Chapter 11Daddy
Conor's team won. Kahit na madaming lumapit sakanila sa munting tagumpay ay nagawa niya pa akong hanapin at lapitan.
"Usapan natin, Clei ah." aniya pagkalapit sa amin. Tinapik siya ni Thane sa balikat at pinuri siya pero ang mga mata ay nasa akin pa rin, naghihintay ng sagot. Ngumiti ako at tumango sa kanya.
"This is only a practice game, kung nandito lang si coach papagalitan ka nun." narinig kong sabi ni Echo sa kausap, napatingin ako sa katabi niyang si Manu na umiinom ng gatorade. Nagkatinginan kami, lalapitan ko sana siya pero inirapan ako!
"Aba!" Ayaw na ayaw ni Manu ang nalalamangan, it's his pride speaking right now kaya malamang bad trip 'to.
"Ang galing mo, Con!" puri ni Marica
"Hindi ko alam na magaling ka pala." malaki ang ngisi ko sakanya, parang na-offend siya sa sinabi ko at kinurot ang pisngi ko
"I'm good at everything."
"Oh? Pero hindi halata, parang tambay ka lang sa club." pang-aasar ko sakanya
"That's because you only see me in clubs. Tignan mo na lang sa date natin kung gaano ako kagaling sa lahat ng bagay." tumawa ako at tinaasan siya ng kilay. Kahit na nagulat ay pinakita kong parang wala lang iyon sa akin, I even pushed him slightly.
"Totoo! Sa date nga natin..." panunuya niya, aasarin ko sana siya na hindi pa ako um-oo sa gusto niyang date kaso naramdaman ko ang pananahimik nina Thane.
Seems like lahat sila ay narinig iyon, kahit si Marica na nasa tabi na ni Echo ay iba ang tingin sa akin.
"Balik na ako dun, came here just to confirm it." he winked at me before turning his back and jogged back to his teammates.
Naabutan kong nakangisi si Echo kay Manu na nakatalikod sa akin, nag-aayos ng bag. Nilingon ko si Allan na naiwang mag-isa sa bleachers, hindi bumaba dahil hindi naman ka-close ang mga players.
"Can, samahan ko lang si Allan sa taas. Hintayin ka namin." hindi ko na hinintay ang sagot niya at dumiretso na ako kay Allan na nakatutok sa phone niya.
Nang nakita niya ako ay mabilis niya iyong tinago at umubo, nagtaas ako ng kilay sakanya habang siya naman ay hindi makatingin sa akin.
"Nakauwi na raw?" kahit naman hindi niya sabihin ay alam kong si Kristin ang ka-text niya. Tumango siya at umayos ng upo.
"I'm planning to confess to her this weekend."
"It's up to you, Lan. Kung kailan ka ready, wala namang nagmamadali." dumating na si Marica kaya nanahimik na kaming pareho.
I really enjoy Conor's company, he can make me laugh even through text and that's the reason why I agreed to date him tomorrow. Yes tomorrow, agad-agad dahil wala naman kaming gagawin at kailangan kong umuwi agad this Friday.
He's planning to dine in at his favorite steak house in Vertis on Friday then we'll proceed to the opening of his brother's club but I promised my Mom and Tito Lester to go home that day that's why I agreed to just do it tomorrow instead.
I wore a sleeveless floral dress and matched it with a denim jacket and Gucci shoes Manu gave me as his pasalubong from Spain. Ayoko sana 'tong suotin dahil alam kong mahal pero sobrang dumi na ng mga ibang white shoes ko kaya wala na akong choice.
Nasa baba na raw si Conor at hihintayin na lang ako sa sasakyan kaya mabilis akong lumabas at pinindot ang lift. Mabuti naman at may pababa na at mabilis akong nakasakay pero natigilan ako nang makita si Manu na naka-jersey at may dalang gym bag sa bandang dulo ng lift.
BINABASA MO ANG
SCSU: Cleo - Worth Fighting For
Teen FictionSCSU: Cleo Alouriz Gervacio A story of two best friends who always have each other's back no matter what's in between them. In the midst of college struggle and personal problems, Cleo and Manu always find themselves comforting each other. But some...