KABANATA TATLO
PRESENT
[ Rogelio pov ]
Kahit kailan talaga hindi maasahan ang gagong yon ! Pano ako maka pag laro nyan ! Nakakainis na ...
" oh ! parang balisa ka ? " salita ng isang lalaki mula sa likod ko ...
" ayos nabuhay kang gago ka hehe ! " sagot ko ng lingunin ko ang nag salita ...
" kamusta ? " bati sa akin ng isa sa mga bestfriend ko na matagal ng hindi nag papakita sa amin si jed ...
" ayos lang ikaw san kana ngayon ? " sagot ko at parang nawala ang badtrip ko sa kapatid ko dahil hindi nadala yung sapatos na dapat susuotin ko pang laro ...
" saan sila labas naman tayo minsan ! " nakangiting tanong nito sa akin at hinahanap ang iba pa naming classmate nung highschool ...
" hindi ko alam wala na kaming mga contact pero subukan natin hanapin sa facebook " sagot ko ...
" aa sige " pagsang ayon nito ...
Marami kaming napag uusapan habang nag lalakad kasalukuyan kaming tutungo muna sa amin at gagamit ng computer para hanapin ang iba pa naming kasama ...
Kung iisipin matagal narin naming hindi nakita ang isa't isa ...
Sa bahay agad naupo si jed sa sopa at ako naman ay tumuloy sa taas para kunin ang laptop na halos araw araw kung ginagamit ...
" rogz ? " tawag sa akin ni jed habang pababa na ng hagdan ...
" eto na bakit ba ! " sagot ko ng makita syang nakatulala sa gilid ng t.v ...
" oh ? anong publema dyan ? " tanong ko ng makumperma ang tinitignan nya ...
" ang akala ko kayo ni ? " hindi nya na natuloy ang sasabihin ng mag salita ako ...
" oo akala ko rin ee ! " sagot ko ...
" paanong nangyari ? na si mj na yung shota mo at hindi na si eloiza ? " tanong nito na parang gulat na gulat ...
Sabagay kahit bestfriend ko si jed hindi ko rin sinabi sa kanya at kung may nakakaalam lang yon ay si mahc at ang walang kwetang si salaver
" ano pare mag kweto ka naman ! " pagbasag ng iniisip ko ng mag salita si jed ...
2010
" ano rogz kailan mo ba sasabihin sa barkada na tayo at niloloko mo lang yong eloiza na yo ? " pag lalambing ni mj at nakaakap pa sakin
" oo sasabihin ko rin ! wag kang mag alala pag tapus ng graduation pangako yan ! " sagot ko para humiwalay sya sa pag kakapulupot sakin .
Hindi ko rin naman talaga mahal si mj at kahit si eloiza wala lang akong magagawa kailangan ng fast time sa school ee ...
Kasalukuyan kaming nasa second floor ng library at walang bantay don dahil nasa baba ang librarian ...
Nakaupo kami at sa isang mahabang mesa at may tig isang libro sa harap kunwaring nag babasa para kung sakaling umakyat ang bantay ...
" BLAG ! " tunog ng nahulog na libro ...
Nahinto ang pag lalambingan namin at natahimik ng kunti ...
" may tao pa pala kala ko tayo lang nandito ? " mahinang sabi ni mj pero sapat na para marinig ko sa lapit namin ...
" sandali lang titignan ko ! " sagot ko at tumayo na sa pagkakaupo ...
Dahan dahan akong lumapit sa pinag hulugan ng libro sa gawing gilid .
Palapit na ko ng palapit ..
At ng makarating pinulot ko ang libro at binalik sa kinalalagyan nito ng mahagip ng paningin ko na parang may tumakbo ...
Mahina pero rinig ang yabag niya sa kahoy na sahig ng library ...
" rogz ! " sigaw ni mj na agad ko naman kinabalik sa likod ...
" hoy sandali ! " sigaw ko sa mabilis na lakad ng lalaki ...
" BLAG !!! aray ! bagsak ng libro at sabi ng nakadapang si salaver sa sahig ...
" kahit kailan talaga tanga tanga ka ! " pang iinis ko nang makita sya sa ganung sitwasyon ...
" ayan kasi nagmamadali kapa nadapa ka tuloy ! " dagdag pang sabi ni mj na natatawa na sa ginawang pag patid kay salaver ...
" aalis na ko ! " sabi nito sabay tayo na parang walang nangyari ...
Pero hindi ko sya hinayaang umalis sahalip hinila ko ang polo nya sa likod at kinasunod nya naman ito ...
" anong balak mo sasabihin mo ba kay eloiza itong nakita mo ? " mahina pero pagalit kong tanong kay salaver ...
" hihindi wala naman akong pakialam sa inyo ee ! aalias na ko utang na loob " sagot ni salaver ...
" ayos nga yon rogz ee malalaman na ng barkada " pag sabat ni mj sabay ngiti nito ...
" sira ulo kaba mj baka gustong sugurin ka ni eloiza kilala mo naman yon diba ? " sagot ko na nag aalala ...
" kung ganun man edi lalabanan ko sya ! " nakangiti paring sagot ni mj sa akin ...
" bitawan mo na ko pakiusap ! " nag mamakaawa na namang si salaver
" makinig ka ! walang makakaalam nito aa kung hindi ako mismo ang bubogbog sayo ! alis na " pag babanta ko dito pag katapus nya tumango
Agad naman kinuha ni salaver ang nag kalat na mga libro nya sa sahig at mabilis na umalis ...
" talagang wala matutunguhan itong relasyon na ito kung ayaw mong sabibin kay eloiza ako ang mag sasabi ! " nagtatampong sabi ni mj sabay talikod sa akin ...
" sandali mj ! bigyan mo ko ng panahon "
Pagtapus sabihin ang mga salitang yon agad kong nilapitan si mj at inakap patalikod ...
#######
[ Present ]
" hintayin nyo ! iisa isahin ko kayo ! ipapadama ko sa inyo lahat ng ginawa nyo sa akin ... "
" walang araw na hindi kayo mag dudusa ! ipapalasap ko sa inyo ang sakit at hapdi ng bawat sugat na pinadama nyo sa akin ! "
" subrang lapit ko sa inyo ! kung gugustuhin ko lang ngayon palang pahihirapan ko na kayo rogelio at jed hahahaha ...
" pero hindi pa panahon kukumpletuhin ko kayo doon ipadadama ang sakit hahahaha "
[ killer pov ]
BINABASA MO ANG
WHO'S BULLY [ FINISH ]
Mystery / ThrillerHindi pa tapus ang nakaraan ! Hindi basta basta humihilom ang sugat na dulot nito ... Masasaksihan mo ang lupit at bangis ng taong nabuhay sa kahihiyan ... At ngayon dumating na ang araw ng pag GANTI ang araw na matagal nya nyang inaasam ... " hihih...
![WHO'S BULLY [ FINISH ]](https://img.wattpad.com/cover/33185977-64-k283953.jpg)