Prologue

2.7K 48 1
                                    

Prologue

"Come on, Cleo. Don't be this hard, pinagtitinginan na tayo." sabi ng magaling kong boyfriend





"Saying sorry doesn't mean you should be forgiven, Klaus." umirap ako at nagpatuloy na sa paglalakad, palayo sakanya but clearly he doesn't know that concept. He keeps on following me kahit na ilang beses ko nang sinabi na ayaw ko munang makipag-usap.





Nasaan na ba ang mga kaibigan ko? Ang sabi nila ay nasa pavilion lang sila pero naikot ko na at wala naman sila!





"Come on, hindi mo makikita si Marica dito." nilingon ko siya at tinaasan ng kilay. Paano niya nalaman na si Marica ang kikitain ko?





"Sinabihan ko si Peter na siya muna ang bahala kay Marica para makapag-usap tayo." Pumikit ako ng mariin at hinarap na siya ng tuluyan. Nilingon ko ang paligid, finding a decent spot for us to talk.





Dumiretso ako sa pinakadulong plant box at umupo sa likod ng puno. Giving us an overlook of the campus. This would be a romantic scenery but with my patience right now? Papasa na 'to para sa suspense movie.





Tatlong araw siyang walang paramdam sa akin, dinadahilan ang "soccer training" nila tapos bigla na lang siyang susulpot na parang walang nangyari? Na kung hindi niya pa napansin na galit ako ay hindi siya mag-so'sorry?






I bet hindi niya alam kung anong kasalanan niya? Tatawa-tawa pa siya sa mga nakakakilala sakanya at magbabago ang mukha kapag ako na ang kaharap. Mapapairap ka na lang talaga!





"Ano bang problema natin?" panimula niya nang umupo siya sa tabi ko





See! Hindi niya alam kung anong mali!

Lumayo ako ng kaunti at humarap sakanya. Sa totoo lang napapagod na akong intindihin siya. Alam kong mahalaga ang soccer sakanya, iyon ang gusto niya pero nakakalimutan niya na atang may girlfriend siya. He would rather spend time with his teammates and drink beer than be with me.

Ni hindi nga siya nagpapaalam, malalalaman ko na lang sa text na nasa inuman sila pagkatapos ng practice. Hindi ko alam kung sino ang mga nakakasalamuha niya, hindi siya nag-u'update. He's having fun while I'm working my ass off, studying.

Alam niya atang nainis ako sa sinabi niya kaya nag-isip siya.

"Come on... Kakatapos lang ng intense practice namin tapos gumaganyan ka..." lambing niya sabay huli ng siko ko, agad ko namang iniwas iyon at tinignan siya ng matalim. Intense practice my ass!





"Oh ano pala yung story ni CJ sa Instagram niya? Kagabi lang iyon ah. Don't tell me, umiinom siya habang kayo may pa-"intense practice"?" sabi ko tinutukoy iyong captain nila na nasa bar lang kagabi. Wala siya sa story pero alam kong magkakasama sila! Siguro sinabihan na huwag siyang kuhaan dahil makikita ko.





Well, sorry Klaus. Hindi ako tanga para malaman kung anong ginawa mo. I'm so fed up with all his  bullshit.





Natahimik siya at napakagat ng labi. Those lips that probably taste some girls' last night, nakakadiri.





"Let's get this over with. Maghiwalay na tayo tutal you are acting like you don't have a girlfriend of two years at mukhang wala ka namang kunsensya sa mga pinanggagawa mo." magsasalita na sana siya para mag-explain dahil mukhang nagulat sa huling sinabi ko pero inunahan ko na.





"Clearly, sa ating dalawa, ako lang ata ang gumagamit ng utak. I know what you are doing most nights, hindi na kailangang may magsabi sa akin. Overnight at some other girl's condo, using your teammates as your excuse. Come on, Klaus. Saan ba naka-imbak yang kokote mo para hanapin natin? Tanga na lang maniniwala sa'yo."





SCSU: Cleo - Worth Fighting ForTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon