KABANATA DALAWAMPU

19 0 0
                                    

KABANATA DALAWAMPU

PRESENT
[ Nhia pov ]

Wala na kaming pinalampas na oras agad na kaming umalis sa lugar nila rogelio ...

Alam kung wala rin kaming magagawa kung nawawala si rogelio. Pero may kutob ako ! ...

Siguro nga tama si rogelio na si salaver ang nasa likod nito ...

Tama si mahc kung di kami kikilos mauubos kami. Pero hindi ko alam kung anong problema bakit kailangan pang humantong dito sapat bang dahilan yung pang bu-bully namin sa kanya para gawin nyo ito ? ...

Sana lang buhay pa sila at walang masamang mangyari ...

Napakagulo ng isip ko alam kung hindi lang ako pati si mahc at eloiza ganun rin ang naiisip ...

Nakasakay kami ngayon sa isang jeep pabalik sa bahay nila salaver baka sakaling alam nya ang sagot sa mga ito ...

Hindi ako naniniwalang kaya ni salaver ang ganung bagay ...

" nandito na tayo mag ready na kayo ! " sabi ni mahc ng matanaw na malapit na kaming bumaba ...

" ma ! para po ! " sigaw ni mahc ...

Agad naman kaming bumaba at sinundan si mahc dahil bukod kay rogelio alam ni mahc ang daan papunta sa bahay nila salaver ...

" ang ganda pala dito pag umaga ? " namanghang sabi ni eloiza ng makita ang ilog na kinatitirikan ng bahay nila salaver mula sa malayo ...

Kung titignan mo nga ang paligid di mo iisiping ilog ito dahil sa mga halamang nakalutang sa ilog. Nag mistulang taniman ng gulay ang kabuoan ng ilog ...

" ito na guys ! " sabat ni mahc at huminto sa tapat ng isang pintuan ...

" sandali mahc ? hindi naman ito yung bahay ni salaver aa ? doon pa yun sa dulo sa may matanda ? " nag tatakang tanong ni eloiza ...

" hindi na siguro sya nakatira don ! " sagot ni mahc na may alinlangan ...

" tama si eloiza mahc baka lola nya yung nakausap natin kagabi ? " pagtanong ko ...

" sige kayong bahala tara na ! " pag sang ayon naman ni mahc ...

Kaya nag lakad pa kami ng kaunti at pinuntahan ang bahay na may baliw na matanda na nakausap namin kagabi ...

" tok ! tok ! "

" tao po ! " sigaw ni mahc habang kumakatok ...

Pero walang nag bubukas ng pinto kahit sumagot manlang wala kaya pinag patuloy ni mahc ang ginagawang pag katok at pag tawag nang biglang ...

" ay ! walang tao dyan umalis yung matanda para mangalakal ! " sigaw ng isang babae na kapit bahay nito ...

Agad naman kaming napalingo at kinagulat ko narin dahil napakatahimik ng lugar na ito pag hapon ...

" ah ganun po ba sige po balik nalang kami ! " sagot ni eloiza ...

Hindi na sumagot ang babae at pumasok na sa loob ...

" ano guys wala na naman tayong napala dito ? baka kasi lumipat na ng bahay si salaver ? " pag sabi ko ...

Tumingin nalang sila sa akin at nauna ng mag lakad ...

Hindi pa man din kami nakakalayo ng huminto si mach sa pintuan na kanina ay pinakatitigan nya ...

" bakit ? " tanong ni eloiza ....

Nagtataka rin ako kung bakit bigla syang napatingin sa bahay na ! ...

" tama yan yung bahay kagabi na nag sabing MAG INGAT KAMI ! " mabilis na nag flashback sa isip ko ...

" sa tingin ko may alam yung babae dito na nakausap natin kagabi ? " ani ni mahc ...

" oo nga sya yung nagbanta ! sinabi nya rin na mag ingat tao kay salaver ba ? basta yon ! " pag sagot naman ni eloiza

Agad namang kumatok si mahc sa nakasaradong saradong bahay na kung titignan kahit ang bintana may mga rehas ...

