KABANATA DALAWAMPUT DALAWA
PRESENT
[ Mahc pov ]
Bakit ganun sya ? alam nya kung sino ang gumagawa nito sa amin pero hindi nya magawang makipag tulungan sa amin ...
Hindi naman namin sya masisisi kung may galit parin syang nararamdaman sa mga ginawa namin sa kanya pero buhay na ng mga tao ang kasali dito ...
Galit at pagkapoot ang nag hahalo sa isip ko. Hindi ko na nararamdaman ang mga luha ko na alam kong kanina pa dumadaloy sa mga pisngi ko ...
" guys kung hindi si salaver ang kumuha sa mga kaibigan natin ? sino ? " tanong ni eloiza habang nag lalakad kami palabas ng kanto ...
" hindi ko alam ! pero may alam sya iyon ang alam ko ! " sagot ko na pinipilit pakalmahin ang sarili ...
" i report na kaya natin ito sa pulis ? " pag sabi ni nhia ...
" hindi wag na lalo lang gugulo ang lahat ! saka kahit hindi na natin iyon sabihin alam na nila siguro naman alam na ng mga pulis na nawawala si rogelio kaya kumikilos na sila. Pag nahanap na nila si rogelio sigurado akong makikita na rin si mj at jed " mahabang pag sagot ko ...
Tumingin nalang si nhia sa akin parang may agam agam parin ...
" nandito na tayo guys anong balak nyo ? " sabi ni eloiza ng makarating kami sa kanto ...
" siguro mag si uwian muna tayo ! " matamlay kung sabi ...
" pero pano sila rogelio ? " tanong ni eloiza ...
" wala ! " sabat ni nhia na hindi nakatingin sa amin ...
Natahimik nalang ako at ganun rin si eloiza. Alam ko kung anong nararamdaman ni nhia kaya nya nasabi iyon pero wala ng ibang paraan ee hanggang doon nalang talaga ang magagawa namin ...
Hindi rin namin masisisi si salaver dahil tama sya wala kaming ibedensya sa mga pinaparatang namin at hindi dahilan ang nakaraan para sabihing sya ang may gawa ng mga pagkawala ...
Kumampay na si eloiza sinyales para sumakay sya mag isa sa jeep ...
Nakatayo lang kami non at walang gustong sumunod kay eloiza. Hindi na tumagal pa ang jeep umalis na ito agad na wala man lang paalam galing kay eloiza ...
Ilang sandali pa isang jeep naman ang dumaan at agad humito sa harap namin ni nhia nag katinginan muna kami ni nhia bago sya tuluyang sumakay ...
Para kung nabasa ang nasa isip nya na wag na akung sumunod. Alam ko na pati sila natatakot na sa mga nangyayari ...
Nag simula lang naman ito simula nung nag kasama sama ulit kami pero bakit kailangan humantong sa ganito. Ilang taon na ang lumipas ? ...
Kung hindi ako nag kakamali ! Tama ! baka alam nya yung sagot ! ? nag pagising sa isip ko ...
Tuluyan na ngang umalis ang jeep na sinakyan ni nhia na hindi ko manlang napansin. Dahil may kailangan pa akong gawin sana magawa ko ito nang nag iisa ...
Patakbong lakad akong bumalik sa kinaroroonan ni salaver alam kung hindi pa sya nakakaalis doon ...
Hingal hingal akung nakabalik sa lugar kung saan kami nag usap usap kanina ...
Pero nasaan sya ? tanong ko sa isip ko habang nag lilingon lingon sa paligid. Napakatahimik na non at malapit narin lumubog ang araw ...
Ang balis naman nya makaalis na hindi namin nakikitang lumabas sya ng kanto nasaan sya ? magulong magulo ang isip ko at patuloy parin sa pag tingin tingin sa paligid ...
Naglakad pa ako ng kaunti at baka nandoon sya sa bahay ng babae kanina na kausap din namin bago dumating si salaver pero laking gulat ko sa nakita ...
" ano ? ! " gulat kung sabi ng makita na naka padluck na ang pintuan nito ...
