KABANATA LABING TATLO
PRESENT
[ Eloiza pov ]Text messages
Nhia 2
Nasaan ka ba hindi kita makontak ?
Nandito kami kila rogz !!!
Unknown number 1
Hintayin mo ko susunod kana !
End of messages
Bakit ganito ? nakaramdam ako ng kaba ng mabasa ko ang ikatlong text ? kanino ba galing ito ? ...
Saka anung problema kay rogelio ? ...
Mga tanong sa isip ko ng buksan ko ang cellphone ko . Kakauwi ko lang galing sa work ...
At nag punta pala si jed doon hindi pa ako hinintay ...
Bukas na nga lang yan . Agahan ko nalang ang gising para makapunta kila rogz wala naman pasok bukas ee ...
" sige na hindi ka mahuhuli nyan saka walang camera dyan kaya makukuha mo ng hindi ka mahuhuli " utos ko sa kausap habang nakatingin sa supermarket ...
" ayoko eloiza makukulong ako nyan ! " sagot nito sa akin ...
" sige bilin mo nalang ! " nakangiti kong utos ulit ...
" pero wala na kong pera ee ! " sagot nito na naka yuko na ...
" pinapatagal mo lang ee ! gusto mo bang matamaan ka sakin ? " galit kong sabi sabay inangat ang ulo nito paharap sa akin ...
" aray ! eloiza bitawan mo ko nasasaktan ako ! " daing nito sa pag sabunot ko sa kanya ...
Dumarami na yung tumitingin sa paligid sa ginagawa ko ...
" kunin mo na kasi matagal ko nang gusto yon ! " mahina kung sabi sabay bitaw sa buhok nito ...
" pakiusap eloiza ayoko pakiusap ! " pag mamakaawa nito habang umiiyak ...
" wag kang umiyak dito ! nakatingin na yung mga tao sa atin " mahina pero galit ko nang sabi ...
" ayoko eloiza pakiusap ! pag iipunan ko nalang wag mo lang ipakuha sa akin yon " sagot nito na pinipigilan ang pag tulo ng luha ...
" ngayon ko kailangan saka mauubos na yon ! bilisan mo kunin mo na ! " galit na sabi ko sabay tulak sa kausap ...
" huhuhu ! " pigil na hikbi ang sagot at sabay talikod sa akin ...
Alam kung kukunin nya yon kaya mag hihintay lang ako dito sa labas ...
" bakit ang tagal ano na bang nangyari don ? inip kong tanong sa sarili ...
" nahuli kaya yon ? baka tinakasan ako ? bakit hindi ko napansin ? " sunod sunod na tanong sa isip ko ...
Ilang sandali pa may lumabas sa salaming pintuan ng supermarket ...
" MAG NANAKAW KA ! LUMAYAS KA DITO ! AT WAG KONG MAKIKITA YANG PAG MUMUKA MO ! NAPAGALITAN TULOY AKO SAYO ! MAG NANAKAW KA ! " sigaw ng gard na parang naghagis lang ng manika sa labas ...
" nahuli nga ! " sabi ko sa sarili ...
Nakatingin ang mga tao sa nakasalampak na estudyante sa semento at kasabay nito ang ibat ibang mga sinasabi . Masasakit at ang ilan pag ka awa ...
Pero wala syang ginagawa nag iiyak lang sya at ...
At ///
Nakatingin sya ? ...
Sa akin ? ...
Bakit parang lumalapit ako ? Dumidilim ang paligid ? ...
Nawala ang mga tao ? ....
Sya at ako nalang ...
" hihihi ! hahaha ! "
" bakit ka tuamatawa ? baliw kaba ? " nag matapang kung tanong ...
Gusto ko na lumayo sa kanya pero hindi kumikilos ang mga paa ko ? ...
Dahan dahan syang tumayo at mabagal na titingin sa akin ...
" sh*t hindi ako natatakot " sabi ko sa isip ko ...
Yung mata nya nakatingin na sa akin ! nag bago ! ...
Bakit naging mapula ? may pumapatak ? lumuluha sya ? hindi luha ! ...
Dugo ? Dugo nga ! umiiyak sya ng dugo ...
Gusto kong umatras bakit parang ayaw gumalaw ng mga paa ko ...
Lumalapit sya ! lumalapit sya ! ....
Hindi ako maksigaw ! walang lumalabas na boses sa akin ? ...
Ang lapit nya na ! bumuka ang bibig nya ! ang mga ngipin nya na ngingitim ...
" kakagatin nya ako ! " tama !
" wag ! waggggggggggggg !!!!! "
" ha ! ha ! ha ! "
Hingal at pinag papawisang akong nagising ...
" panaginip lang pala ? " bulong ko ...
Hindi ako mapalagay sa panaginip na yon ? Parang totoo ee hindi ko lang maalala ...
Hayaan ko na panaginip lang naman yon . mas marami pa kung kailangan isipin kaisa don saka ngayon lang naman yon nangyari ee ...
Kailangan ko na mag handa para makapunta na ako kila rogelio at mukang may problema ...
" tok ! tok ! tok ! " ingay ng pinto ...
" sandali lang " sigaw ko ng marinig ang katok ...
Bumaba na ako ng kama at tinungo ang pintuan ...
" tok ! tok ! tok ! "
" eto na ! " pasigaw ko ng sagot ...
Nang makarating sa harap ng pinto tumigil ang pag katok at mula sa siwang sa ilalim niluwa nito ang isang subreng puti na may kung anong kulay pulang mantya ...
Agad kong pinulot ang subre at binuksan ang pinto . Baka sakaling nandoon ang nag pasok sa siwang ng pinto ...
" walang tao ? weird ? " bulong ko ng makita ang labas ...
Agad kung sinara ang pintuan at naupo sa sala para tignan ang laman ng subre ...
" mga picture ?? "
" ni jed ? "
" may relo ? parang nakita ko na ito ? tama kay jed ito ? bakit nandito ? "
Nag tataka kung na iisip nang makita ang laman ng subre ...
" kay jed ata itong mga ito bakit sa akin pindala ? "
Tinignan ko muli ang subre may nakatiklop na papel ...
" baka ito yung sulat ? "
Kinuha ko agad ang inaakala kung sulat ...
" anu ito ? bakit may ganito dito ? "
Gulat kung sabi kasabay ang pag laki ng mga mata ko sa nakita ...
" may kuko ? kuko nga ito ! "
" sampong piraso ng mga buong kuko na may bahid pa ng dugo ! "
BINABASA MO ANG
WHO'S BULLY [ FINISH ]
Mister / ThrillerHindi pa tapus ang nakaraan ! Hindi basta basta humihilom ang sugat na dulot nito ... Masasaksihan mo ang lupit at bangis ng taong nabuhay sa kahihiyan ... At ngayon dumating na ang araw ng pag GANTI ang araw na matagal nya nyang inaasam ... " hihih...