" tok ! tok ! "

" tao po ! " muling sigaw ni mahc ...

Pero tulad ng nauna wala ring nag bubukas o sumasagot sa mga tawag na iyon ...

" baka wala rin tao dyan ! ano ba ito na ngingilabot ako ! " inis na sabi ni eloiza ...

Tama sya nakakapangilabot itong bahay ! Hindi naman kalumaan at maayos naman pero di ko maipaliwanag pero nangingilabot ako sa bahay na ito parang may masamang nangyari dito ...

" tara na mahc wala nga sigurong tao ! " pag sang ayon ko kay eloiza ...

Tumango nalang si mahc at tinigil narin ang pag katok ...

" SANDALI ! ANONG GINAGAWA NYO ? " sigaw ng isang babae dahilan para tumingin kami sa likod ...

Yung babae ! Yung babaeng nakausap namin kagabi may dala syang mga plastik. Galing sya sa pamimili ...

" aa ee hinahanap po namin kayo ! " na uutal na sabi ni eloiza ...

" bakit naman ! anong kailangan nyo ? " tanong nito na nakasimangot na ang muka ...

" tatanong lang po namin ang tungkol kay sa/// " hindi na tapus na sasabihin ni mahc nang mag salita ito ...

" HINDI AKO MAKAKATULONG ! UMALIS NA KAYO ! " sigaw nito sabay lakad papunta sa amin ...

Nagulat ako sa naging asal nya. Agad naman kami nag bigay daan dahil papasok sya sa bahay nya ...

Binuksan ang pinto at akmang papasok ...

Isasara nya na ang pinto ng ...

" sandali lang pakiusap tulungan mo kami ! " harangin ni mahc ang pinto nito dahilan para mabaling ang atensyon nya sa amin ...

" HINDI KO KAYO MATUTULUNGAN ! UMALIS NA KAYO AT WAG NANG BABALIK ! " sigaw nito kay mahc ...

" pero nawawala ang mga kaibigan namin ! " bigla kung nasabi ...

" ANO ? " tanong nito ...

" hindi mo ba nari/// ! " hindi na natapus sabihin ni eloiza ang sasabihin ng mag salita ito ...

" nag umpisa na sya ! " mahina pero sapat na para marinig namin ...

" ano ? anung tinutukoy mo ? " nag tataka kung tanong ...

Tumingin sya sa amin at dahandahang binuksan ang pintuan ...

" kailan pa nawala yung mga kaibigan nyo ? " tanong nito ng tuluyan ng makalabas ng bahay ...

" matagal na po ! kaya kami nandito nag babakasakaling alam nyo kung nasaan si salaver ? " seryusong sabi ni mahc ...

" ah ? " pag tataka nito ...

" si salaver po ! kilala nyo po ba sya ? " tanong ko ...

" oo ! bakit nyo sya hinahanap ? " tanong nito sa amin na halata parin ang pagtataka ...

" dahil si salaver po yung pinaghihinalaan naming pwedeng gumawa kumuha sa mga kaibigan namin " mahabang paliwanag ni mahc ...

" ano ? hindi anong dahilan nya para gawin nya yon sa inyo ? " tanong nito sa amin ...

" dahil po sa bully ! " mahina pero seryusong sagot ni mahc ...

" pati pala sya ! ginawan nyo ng hindi maganda ! nararapat lang sa inyo ang mga nangyayari ! " napakasama ng tingin nya habang sinasabi ang mga salitang iyon ...

" so tama kami ? si salaver nga ? ang may gawa ng lahat ? " gulat na sabat ni eloiza ...

" hahahahaha ! nag papatawa ka ! " tanging tawa ang sinabi nito na parang masisiraan ng ulo ...

" hindi ! " dagdag nito pag tapus tumawa ...

" anong hindi ? " nag tataka kung tanong ...

" HINDI AKO ANG MAY GAWA ! " isang tinig ng pamilyar na boses mula sa likod namin ...

WHO'S BULLY [ FINISH ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon