Chapter 17
"Wala nga, Owen..." kaunti na lang masasapak ko na 'tong si Owen sa kakulitan niya. Nakapag-almusal na kami't lahat lahat pero hindi parin siya matigil sa pag-iintriga sa amin ni Manu.
Etong Marica naman na 'to nananahimik at ayaw akong tulungan.
"Wala pa?" nanlisik ang mga mata ni Owen at lalong lumapit sa akin
Sasagot na sana ako ulit nang nahuli ko ang ekspresyon ni Manu na nakangisi habang pinapanood kami.
"Just get the guy already, she's not interested."
Medyo naguluhan pa ako kung sino ang sinabihan ni Manu pero nang makita ko ang pagbabago sa ekpresyon ni Owen ay nanliit ang mga mata ko
"You like Conor?"
"Huh?! Hindi ah!" halos isigaw na iyon ni Owen at nag-iba ng pwesto
Nagtinginan kami ni Manu, tumango siya sa akin at ngumisi.
"Ayan, ikaw tuloy yung nabuking." bulong ni Marica kay Owen pero narinig ko
"W-what? Kailan pa? Paano?"
"Crush lang naman! Sino bang hindi magkakagusto sakanya? Huh?"
"Si Cleo." binatuhan ko ng throw pillow si Manu na agad naman niyang nasalo
"Kahit na hindi niya sabihin sa akin, alam kong may gusto siya sayo pero tangina girl! Hindi ako makapaniwala na wala kang gusto sakanya!"
Nagkibit-balikat ako, siguro nasanay na ako kay Manu kaya malaya akong nakakagalaw kapag kasama si Conor.
"Bakit kasi hindi ka pa mag-confess sakanya, gustong-gusto mong sinasaktan sarili mo. Pasabunot lang ng one time." sabi ni Marica na parang ang tagal niyang naghintay para sabihin iyon kay Owen
"I want us to be friends, alam ko naman na hindi ako magugustuhan nun."
"Kaya pinipilit mo siya sa akin? Ganoon?"
"Oo para matanggal na 'tong infatuation ko sakanya!" sinabunutan ni Owen ang sarili niya kaya pinigilan namin siya ni Marica
"Hindi ko man lang nahalata na may gusto ka kay Conor..." bulong-bulong ko pagkatapos ikwento ni Owen sa amin ang lahat - kung paano sila nagkita ni Conor sa club, mga labas nila.
"Manhid ka kasi." tinignan ko ng masama ni Manu.
Etong lalaki na 'to, walang ibang lumabas sa bibig niya ngayon kundi puro pang-aasar sa akin. At may lakas ng loob pa siyang irapan ako at nagpatuloy sa paglaro ng PS4 niya!
"Iinom na lang natin 'yan!" ang gandang suggestion, Marica
"Talaga girl! Pagkatapos ng prelim exams!!!"
Umiling na lang ako sakanila, mabuti at inuuna na nila sa wakas ang acads bago gala.
"Ang hirap Cleo! Sabi mo madali lang!" bungad ni Marica nang kumakain kami ni Kristin sa Jollibee
Tumawa ako sa mukha nilang stress na stress, mahirap naman talaga iyong exam namin sa Financial Accounting. Sinabi ko lang na madali para hindi sila kabahan.
"Parang hindi ko ata kakayanin mag-pilot section."
"You don't have to push yourself, Can. Malay mo hindi na ako doon next sem."
BINABASA MO ANG
SCSU: Cleo - Worth Fighting For
Teen FictionSCSU: Cleo Alouriz Gervacio A story of two best friends who always have each other's back no matter what's in between them. In the midst of college struggle and personal problems, Cleo and Manu always find themselves comforting each other. But some...