KABANATA LABING LIMA

22 0 0
                                        

KABANATA LABING LIMA

PRESENT
[ Mahc pov ]

Hindi na namin naawat si rogelio dali dali syang tumakbo palabas ng bahay ...

Kahit nalilito at halong pagkapagod sinundan agad namin si rogelio ...

" san ba nya balak pumunta ? " tanong ko ...

" hindi ko alam ! " sagot ni nhia habang hila hila nito si eloiza ...

Sa labasan mabilis sumakay si rogelio sa motor at dali daling kumaripas ng alis ...

May kalayuan kami kay rogelio ng mga oras na iyon dahil nauna syang makalabas ng bahay namin ...

" manong sundan nyo yong kanina ! " pag madaling sabi ni nhia ng makapasok rin sa isang pampasaherong motor ...

Nasa likod ako ng driver sumakay dahil hindi na kasya pa sa loob ...

Mabilis ang takbo namin na halos hindi na ako maka tingin ng maayos sa unahan kung saan sinusundan ng tingin namin ang motor na sinasakyan ni rogelio ...

" ayaw nyang sagutin ! " inis na sabi ni nhia habang paulit ulit na dina-dial ang cellphone ni rogelio ...

Tumagil din ang byahe ng ilang minuto at sa wakas huminto na kami sa isang madilim na kalye ...

" bayad po manong " sabi ko sabay alis ng pampasaherong motor ...

" nasaan tayo ? tanong ni eloiza ...

" alam ko na kung sino ang pupuntahan ni rogelio " malayo kong sagot ...

" mahc wala na si rogelio ! " pasigaw na sabi ni nhia ...

" kilala ko na kung sino ang pupuntahan nya para sisihin ! " sagot ko at tumingin sa malayo ...

" anong ibig mong sabihin ? " tanong ni eloiza ...

Tumingin nalang ako at nag lakad ...

Hindi na sila nag tanong pa sa halip nag lakad na sila at sumunod ...

Tahimik ang lugar na ito tulad ng dati . Sadyang nakakatakot pero wala namang masasamang tao dito madalas lang silang matulog ng maaga kaya wala kang makikitang tambay sa labas ...

Nag patuloy kami sa pag lakad hanggang sa matanaw namin si rogelio na nakatayo sa isang kahoy na bahay na hindi naman kalakihan at ang ilang bahagi nito tila masisira na ...

May mga plastik ring nakatapal nalang sa mga butas ng bahay ang at ang makapal na tabla nalang ang nag sisibling pantatag sa mga kawayan na nakatayo sa ilalim ng tubig ng ilog ...

Tama sadyang ito na nga ang pakay ni rogelio ang bahay nang pinag hihinalaan nyang gagawa ng mga pananakot na nagpalabas ng inis ni rogelio ...

" lumabas ka dyan gago ka ! hindi mo ko masisindak ! sigaw ni rogelio ...

" sandali lang rogelio wag kang mang gulo dito " awat ni nhia ...

" BLAG ! " isang malakas na sipa ang pinatama ni rogelio sa dingding ng bahay ...

" umayos ka rogelio nasa ibang lugar tayo ! " inis na saway ko ...

" sandali lang wag nyo namang sirain itong bahay ! " boses na nang gagaling sa loob ng bahay ...

" umayos ka ! " sabi ni nhia at binitawan na sa pag kakahawak si rogelio ...

Nagkatingin nalang kami at hinihintay ang iluluwa ng kahoy na pinto ...

" sino ba kayo at gabing gabi na para kayong susugod ng away ! tanong ng matandang babae na nilabas ng pinto ...

" kung titignan ang babae halata sa itsura nito ang labis na katandaan . Makikita rin ang lahat ng puting buhok nito at sa tanya ko ay na sa more than sixty plus na ang babeng kaharap namin ngayon ...

" pasensya na po ! tatanong ko lang po kung nandyan si SALAVER ?" may pag galang na tanong ni rogelio ...