Lalong gumulo ang isip ko ! Para na akong masisiraan ng ulo sa sunod sunod na naiisip ko ...
Naramdaman ko nalang na nanghihina ang tuhod ko at napaupo sa sementong tapat ng bahay ng babae ...
Nakatanaw ako sa malatanimang ilog ng may ! ...
" ano iyon ? " tanong ko sa sarili ng may makitang isang bagay na nakatayo malayo sa akin ...
" hindi lang ano iyon ! Tao iyon ? mukang papalapit sya dito ? " sunod sunod na bulong ng isip ko ...
Nag kusang tumayo ang mga paa ko para umiwas sa papalapit at mag tago ? ....
Mag tago ! tama ! kakaiba ang taong ito kinikilabutan ako habang papalapit sya dagdag pang nagpapatayo ng balahibo ko ang kasuotan nito na balot na balot sa katawan nya naka patalon sya at rubber shoes at ang itaas naka jaket syang itim na hindi na halos makita ang muka nito dahil sa hood na nakatalukbong dito ...
Ito na sya ! nasa malapit na ...
Nakapagtago na ako sa siwang sa pagitan ng bahay ng babae at kapit bahay nito sapat na ang siwang na iyon para sa isang tao kasya na ko dito ...
Ngayon ramdam ko na sya alam kung nasa tapat na sya ng bahay ng babae ! Pero anong ginagawa nya doon ? bakit ganito yung nararamdaman ko parang isang kaluluwa ang nasa gilid ko napakalakas ng prensesya nya kinikilabutan ako ...
Tahimik lang akong nakikinig sa mga kinikilos nya pero sadyang napakatahimik tanging ang agos lang ng ilog ang naririnig ko ...
Sisilip ako ! ...
Dahan dahan akong sisilip sa kahoy na harang sa pinag tataguan ko ...
Nakikita ko na ng kaunti pero hindi pa sapat para makita ko ang ginagawa nya ! ...
Uurong pa ako ng kaunti ...
" MWAAAAAW ! " tinig na galing sa pusa na tumalon mula sa bubungan ...
Kinakabahan ako ! ang bilis ng kabog ng dibdib ko ! ...
Sisilip ulit ako ! Nakahawak parin ako sa dibdib ko at ramdam na ramdam ko ang kabog ng dibdib ko ang bilis bilis nito na parang lalabas na sa dibdib ko ano mang oras ...
Ito na nakasilip na ako pero ! ...
Pagtatakong tanong ng makitang wala na doon ang taong nakajaket ? ...
" nasaan sya ? " tanong ko at dumungaw na na halos isang buong ulo ko na ang nakalabas ...
Tumanaw tanaw pa ako kung saan ko sya huling nakita pero wala talaga ! ...
" hihihi ! hahaha ! " isang tawa ang nakapanginig ng mga balahibo ko at lalong nag pabilis ng kaba ko ...
Nasa kabilang gilid sya nararamdaman ko kahit hindi ko sya nililingon ...
Pero kailangan kung gawin kahit natatakot ako ! ...
Dahan dahan akong lilingo kahit kinakabahan na ako ! ...
Isa ...
Dalawa >>
Naaaninag ko na sya ! makikita ko na ! Nakaharap na //// ...
" ssiinooo ! " ang tangi kong nasabi ng maramdaman ko ang unti unti kong pag bagsak sa semento ...
" bakit nahihilo ako ! nandidilim ang paningin ko ! "
" ANAK ! " sigaw ng babae na hindi ko mawari kung saan ng galing ...
" hihihi ! hahaha ! " mga huling narinig ko bago tuluyang dumilim ang paligid ...
BINABASA MO ANG
WHO'S BULLY [ FINISH ]
Mystery / ThrillerHindi pa tapus ang nakaraan ! Hindi basta basta humihilom ang sugat na dulot nito ... Masasaksihan mo ang lupit at bangis ng taong nabuhay sa kahihiyan ... At ngayon dumating na ang araw ng pag GANTI ang araw na matagal nya nyang inaasam ... " hihih...
![WHO'S BULLY [ FINISH ]](https://img.wattpad.com/cover/33185977-64-k283953.jpg)