KABANATA DALAWAMPUT LIMA
2010
[ Salaver pov ]Hindi na ako pumasok sa school pagkatapus ng nangyari nabulag ang isa kung mata dahil sa bullpen na tumama dito ! wala naman kaming magagawa dahil mahirap lang kami ...
Ang akala ko nga hindi na ako makakapag aral dahil sa sitwasyon ko pero mali ako ...
Isang araw may nag puntang kamag anak ni mama binalita nito na patay na raw ang tatay nito ang lolo ...
Parehas naming hindi alam ng kapatid ko na mayaman pala sila mama kaya nabigyan sya ng mana ...
Doon nag simula ng magandang buhay ang pamilya ko ! Bumili ng lupa si mama sa kalayuan kasabay noon ang pag aaral ko ganun rin ang kapatid ko ...
Ang dating bahay namin binigay nalang sa malayung kamag anak ng papa ko iyon ang matandang nakatira ngayon doon ...
Nag iimpaki kami ng matapus ang bahay na pinagawa ni mama sa lupang binili nya napansin kong may bagong lipat sa lugar namin ! ...
Bagong muka kaya agaw pansin sa mga iyon ...
Isang babae at isang dalagita ang magkasunod na nag lalakad kung iisip mo sadyang mag ina sila dahil halos parehas silang ilang sa tao ng mga sandaling iyon ...
Ang lalo pang pinag taka ko ay yung dalagita na nasa likod ng nanay nya nakatakip ng tela ang muka nito na halos hindi mo na makilanlan ...
Naglakad na kami papunta sa sasakyan na nakaparada sa tapat ng bahay ng babaeng bagong lipat ...
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ! parang ang bigat ng nararamdaman ko ng dumaan ako sa harap ng dalagitang nakatayo sa tapat ng bagong bahay nila ...
" Pasensya kana hindi ako makakatulong sa pag hahakot nyo aalis na kasi kami dito ee ! " pag una kunang sabi sa kanya habang nakatanaw lang sya sa malayo at tinitignan ang nanay nya na nag bababa ng gamit sa motor ...
Hindi sya sumagot kahit tingin man lang ay parang hindi nya ako pinansin ...
" Aa sige alis na ko oo nga pala salaver ang pangalan ko ! " sabi ko at maglalakad na sana ng bigla nyang hawakan ang braso ako at papiga nyang sinabi ...
" WHO'S BULLY ? "
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig tila tinig na nanggagaling sa lupa ang narinig ko ! Matinding galit ang nararamdaman ko pero parang mas matindi ang nararamdaman nya ...
Mabilis kung binawi ang braso ko sa pag kakahawak nya at patakbo kong tinungo ang pinto ng sasakyan ...
" bakit parang balisa ka ? " tanong ni mama ng mapansin nyang hindi ako mapakali sa sasakyan ...
" hindi po mama ayos lang po ako ! " pag sisinungaling ko ...
" kung iniisip mo parin yung tungkol sa grupo nila jed hindi kana nila masasaktan " sabi nito at hinimas ang buhok ko ...
Hindi na ako sumagot pa ! ...
Sino ang babae yon bakit parang ang laki ng galit nya at ramdam na ramdam ko sya nung hinawakan nya ako ...
" whos bully ? " anong ibig nyang sabihin ...
PRESENT
" tama ako baliw karin tulad ng anak mo ! " galit kong sabi pero alam kung hindi nya ito ma iintindihan dahil naka busal ng panyo ang bibig ko ...
Hindi ko alam kung anong dahilan at bakit kasama ako sa kailangan nilang kunin ...
" salaver pasensya na ! marami kana kasing alam ee baka masira ang plano ng anak ko pag sinabi mo sa kanila kung sino ang tatapus sa buhay nila hahaha ! " sagot nito na tila nabasa ang laman ng isip ko ...
Nakaramdam ako ng takot at pakiramdam ko tutulo na ang luha ko ano mang oras ...
" napakasama nyo ! " salitang gusto kung sabihin ...
" hintayin nalang muna natin makumpleto sila bago mo malaman ang kapalaran mo hahaha ! " dagdag na sabi nito na tinuro ang litrato sa dingding ...
" hindi ! " nanlaki ang mga mata ko sa nakita ...
Ang mga letrato ng barkada nila jed ,mj, rogelio ,mahc, eloiza at nhia ang nakadikit sa dingding may mga bahid ding ng dugo ang mga ito ang lahat ay tila naka plano ! ...
Nilibot ko ang paningin ko nasa kwato ako na puno ng mga guhit sa dingding na tila kinayod ng isang mapurol na kutsilyo ...
At ang sahig nag lalagkit na sa pulang likido na natuyo ! hindi ako pwedeng mag kamali dugo ang nasa sahid ...
May mga hibla ng buhok na may kapirasong laman ...
Napakasangsang ng amoy sa buong paligid ...
" ANO ! NAMANGHA KABA ! " pasigaw na sabi nito sa akin ...
Nagulat ako sa naging reaksyon nya pagkatapus kung makita ang paligid ng kwarto ...
Doon na tuluyang bumagsak ang mga luha ko ! Ito na ata ang katapusan ko ...
" ang anak ko ! sadyang nasira ang buhay nya dahil sa mga taong walang ginawa kundi saktan ang iba ! napaupo ito sa sahig at umiiyak na sinasabi ang mga katagang iyon ...
Baliw na nga sya pero makikita sa muka nito ang pagkalungkot at pangungulila sa anak ...
Doon ko biglang naisip ang mga ginawa sa akin ng grupo nila jed ! hindi kaya ang anak nya ang unang na bully bago ako ? ...
" biktima rin ang anak nya dito ? " gulat kung nalaman ang lahat dahil lang sa mga sinabi ng baliw na babae na kumuha kila jed at sa iba para gumanti ...
Nagiging malinaw na sa akin ang lahat ...
" nhia ! kailangan ka ng mga kaibigan mo sana natukoy mo ang sinabi ko sayo " bulong sa isip ko ...
BINABASA MO ANG
WHO'S BULLY [ FINISH ]
Misteri / ThrillerHindi pa tapus ang nakaraan ! Hindi basta basta humihilom ang sugat na dulot nito ... Masasaksihan mo ang lupit at bangis ng taong nabuhay sa kahihiyan ... At ngayon dumating na ang araw ng pag GANTI ang araw na matagal nya nyang inaasam ... " hihih...