KABANATA DALAWAMPUT PITO

20 0 0
                                        

KABANATA DALAWAMPUT PITO

PRESENT
[ Eloiza pov ]

Halos alas dos palang ng madaling araw pero mukang may problema na naman ! ...

Hindi naman ako makakalabas ng bahay kung di ako tatakas at may pasok pa ako kinabukasan pero mukang iba itong tinawag sa akin ni nhia ...

Kung iisip ko ulit namamadali sya halata sa boses nya na may masamang nangyari ...

Ngayon malapit na ako bumaba ng jeep dahil may kalapitan lang naman yung bahay ni nhia sa amin kaya mabilis akong makakarating ...

" dito na ako ! para po ! " sabi ko sabay hinto ng jeep ...

Agad naman akong bumaba at nag lakad na ng mabilis patungo sa bahay nila nhia ...

Dahil sa gabi na wala na ring mga tambay sa lugar kung titignan mo ! Napakatahimik rin at nakakabingi ang katahimikan ...

Nahinto na ako sa pag lalakad sa tapat ng bahay nila nhia agad naman akong kumatok ...

" tok ! tok ! tok ! " tatlong malalakas ng katok ang ginawa ko ...

Hindi naman ako nabigo sapagkat ang bilis ng pag bukas ng pinto sa akin at si nhia ang humarap ...

" hi ? ! " bati ko kahit pilit lang ang pag ngiti ...

Naka seryusong muka si nhia na para bang may malalim na iniisip ...

" pasok ka sa loob na natin pag usapan ! " tugon nito sa akin ...

Pumasok naman agad ako sa bahay nila at tulad nya naupo narin sa sopa ...

" yung ate mo ? " tanong ko ...

" wala ako lang mag isa may project doon matutulog sa classmate nya ! " sagot nito sa akin na hindi parin mawala ang pag aalala sa kung anong iniisip ...

" eloiza tinawagan ako ni salaver ! " dagdag na sabi nito sabay hawak sa kamay ko ...

" ah ! " gulat kung sabi ...

" oo kanina at sa tingin ko mapapahamak sya ! Humihingal sya ee tapus may sinabi pa syang lugar ! " sunod sunod na sabi nito ...

" ano ? napapahamak ? anong lugar ? " nalilito ko naring tanong ...

" hindi ko alam ee pero ang natatandaan ko lang sabi nya sa kabilang kalye sa fastfood ! ttapus na putol yung linya ! " sagot nito na halata sa muka ang pagkatakot ...

" kalye ! fastfood ! ano yon ! ? " nalilito paring tanong ...

" hindi ko alam eloiza pero palagay ko doon nilagay ng killer yung mga barkada natin si jed si mj saka si rogelio ! " mahabang paliwanag nito ...

" sandali ! sandali nhia naguguluhan ako ee ! saan naman natin hahanapin iyong sinasabing iyon ni salaver maraming kalye saka fastfood dito ! " mahaba ko ring sagot na naka kulot na na ang noo kakaisip ...

" hindi ko alam ee ! bumalik kaya tayo kila salaver ? " sabi nito na balisa parin ...

" ano ! ayuko nga saka gabi na mag uumaga na nga ee gising pa tayo si mahc ba ? " hindi ko pag sang ayon sa naisip nyang gawin doon ko narin hinanap si mahc ...

Oo nga pala si mahc bakit wala dito ! ...

" tinatawagan ko pero hindi ma contact nakapatay yung cellphone " sagot nito sa akin ...

Napangiwi nalang ako at wala ng maisip pa ! Pinagmasdan ko si nhia kita parin ang pag aalala ...

" Alam ko na ! " pag basag ng katahimikan nito ...

Gulat akong napabalikwas ng upo sa lakas ng boses nya na kanina ay di maipinta ang muka sa pag alala ...

" ano ? " tanong ko ...

" yun nga ! yun nga eloiza yung fastfood na pinag meetan natin nung bago pa makatanggap si rogelio ng box ! " pag bago ng reaksyon ng muka nito ...

" loka loka ka rin no ! pero ayos na iyon kaisa kila salaver tayo pumunta ! " mataray kung sagot ...

" tara na ! " pag aya nito sa akin ...

" hindi ! hindi nhia ayuko ipagpabukas nalang natin yan ! " pag awat ko sa naisip nyang gawin ...

Napakagat nalang ng labi si nhia at napasandal nalang sa sopa ...

" seryuso eloiza hindi kaba nag aalala ? " seryusong tanong nito sa akin ...

Hindi na agad ako nakasagot sa sinabing iyon ni nhia ...

Aaminin ko takot na takot na ako hindi na biro ang pagkawala ng mga kaibigan namin dagdag pa iyong mga panakot at panaginip ko ...

Natatakot akong baka ako ang isunod ng killer ! Hindi ko nga alam kong buhay pa sila jed ngayon ...

Pero takot akong lumabas ngayong gabi ! Nilalamig ako ! Hindi maganda ang kutob ko sigurado akong baka pati ako kasali sa pagkuha ng killer na iyon ...

Kailangan ko bang harapin ang takot na ito ! Para sa mga kaibigan ko ! ...

" ano ! " pag pilit na sabi nito dahil sa tagal kung sumagot ...

" oo naman ! mga kaibigan ko sila ee ! kung tayo nalang ang makaka solve nito sige simulan na natin ngayon ! " pinag isipang sagot ko ...

Sana hindi ako nagkamali sa napili kong disisyon ...

" tara na ! simulan natin sa fastfood ! " matapang na sabi ni nhia kasabay ng pag tayo nito sa sopa ...

Tinignan ko na lamang sya at tumayo narin ...

" TOK ! TOK ! TOK ! TOK ! TOK ! " sunod sunod na katok ang nagpatingin sa amin ni nhia sa pintuan ...

Nakaramdam bigla ako ng pag ka kaba sino iyong kumakatok ng napaka lakas ! Hindi sana yung ! ...

########

" mukang hindi na matutupad pa iyong gusto ko ! " ...

" alam na nila kung saan ko tinago ang iba ! " ...

" Si salaver ang dapat sisihin dito sya ang sumira ng plano ko dapat pala pinatay ko na sya noong una palang kami nag kita "..

" pero sira narin naman ang plano ko ng hindi ko sila napagsama sama dahil binawian ng buhay si mj " ...

" kaya wala ng dahilan para maranasan nyo pa ang pagpapahirap ko ! dahil ngayon ko na kayo papatayin " ...

" hindi na ako basta sisilip pa sa bintana ! pag kumatok ako ! siguraduhin nyong hindi nyo bubuksan ! " ...

" eto na ko sa pinto ! hihihi ! hahaha ! " ...

[ killer pov ]

WHO'S BULLY [ FINISH ]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon