko ang kamay niya sa bewang ko ay natigilan ako.
"Sorry..." mabilis siyang umayos ng upo at kumuha ng pagkain sa harap na parang walang nangyari
BINABASA MO ANG
SCSU: Cleo - Worth Fighting For
Teen FictionSCSU: Cleo Alouriz Gervacio A story of two best friends who always have each other's back no matter what's in between them. In the midst of college struggle and personal problems, Cleo and Manu always find themselves comforting each other. But some...