KABANATA LABING ISA

17 0 0
                                    

KABANATA LABING ISA

PRESENT
[ Mahc pov ]

" kuhain mo para sa amin ! tutal ikaw din naman ang may kasalanan kung bakit kami kailangan mag take ng test " sabi ni rogelio habang nakaharang sa hagdan pababa ng library ...

" ayuko mahirap yang pinagagawa nyo " sagot ng kausap nito ...

" anung gusto mo matanggal nalang kami dito sa school na ito dahil lang na bully ka namin ? " dagdag ni eloiza

" kayo naman may kasalanan ee kaya tanggapin nyo na yung parusa nyo ! " sagot nito ...

" aba sumasagot ! kaya ka nag sumbong dahil ba sa ginawa namin sayo ? " pag sabat naman ni mj na parang naiinis na sa kausap ...

" kukunin mo ba o gusto mong madagdagan yang problema mo ? " mahina pero galit na sabi ni jed ...

" bakit nyo ba kailangan non hindi nyo ba kaya pumasa ? " sagot nito na halatang natatakot na ...

" hindi ! kaya nga namin pinapakuha ee kunin mo nalang yung kodigo bukas pag hindi mo yon nagawa ! alam mo na ang pwedeng mangyari " pag sagot ni eloiza sabay ngiti ...

" RING ! RING ! RING ! "

" haaaa ! tanghali na naman "

Tanghali na ng magising ako dahil sa lakas ng tunog ng cellphone ko na nakalagay lang sa lamesa katabi ng kama ko ...

Tuloy parin ito sa pag ring . Hindi pa gising ang kaluluwa ko at tinatamad pa ko ...

" sino ba ito ? " sabi ko ng kunin ang telepono ko ...

" oh bakit ? " tanong ko ng sagutin ang telepono ...

" mahc kailangan mo pumunta ngayon dito kila rogelio may problema ! " pag bungad na sagot sa akin ...

Para akong nabuhusan ng tubig ng marinig ang mga sinabing iyon ni nhia ...

" sige pupunta ko agad " sagot ko at namadali nang nag tungo sa cr ...

" anong problema ? "

..........

Madali akong narating kila rogelio hindi na ako kumatok dahil nakabukas ang pinto ...

" anong nangyari ? mabilis kong tanong ng makapasok ...

" mahc ? "

Gulat na sabi ni nhia ng makita ko syang nakaupo sa sopa at katabi ni rogelio na parang problemado na nakatingin sa kahon sa lamesa ...

" bakit anong nangyari ? " tanong ko ...

Walang sumagot sa akin sa halip naupo nalang ako ...

" mahc tignan mo !" utos ni nhia sabay bigay ng kahon sa akin na nakapatong sa lamesa ...

Hindi na ako nagsalita pa kinuha ko ang kahon at iaangat ang takip ...

" bakit parang ang lansa ? "

" bakit ang sangsang ? "

" may dugo ? "

" may dugo nga ? at may kuko ? may hibla ng buhok ? "

Gulat kong sabi ng makita ang loob ng kahon ...

" saan galing ito ? '' tanong ko

Sandaling natahimik sila at halatang hindi alam ang isasagot sa akin ...

" sandali nasaan ang iba ? " pag iba ko ng tanong ...

" hindi namin makontak si eloiza si jed naman hindi na namin sinabi " sagot sa akin ni nhia ...

" sa labas may nag iwan nyan hindi ko alam pero malakas ang kutob ko na kay mj yan may gustong pumatay sa amin " pag sabat ni rogelio ...

Nagkatingin kami ni nhia ...

Sino naman ang gagawa nito kila rogelio ? ...

" bakit hindi mo tawagan ngayon si mj " pag tanong ko ...

" ginawa nya na yan ilang beses na " si nhia ang sumagot ...

" guys hanapin natin sya hindi ako mapakali ee . alam ko may masamang nangyari sa kanya " pahikbing sabi ni rogelio ...

" sige simulan natin sa bahay nila siguradong may alam sila " sabi ni nhia ...

Sumang ayon nalang ako at tila gulong gulo sa nangyayari ? ...

Bakit kung kailan nag sama sama kami saka pa ito nangyayari ...

WHO'S BULLY [ FINISH ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon