KABANATA LABING APAT
PRESENT
[ Mahc pov ]Baliwala ang pag punta namin kila mj ...
Wala lang din alam yung mommy nya pag dating namin doon . Kahit kasi sila hindi alam kung nasaan si mj ...
Halos mag dalawang araw na simula ng mawala sya ...
Flashback
" umayos ka rogelio nandito na tayo kila mj pag kinausap ka ng mommy nya sumagot ka ng tama " sabi ni nhia ...
Wala parin ito sa sarili ...
" tok tok ! " katok ko sa gate nila mj ...
" nhia ang tagal ! sana nandyan si mj sa loob " pag aalalang sabi ni rogelio ...
Ilang sandaling bumukas ang bakal na gate at niluwa nito ang babae na sa aking palagay ang mommy ni mj dahil sa pag kakahawig nila ...
" rogelio ? " gulat na sabi nito ...
" tita nandyan po b / " hindi na natapus ni nhia ang sasabihin ng mag salita muli ang mommy ni mj ...
" hindi ! magkasama kayo ng anak ko diba ? ang paalam nya sa akin sa inio raw pupunta ? " pag basag ng tanong ...
" hindi po tita wala po sya sa amin ! " sagot ni rogelio ...
" kung wala sa inio nasaan yung batang yon ? " mainahong sabi nito sabay tingin sa kawalan ...
Tumango nalang ako ? Hindi man lang nagalit ang mommy ni mj kay rogelio ...
" pumasok nga muna kayo at madilim na dyan sa labas " pag aya nito sa amin ...
Sa loob naupo agad kami sa sopa ...
" ano ba gusto nyo ? juice ? ano ? " pag anyaya nito sa amin ...
Medyo malikot pa ang paningin ko ng tumango ...
Sa tagal kong naging kaibigan si mj ngayon ko lang nakita ang loob ng bahay nila ...
May kalakihan at kumpleto naman sa gamit ...
" tita simula po ba ng nag paalam sa inyo hindi na po ba nag text ? " pag tanong ni nhia ...
" hindi na sanay na ako sa anak kung yun uuwi rin yon " sagot nito ...
" ganun po ba ? saan po kaya pupunta yon ? tanong muli ni nhia ...
" hindi ko alam kala ko nga kayo kasama .? " pag balik ng tanong ...
Walang sumagot sa halip tumango nalang kami na ibig sabihin ay hindi ...
End of Flashback
Halos gabi narin ng makauwi kami siguro nga gumala lang sya ! Yung mga nasa box siguradong hindi kay mj yon may gusto lang tumakot kay rogelio ...
" tumakot ? " tama baka si jed gumaganti lang ? ...
Hindi naman siguro gagawin ni jed yon hindi magandang biro yon kahit sabihin mong may nagawa kaming mali sa kanya noong highschool ...
Saka ko na iisipin makapag handa na papasok pa ako sa work ...
...........
" miss ito nalang yung i-try nyo marami pa po kami stock sa loob " nakangiti kong sabi habang nag bebenta ...
" ayos lang ba ito kahit naka pans ako ? " tanong nito ...
" aa opo ! meron nga po // " hindi ko na natapus na sasabihin ng may makita ko di kalayuan sa pwesto ko ...
" ano ? okey kalang ? " tanong ng babae sa akin ...
" o-opo wait lang po check ko lang kung may stock pa kami ng isang ito ! pare pa tingin nga muna si maam " sabi na halata na nalilito at nakatingin sa malayo ...
Hindi ko na naharap yung costomer dahil sa lalaking nakita ko sa di kalayuan ...
" sya ba yon ? " bulong sa isip ko at palapit sa kinaroroonan ng lalaki ...
Papalapit na ako sa lalaking alam ko na matagal ko nang hindi nakikita ...
" nag kakamali lang ata ako bakit ganun ang bihis nya ? hindi naman sya ganun dati aa ? " mga tanong sa isip ko habang papalapit sa lalaking ito ...
Naka sideview sya kaya hindi ko maaninag ng husto ang muka nya ...
Malapit na malapit na ako ! at ito na " sir " tanong ko ...
Hindi nya ko narinig hahawakan ko sya ...
" sir ! " mas malakas kung sabi ...
" mahc ! hoy yung costumer mo kanina pa nag hihintay ! " sabi sabay kalabit sa akin ng kasamahan ko ...
" aa sige punta na ako " agad kung lingon at pag sagot ...
Bago ako bumalik tinignan ko ulit yung lalaki . pero wala na sya ...
.........
Gabi na ng makauwi ako . Subra akong napagod kanina dahil sa dami ng tao ...
" nandito na ko mommy ! " sigaw ko at tinulak ng malaks ang pinto ...
" mahc ! " bungad sa akin ni nhia ...
Nhia ? tama si nhia nga at kasama nya si rogelio at si eloiza na ...
" umiiyak "
" mahc hindi na maganda itong nangyayari satin may gustong manakot sa atin or else pumatay sa atin ! " seryusong sabi ni rogelio ...
" sandali lang nalilito ko ? anong sinasabi mo ? tungkol / " hindi na natapus ang sasabihin ko ng mag salita ito muli ...
" hindi lang ako mahc nakatanggap ! " dagdag nito ...
Naupo ako sa sopa na litong lito sa mga sinasabi nila ...
" tignan mo ito " utos ni nhia sabay bigay ng isang subre ...
Unang tingin ko palang naghinala na ako . Bakit parang may bahid ng dugo ? ...
Mabilis kong binuksan kahit may kaba na akong nararamdaman ...
Mga litrato ! ni jed ! anu ito nasa maliit na papel ...
Tulad ng kay rogelio mga kuko na may bahid din ng dugo ...
" sinong gagawa nito ? tanong ko na ginagapangan na ng takot ...
" hindi ko alam ! bakit sakin pinadala yan ! " mangiyak ngiyak na tanong ni eloiza ...
" may hinala ako kung sino ang pwedeng gumawa nito ? seryusong tanong ni rogelio ...
" sino ? " pag ulit ko ng tanong ...
" kailangan ko sya puntahan para matapus na ito " sagot nito at mabilis na tumayo sa kinauupuan ...
" sandali rogelio ! " awat ni nhia ...
BINABASA MO ANG
WHO'S BULLY [ FINISH ]
Misterio / SuspensoHindi pa tapus ang nakaraan ! Hindi basta basta humihilom ang sugat na dulot nito ... Masasaksihan mo ang lupit at bangis ng taong nabuhay sa kahihiyan ... At ngayon dumating na ang araw ng pag GANTI ang araw na matagal nya nyang inaasam ... " hihih...