Chapter 25

905 45 44
                                    

JHOANA's POV

"Good morning lola." humalik ako sa pisngi niya at nagulat naman ako nang ngumiti siya at hawakan ang kamay ko.

"Good morning apo. Kanina pa kita inaantay." sagot niya at nagtaka naman ako.

"Bakit po? May kailangan ba kayo?" napaisip ako sa aking sinabi kaya agad kong binawi "Ang ibig ko pong sabihin, may masakit ba sa inyo? Ano pong nararamdaman niyo? Ayos lang po--" Pinisil niya ang kamay ko at bahagya pang natawa.

"Ayos lang ako iha, gusto ko lang makasabay ka kumain."

Hindi ko alam ang sasabihin dahil sa narinig ko. Hindi kami madalas mag-almusal ni lola dahil maaga akong umaalis para pumunta sa flower shop. Sa hapunan kami karaniwang nagsasabay at kung minsan ay hindi na, dahil gabi na akong nakakauwi. Kaya hindi ko inaasahan na gusto niya akong makasabay kumain ngayong araw.

"Ah.. ganoon po ba? Kanina pa ba kayo gising? Pasensya na po at medyo napahaba ang tulog ko."

"Kagigising ko lang din, halika at maupo ka na dito." Tinuro niya ang upuan sa kanyang tapat at agad naman akong sumunod.

"Ako na po.." kukunin ko na sana ang plato sa kanya nang akmang sasandukan niya ako ng kanin, pero pinigilan niya ako.

"Ako na apo, hayaan mo akong pagsilbihan ka kahit minsan."

Sa hindi malamang dahilan ay parang gusto kong maiyak sa kinikilos ni lola. Natapos siya sa paglalagay ng pagkain sa plato ko at kahit pa sobrang dami nito sa karaniwan kong kinakain tuwing umaga, ay ayos lang.

"Kamusta ka naman,Jhoana?" Tanong niya habang nagsasandok ng kanyang pagkain. "Ayos naman ba? Parang pumapayat ka."

Tumango ako habang punong-puno ang bibig ko ng kanin.Napansin niya iyon at natawa siya ng mahina.

"Ayos naman po. Tsaka hindi po ako pumapayat, palagi ngang sinasabi ni Jia na ang taba ko na daw po."

"Iyon talagang kaibigan mo oh. Kaya ba hindi ka kumakain ng madami? Huwag mo nang pansinin iyon, hindi ka tumataba. Heto kumain ka pa." Inilapit niya sa akin ang mga pagkain kahit pa napakarami pang laman ng plato ko. Tumango na lamang ako at ngumiti.

Madami pang tinanong si lola, kagaya nang kamusta na daw ba sa shop. Kung kamusta na si Ate Ella at syempre si Bea. Hindi ko talaga alam anong sinuhol ni Beatriz sa kanya pero simula noong umuwi ako at naabutan siya dito sa bahay ay palagi nang nagtatanong si lola tungkol sa kanya.

Napangiti ako habang nagkukwento si lola tungkol kay Bea pero bigla ko ring naalala ang sinabi niya noong isang linggo.

"Will you go out with me?"

Patanong-tanong pa ng ganyan pero isang linggo nang hindi nagpaparamdam. Tss..

Umiling-iling ako para mawala sa isip ko ang sinabi niya. Nagtaka naman si lola kaya agad niyang tinanong kung ayos lang ako. Tumango naman ako at sinabi ko nalang na may naalala ako tungkol sa shop.

"Tapusin mo na ang pagkain mo para makaalis ka na. Baka marami ka pang gagawin, apo." tumingin ako sa aking relo at ngumiti kay lola.

"Ayos lang po, maaga pa naman." Alas otso ako palaging dumadating sa shop at minsan lang akong mahuli. Pero ngayong araw, parang gusto ko munang makakwentuhan si lola. Minsan lang kami makapag-usap nang ganito kaya naman nagtext ako kay ate Ella na mali-late ako ng mga dalawang oras. Tutulungan ko muna si lola na magdilig ng halaman dahil ayun naman ang palagi niyang ginagawa tuwing umaga.

It Might Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon