Chapter 20
"Hey, Cleo." natigil kami sa kwentuhan ni Kristin sa paglapit ni Conor sa amin sa pavilion.
"Oh, Conor!" nilingon ko ang mga tao sa paligid. Talagang napapalingon mapa-sino pagdating sakanya. Ngumuso ako at binalik ang tingin sakanya na umupo na pala sa tabi ko.
Tumikhim ako at umusog ng kaunti dahil hindi ako kumportableng nasa amin ang atensyon ng mga tao. Napansin niya kaya napatingin din siya sa kung saan ako nakatingin at tumikhim din nang makita ang dami ng taong sinusubaybayan ang bawat galaw niya.
"Are you avoiding me?" diretsong tanong niya at mabilis kong inilingan.
"No I'm not avoiding you Conor. Busy lang talaga." sabi ko dahil napansin ko kasi na masyado naman akong defensive sa unang reaksyon ko.
"I'm really sorry about that night, I was too drunk and stupid."
"You don't need to explain, Con. Okay lang talaga sa akin." sabi ko at mas iniisip si Owen. He's pretty hurt that night at kahit na pinipilit niyang ipakita sa amin na okay siya ay alam kong nasasaktan padin siya.
"How 'bout I make up to you? Let's have buffet dinner later?"
"Can't, may usapan kami nina Marica." pagpapalusot ko kahit na wala talaga kaming plano.
"How about the other day? Weekends?" umiling ako, alam niyang hindi ako gumagala kapag weekends dahil nakalaan iyon sa family ko.
"Next time, Con. I'm pretty sure busy ka rin." hindi pa rin kasi tapos ang sportsfest at alam ko hindi pa sila natatalo at malakas ang chance na umabot sila ng finals tulad ng Institute namin.
"Hi Conor! Layo ng building nyo ah?" kahit malayo palang ay rinig ko na ang boses ni Owen. Nauna siyang nakapunta sa table namin at iniwan na sina Marica na may nakitang kakilala at nakipagkwentuhan pa.
"Uh yeah, no game today and came here to check the booths."
"Ikaw lang mag-isa? Gusto mo samahan kitang maglibot? May alam akong masarap na shawarma." puno ng enthusiasm sa tono ni Owen at kulang na lang hilain niya ito patayo pero agad itong tinanggihan ni Conor.
"'Wag na, I'll just go to my teammates." aniya at nagpaalam na sa amin.
"Oh bakit umalis agad si Conor?" tanong ni Marica na kadarating lang, walang sumagot sa amin ni Owen kaya si Kristin ang si Kristin ang nag-kwento.
Pinagmasdan ko si Owen na tahimik sa tabi habang nagpplano ng gagawin para sa buong araw sina Marica. Usually, siya yung pasimuno sa pagpa-plano pero dahil sa nangyaring pag reject ni Conor ay tahimik siya.
"You okay?" tanong ko sakanya dahil kanina pa siya walang kibo.
"Ang tahimik mo ah? Need mo ata ng bagong lalaki!"
"Sa tingin ko nga, tara nga Cleo!" hinila niya ako patayo at sumunod naman sina Marica sa amin na tumatawa.
"Bakit ako? Dapat si Erika!" hindi niya ako pinansin at tuloy-tuloy kami sa mga booths.
BINABASA MO ANG
SCSU: Cleo - Worth Fighting For
Teen FictionSCSU: Cleo Alouriz Gervacio A story of two best friends who always have each other's back no matter what's in between them. In the midst of college struggle and personal problems, Cleo and Manu always find themselves comforting each other. But some...