KABANATA DALAWAMPUT APAT
PRESENT
[ Nhia pov ]
Napakarami ng tumatakbo sa isip ko dahilan para hindi ako makatulog ngayong gabi ...
Tama kaya ang disisyon ko na lumayo muna kila mahc para hindi ako mapahamak ...
Sa tuwing iniisip ko kung bakit kailangan humantong kami sa ganito! Ay hindi ko rin alam ...
" Hay ! " buntong hinga at hindi talaga ako datnan ng antok ...
Nagpaikot ikot na ko sa kama at kung ano ano ng klaseng pag papaantok ang gawin ko hindi talaga ako makatulog ...
Parang may bumabagabag sa akin na hindi ko mawari kung ano ! ...
Lumingo ako sa orasan na nakapatong sa mesa mag aala una na pala ng madaling araw pero ito parin ako gising na gising mag sounds nalang kaya muna ako ...
Mabilis kung kinuha ang earphone sa kabinet na nasa tabi ng kama ko ...
Ngayon kahit paano mababawasan ang iniisip ko ...
Bumalik na ako sa pagkakahiga at umayos ng pwesto. Nilakasan ang sounds at pumikit baka sa kaling makatulog ako ...
" humihina naman ang sounds sira ata itong mp3 ko ! " nag tataka kung sabi at binaling ulit ang atensyon sa mp3 ...
" Ano ba ito lalong humihina ! " napangiwi nalang ako sa inis ng tuluyan ng nawala ang tunog ...
Tumingin ako sa oras ala una na ! bababa nalang muna ako para uminum ng tubig at nauhaw na ako sa subrang tagal kung nakatanga at nag iisip ng kung ano ano ...
Bumaba na ako ng kama at mabalis na tinungo ang pinto ng kwarto ko ...
Pag bukas ko nito napakadilim naman ! pero sanay na ako ganito kami mag tipid sa kuryente pag gabi at ang tanging liwanag lang ay yung ilaw ng mga santo sa bahay ...
Lumabas na ako ng pinto at agad sinarado pero parang may na aamoy ako ! ...
Ang lansa ng amoy ? parang ! parang dugo ? ...
Hindi ko alam kung saan ng gagaling pero kahit sadyang hindi maganda ang amoy nito pinilit kung hanapin ...
" sa baba ? " bulong ko sa sarili ...
Dahan dahan akong bumaba ng hagdan at para hanapin ang masangsang na amoy na iyon at lalo pa itong tumatapang hindi na tila dugo ang na aamoy ko ! ...
Parang patay ? patay na hayop ? daga ? ...
Hindi ko mawari kung ano pero sadyang napaka sakit sa ilong ng baho nito parang matagal ng nandoon ...
Saan ba nanggagaling ang amoy na iyon at bakit mag kakaroon nito sa bahay namin ...
Napakatahimik ng buong paligid at hindi mo maaninag ang ilang bagay dahil sa dilim ...
Naglakad pa ako patungo sa kusina nang ilang hakbang nalang may natapakan akong tila likido sa sahig ...
Tubig ? hindi ang lagkit ! ayuko kung hawakan ! ...
Pinag patuloy ko nalang ang pag lalakad at tinitiis ang nakakadiring likidong natatapakan ko ...
Ito na nasa kusina na ako at bubuksan ko na ang ilaw " plik ! "
" ano ito ? " tanong ko ng makita ang sahig na kanina ay na tatapakan ko ...
" dudddugoo ! " gulat kung sabi ng makumperma ang nakita ...
Napaatras ako sa takot at nabangga ang lamesa kasabay nito ang pag bagsak ng ...
Agad kung nilingo ang mga nahulog na kung anong bagay sa lamesa ...
Mga piraso ng daliri sa kamay at mga ngipin may putol ring isang peraso ng paa at mga kuko na namumula sa dami ng dugo ! Hindi ito totoo ! Hindi ...
Naiiyak na ako ng may marinig akong tila gumalaw sa likuran ko ...
Dahan dahan ko ito nilingo ...
Pigil akong humihikbi ! Ito na natatanaw ko na ! Nakaitim sya ! ...
" ikaw naman ! " sabi nito ng maharap ako sa kanya ....
" wagggggg "
" RING ! RING ! RING ! " tunog na telepono ...
" aaaahhhhhh ! " hingal kung sabi at napahawak sa aking dibdib ...
" panaginip lang pala ! " kinakabahan parin ako ! Buti at panaginip lang ito ...
May tumatawag nasaan ba iyong cellphone ko ! balisa parin akong hinanap ang telepono ko ng marinig ang pag ring parin nito ...
" Hello ? sino ito ? " hingal kung tanong ng makita ang number lang ang naka regester sa screen ...
" nhia ! nhia ! " hinihingal na sagot nito ...
" ako nga bakit ! sino ba ito ? " balisa kong tanong ...
Hindi ito agad sumagot tanging hingal lang ang naririnig ko ! Napakalikot ng mga mata ko at doon ko napansin ang oras alas dos palang ng madaling araw ...
" hello ? " pag ulit ko ng tanong ...
" Nhia makinig ka ! sa kabilang kalye sa fastfood ! " malakas na sabi nito na hinihingal parin ...
" ano ? anong sinasabi mo ? sino ba ito ? " nalilito ko paring tanong ...
" si salaver ito ! tulungan mo yung mga kaibigan mo ! aaaaaaaahhhhhh ! " mabilis na sabi nito at isang sigaw kasabay ng katahimikan ...
" hell ? hello ? " halos sumigaw na ako pero walang sumasagot ...
Salaver ? anong sinasabi nya ? tulungan ang mga kaibigan ? ...
" hindi kaya alam ni salaver kung nasaan sila mj, jed at rogelio " sunod sunod na haka haka ang pumasok sa isip ko ...
Ano bang dapat kung gawin ! Tatawagan ko si mahc ...
Nakapatay ang cellphone nya nasaan ba sya ayuko pumunta mag isa sa sinabing lugar ni salaver natatakot ako ! ...
Si eloiza kaya ! ipag pabukas ko nalang kaya ? Nalilito ako hindi ko alam kung i dial ko na ang number ni eloiza at mag punta na sinabing lugar ni salaver ! ...
" bahala na ! " tanging nasabi ko humarap sa telepono at nag dial ...
" hello eloiza ! alam ko na ang lahat pumunta ka ngayon sa bahay ! ngayon na ! " mabilis kong sabi at alam kong hindi rin sya makatulog dahil sa mga nangyayari ...
BINABASA MO ANG
WHO'S BULLY [ FINISH ]
Mystery / ThrillerHindi pa tapus ang nakaraan ! Hindi basta basta humihilom ang sugat na dulot nito ... Masasaksihan mo ang lupit at bangis ng taong nabuhay sa kahihiyan ... At ngayon dumating na ang araw ng pag GANTI ang araw na matagal nya nyang inaasam ... " hihih...
![WHO'S BULLY [ FINISH ]](https://img.wattpad.com/cover/33185977-64-k283953.jpg)