KABANATA TATLUMPUT APAT
FIVE YEARS AGO
[ Memories ]Maingat na lumilingon lingon ang babae sa paligid baka sakaling may makakita sa kanya ...
Kasalukuyan syang nasa tapat ng office at balak kuhain ang kodigo para sa test nila jed at ang barakada nito ...
Medyo tahimik na araw na iyon dahil simula na muli ng klase at wala ng ibang nasa labas kung hindi si mj at ang babaing pinag utusan nila ...
" natatakot ako ! ayuko ng gawin ! " umiiyak ng pakiusap nito kay mj na nasa malayo at naka tingin lang sa gagawin ng babae ...
Pero hindi ito pinakinggan ni mj sa halip suminyas lang ito na ituloy nya ang napag usapan ...
Kinakabahan man ay humakbang palapit ng pinto ang babae at ng nasa tapat na ito ng pintuan agad nya pinihit ang sadaruhan ng pintuan ...
Sumilip ng bahagya ito sa siwang ng mabuksan nya ang pintuan ...
Habang si mj naman ay palingon lingon sa paligid na maaring humadlang sa plano nila ...
Sa loob naman ng room nila mahc kung saan mag kakaklase sila hindi na nag tanong pa ang teacher kung nasaan ang dalawa dahil sa school na iyon normal lang ang palitan ng teacher kaya hindi na mapapansin na nawawala ang dalawa sa klaseng iyon ...
Hindi parin pumapasok ang babae sa loob ng office halata mo ang kabang nararamdaman nito ...
Tumingin sya kay mj na namumula na ang mga mata sa luha na kanina pa nito nilalabas ...
" bilisan mo nalang ! " mahinang sabi ni mj na hindi naman maririnig nito kaya kinampay na ang kamay senyalis na tumuloy nalang sya sa napag usapan ...
Huminga ng malalim ang babae ! Mahigpit na hinawakan ang dooknob sabay bukas nito ng bahagya kung saan maaari lang syang makalusot ...
Nakapasok ito sa loob na puno ng takot at pag aalinlangan ...
Dahil sa oras na mahuli sya ito na ang katapusan ng pagiging valedictorian nya na maari nyang ipag malaki sa kanyang ina kapag dumating na ang oras ...
Mahirap lang ang babaing ito pero sadyang napakatalino at sya ang natatangi ng paaralan para sa parangal na iyon ...
Nasa loob na sya ng office at dahan dahang nag lakad patungo sa lamesa kung nasaan ang mga file nang bawat section ...
" nasaan ba dito ! " pigil na pag luha habang hinahanap ang lugar kung saan nakalagay ang kodigo ...
Halos lahat ay nakita nya na pero wala ! Inulit nya muli ito pero bigo sya dahil wala doon ang hinahanap nya ...
Kaya naisip na nyang lumabas na ng office bago pa mahuli ng kung sino ...
Pero nahinto ang babae ng mahagip ng paningin nya ang isang bag ...
" ano iyon ? " tanong nito sa sarili ...
Agad naman sya lumapit dito para tukuyin ang nakitang papel na naka tiklop sa loob ng bag ...
" ito nga ! ito yon " nanlaki ang mata nya sa nakita ang hinahanap na kodego ay nasa kamay nya na ...
Siguradong hindi sya lalabas doon ng walang dala at ang kinasaya nito ay hindi na muli syang ma bu-bully ng barkada nila jed ...
Agad nyang binalik sa pag kakasara ang bag bago sya tuluyan lumabas ...
" ay ! " napasabing reaksyon nito ng mahulog ang ballpen galing sa loob ng bag ...
Pumasok naman ito sa ilalim ng table kung saan nakalagay ang mga files at documents ...
Mabilis naman syang umupo para kuhain ito ...
Sa labas pala ng office may papalapit ng guro na mabilis binuksan ang pinto at ...
" anong ginagawa mo dito ? mag nanakaw ka ? " gulat at malakas na sigaw ng guro nang makita ang babae na nakayuko sa ilalim ng lamesa ...
" aahh ! hindi po ! " gulat at takot na sagot naman ng babae ...
Pero mukang hindi natuwa ang guro sa sinabi nito ! Kita sa muka nya na galit at hindi maganda ang kahihinatnan ng babae sa galit na guro ...
Tuluyan ng tumulo ang luha ng babae at takot na takot ...
" mag nanakaw ka ano yang kinuha mo ! " galit na tanong ng guro na hinawakan agad ito sa braso ...
" wala po ! wala po akung kinuha ! " pag papaliwanag nito na patuloy parin sa pag iyak ...
" anong wala bakit ka nag tatago ! " tanong muli nito na hinihila na palabas ng office ...
" wala po maam wala po ! " paulit ulit na sabi ng babae ...
" tara doon tayo sa labas ! saka ano yan ano yang hawak mo ! " pasigaw na sabi ng guro ng makita ang hawak na papel ng babae ...
Nakakapit ang babae sa lamesa kaya hirap ang gurong mahila ito ! ...
" madaya ka ! kodigo ito ah ! " lalong nagalit ang guro sa nakita ...
" maam please ! " pag mamakaawa nito ...
" bumitaw kana dyan doon tayo sa labas ! " pasigaw ng utos ng guro na hinihila parin ang babae ...
Wala ng nagawa ang babae kung hindi bumitaw ! Hindi sya makapag salita ng mga oras na iyon dahil walang pumapasok sa isip nya kung hindi ang takot ...
" maam wag po ! " pag mamakaawa nito sa guro na kumapit naman sa pintuan ...
" nahuli na sya ! " kinakabahang bulong ni mj sa sarili na nakatago parin ...
" bumitaw kana ! kung wala kang ninakaw paliwanag mo ito ! " sigaw ng guro na hirap na hirap na sa pag hatak sa babae na madiin parin ang kapit sa pintuan ...
" maam huhu ! " umiiyak na sabi nito ...
Ilang mga estudyante na ang mga nakarinig sa sigawang nagaganap sa tapat ng office ...
Dumungaw na ang ilan at ang iba ay lumabas na ng room ! ganun rin sila jed at ang barkada nito na lumabas na rin ng room para makita ang nagaganap sa baba ...
" maam ako na po ! " pag kuha sa babae ng dumating ang gard ...
Binitawan naman ng guro ang braso ng babae at pinaubaya na sa gard ito ...
Nabitaw na nga sa lakas ng gard ang babae na bigla nalang umupo at nag pupumiglas parin sa kamay ng gard ...
Lumapit naman ang guro para tumulong pero sadyang nag pipiglas ang babae kaya hindi sinasadyang nakabitaw ito sa dalawa at babalakin sanang tumakbo ...
" BLAG ! " bagsak sa sento ang babae ng maapakan nito ang sariling sintas ng sapatos ...
Doon na kumumpol ang mga estudyan at pina ikutan ito na tila ba may palabas ...
Lumingon ang babae ! Nag hahanap sya ng maaring lusutan pero napakadaming estudyante ang nakaharang ...
Umiiyak nalang itong nakaupo sa gitna ang mga estudyante ...
" MAG NANAKAW ! " sigaw ng isang babae mula sa likod ! si mj ...
.......
BINABASA MO ANG
WHO'S BULLY [ FINISH ]
Mystery / ThrillerHindi pa tapus ang nakaraan ! Hindi basta basta humihilom ang sugat na dulot nito ... Masasaksihan mo ang lupit at bangis ng taong nabuhay sa kahihiyan ... At ngayon dumating na ang araw ng pag GANTI ang araw na matagal nya nyang inaasam ... " hihih...