" ano ? si salaver ? " gulat na sabi ni eloiza ...

Kasalukuyan ko nalang tinignan ang naging reakyon ni eloiza at ganun rin si nhia na halata ang pag tataka sa muka nito na hindi sumagi sa isipan nitong si salaver ang pwedeng gumawa ng pananakot ...

Kahit ako magugulat sa mga pangyayaring tulad nito kong hindi ko pa nakikita ang lugar na pinuntahan namin ngayon ...

" sino kamo ? si salaver ? " pag balik ng tanong ng matanda kay rogelio ...

" opo sya nga po ! nasaan po sya ! " mabilis na sagot ni rogelio ...

" iho ! ano ka ba nya hindi mo ba alam hehehe " nakangiting sabi nito at sabay ang pag tawa ...

" bakit po ano pong nakakatawa ? " tanong ni nhia ...

Hindi pa umimik ang matanda sa halip ngumiti lang ito na parang may magandang balitang sasabihin ...

" si salaver po ? " pag ulit ko ng tanong ...

" hahaha ! si salaver wala na yon dito ! " masayang sagot nito sa amin ...

" anong wala ? anong ibigsabihin ? " nalilitong tanong ni eloiza ...

" WALA ! na hehehe babay " tumatawang sagot nito sabay sara ng pintuan ...

" anong ! lola buksan mo ito hindi pa tayo tapus mag usap ! lola ! " sigaw ni rogelio habang kinakalabog ang pintuan ...

" tama na rogelio mukang wala naman dyan si salaver ee ? " pag aawat ni nhia dito ...

" bweset ! " inis na sabi ni rogelio ...

" tara na umuwi nalang tayo gabi na ! " pag sabi ni eloiza ...

Tumingin nalang kami kay eloiza parang nag basahan ng isip na sundin ang sinasabi nya na umalis na at umuwi nalang ...

Naglalakad kami pabalik ...

" sandali lang ! " mahina pero sapat na para marinig namin ang pag pigil na yon sa hindi kalayuan ...

Hindi pa kami bahagyang nakakalayo sa bahay ng matandang baliw na yon ...

" sino ka ? " tanong ko ng maaninag ang isang babae na may idad na at di tulad ng una naming nakausap mas bata ito ng mahigit dalawapong taon . Nakatayo sa tapat pinto ...

" pasensya na ! narinig ko kasing nag sisigawan kayo kanina ! " sabi nito ...

" aa ganun ba ! pasensya na ! " sagot ni rogelio at binalik na ang tingin sa unahan ...

" narinig kong hinahanap nyo si salaver ? " tanong nito ...

Bakit ganito ang kutob ko parang may sasabihin syang hindi maganda ? sana mali ang nasaisip kung si salaver ay ...

" alam mo ba kung nasaan sya ? " seryusong tanong ni rogelio ...

" hindi ! " sagot nito ...

" wala tayong makukuha dito mga baliw ang tao dito tara na guys ! " sabat ni eloiza na kanina pang gustong umuwi ...

" pero may pinapasabi sya sa inyo " pasigaw na sabi nito na tila nag bago ang boses nag karoon ng takot ...

" ano ? " gulat kung tanong sa isip ...

" sabihin mo ano yon ? " utos ni rogelio ...

Nakatingin kaming nag hihintay ng sasagot nya ...

Sadyang napakalalim na ng gabing yon at napakalamig ng hangin kasabay pa nito ang mga kaba ng bawat isa sa amin ramdam ko at alam kung hindi lang ako ang natatakot ...

" ano ? anong sinabi sayo ni salaver " pag ulit ng tanong ni rogelio na sa pagkakataong yon ay mas malakas na sa una ...

" MAG INGAT KAYO ! NASA PALIGID LANG SYA ! " sagot nito at binuksan ang pinto sa likod nya sabay pasok sa loob ...

WHO'S BULLY [ FINISH ]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon